Aria ' s POV
Maaga akong ginising ng isa sa mga tauhan nila papa at mama para lang patakbuhin dito sa ground ng castle ng ilangpung beses . Tsk ! Ayst ! Akala ko ba kailangan ko na mag - training sa lalong madaling panahon ee bakit ayaw pa din nila akong patigilin sa pag - takbo .
" Faster ! Aria bumabagal ka na sa pag takbo ! " sigaw ni Papa sa akin nanunuod lang kasi sila ni mama doon sa taas ng field .
" Napapagod na ako papa kanina niyo pa ko pinatatakbo ilang oras na ba ko takbo ng takbo ! " inis na sabi ko
" Wag kang matigas ang ulo sumunod ka na lang kailangan maging handa ang katawan at isip mo once na ituro na namin ang kapangyarihan mo " sigaw na sabi niya sa akin
Haist ! Nakakainis naman kanina pa ko tumatakbo paulit - ulit lang din naman yung sinasabi niya haist !
......... After 2 hours...
" Okay ! That ' s enough you can take your rest " sabi ni mama
Sa lahat ng mga pinag sasabi nilang dalawa sa akin parang ito na yata ang pinaka the best . Nakapag - pahinga na din sa wakas grabe yung pawis ko sobrang basa na ng damit ko . Bawal daw kasi ako gumamit ng mythical guardian kaya ayan sa loob lang sila ng katawan ko naririnig ko pa nga na nag - aalala sila Athena sa loob ng katawaan ko pero hindi ko lang din iyon pinapansin iyon .
" Okay tama na ang pahinga Aria pumunta ka na dito sa gitna " nagulat naman ako sa sinabi ni mama parang kakaupo ko lang ni hindi pa nga ako nakakainom ng tubig go na agad
" Ha ??! Mama kaka upo ko lang hindi pa nga ako umiinom ng tubig ee yung hingal ko hindi pa nawawala " nakasibangot na sabi ko sa kanya oo sa kanya kase sabi nila na sila nga daw ni papa ang mag tuturo sa akin ng pag gamit ng kapanguarihan haist ! Nakakainis talaga kase bakit sila pa ei.. Ang higpit pa nila mag turo
" Pasensya na anak pero para sa iyo din ito kailangan mo nang matuto ng mabilisan para sa ikabubuti ng lahat " iyon lang ang sabi niya kaya no choice ako pumunta na ako sa gitnang bahagi ng field dito sa palasyo
" Okay ready ka na ba Aria !? " pasigaw na sabi niya haist ! Bigla akong kinilabutan parang ginagamit niya ang pagiging reyna niya ng mythical world ah para siyang mangangain ng taong buhay pag seryoso
" y - yes " utal na sahot ko napangiti naman siya bago muli mag - salita
" Okay ang unang kong ituturo sa iyo ay paano mapalabas ang mythical guardians mo " sabi niya habang naka tingin ng deresto sa mga mata ko
" Kaya ko na po iyon gawin " pag mamayabang na sabi ko sa kanya
" hindi pa ako tapos tuturuan kita kung papa anong mapalabas ang mythical guardian mo ng hindi nag sasalita " sabi niya na ikinagulat ko
" What !??? Papaano kong mababalabas kung hindi ako mag - sasalita " gulat na sabi ko sa kanya
" Kaya nga ituturo ko sa iyo nakikinig ka ba " sabi niya matapos niya ako batukan really !?? Reyna ba talaga tong kaharap ko parang tambay sa kanto
" Aray naman mama para kang tambay kung maka batok ! " reklamo ko sa kanya habang naka nguso
" Ano yung tambay !?? " takang tanong niya sa akin bwahahaha naka iaip ako ng kalokohan
" Sa mundo ng mga tao iyon mama tawag sa isang napaka sipag na tao for short tambay " nakangiti kong sabi sa kanya
" Wow napaka bait naman ng anak ko . Sige mag simula na tayo ano pangalan ng mga guardian mo " mahinahon na tanong niya sa akin
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasíaHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...