( Theo 's midvid)
Theo 's POV
Alas - kwatro pa lang umaga ay nagising na ako , hindi ko alam at hindi na ako ulit maka - tulog lalabas sana ako ng kwarto para kumuha ng tubig pero nakatamaran ko lang . Nakadapa lang ako dito sa kama ko bigla ko naman naisip yung nang - yari sa amin ni Aria .
Hindi ko naman kasi sukat akalain na doon siya mang - gagaling sa itaas ng puno at namalayan ko nalang na sinapo ko siya kaya ang ending nag - kahalikan kaming dalawa . Sa kauna - unahan pag - kakataon ay ngayon lang ako nahalikan sa labi . Parang tumigil sandali ang oras ng mga panahon na iyon at tanging si Aria lang ang nakikita ko , oo aaminin ko na sobrang namiss ko siya kahit na malayo kami sa isa ' t - isa ay lalo pang lumalim ang pag - tingin ko sa kanya .
Nawala ang pag -iisip ko ng biglang parang may nabagsak sa labas ng kwarto kaya dali - dali akong bumaba papunta sa kitchen para i - check kung anu iyon muka itong nabasag . Nang makarating ako doon hindi ko inaasahan na madatnan doon si Aria na nag - pupulot ng nabasag na baso . Mukang kukuha siya ng gatas ayon sa nakita kong box sa ibabaw ng mesa .. Bigla naman itong napa - harap sa akin na gulat na gulat doon ko lang napansin na nakapantulog pala ito kaya kitang kita ko yung hubog ng katawan niya .
" Ikaw lang pala akala ko kung sino na ang nakapasok sa bahay " sabi ko pero iniwas ko ang tingin sa kanya at para bale wala lang sa akin ang nang - yare .
Tumayo naman ito atska tumingin sa akin pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko at biglang nag - bawi ng tingin doon ko lang narealize na nahubad pala ako ng pang itaas ko .
" Ay , oo pasensya na ha ? Nadinig mo pala yung pag - kakabasag ko sa baso . Nadulas kasi ito sa akin dahil sa sobrang antok ay nabitawan ko ito . " sabi nito sa akin at yumuko nahalata ko din na naiilang pa din siya sa akin . Lalapit sana ako sa kanya para tulungan siya na ligpitin ang kalat at ng nabasag niya baka kasi masugatan pa stupid at clumsy pa naman ang isang to pero kahit ganoon ay mahal ko pa din naman siya ..
" Tulungan na kita " offer ko sa kanya bigla naman itong nataranta at biglang sinimulan pulutin ang nabasag na baso .
" Ah WAG NA !!!!!! " biglang sigaw niya sa akin kaya napa - atras ako .
" A - ah a - ano k-kase kaya ko naman ito mag - isa simpleng bagay lang naman ito " pag kasabi niya nun ay dali - dali niya pinulot ang mga piraso ng basong nabasag .
" Outch ! Sigaw niya " nakita ko nalang ay nag - dudugo na yung kamay niya dahil nahiwa ito . Napatapik nalang ako sa noo ko habang umiiling .
BINABASA MO ANG
I'm The Long Lost Mythical Princess
FantasyHighest rank #5 fantasy Simpleng babae na lumaki sa normal na mundo. Namumuhay ng masaya kasama ng kanyang ina at ama. Hangang sa dumating ang araw ng itinakda . Ang araw ng kanyang pagbabalik sa tunay niyang mundo. Paano niya matatangap na s...