P R O L O G U E

1.9K 33 1
                                    

My first story of 2018! Yey!

Start: March 14, 2018
End:

Sobrang excited ako para rito. First time ko gagawa ng ganitong plot, haha!

P R O L O G U E

I was just 17 years old when I accidentally got pregnant. Hindi ko sinisisi ang boyfriend ko no'n na nakabuntis sa akin. It just not takes one in doing that, kaya alam ko sa sarili kong kasalanan ko rin.

I willingly gave my on self to him on our second year anniversary. Hindi ko inakalang 'yon ang huling beses na makakasama ko siya.

He can't take responsibility. Masyado pa kaming bata para maging magulang. Wala pa kaming alam. Wala kaming sariling trabaho o plano man lang. He doesn't want the child.

Gusto kong maiyak no'n ng hilingin niyang ipalaglag ko nalang ang bata. How can he be so heartless? Anak niya din ang dala ko. Hindi lang parte ko ang meron doon kundi kanya rin, pero nasasabi niya ang bagay na 'yon? Fvcking stupid!

Nilihim ko kela Mama ang lahat. Nakatikim ako ng malakas na sampal no'n ng mahuli niya akong sumusuka sa lababo sa kusina. Sinabi niyang naghinala na siya noong mairita ako sa amoy ng pagkain sa ref. Naghinala raw siya noong mapansin niyang hindi ako dinatnan ng buwan na 'yon.

Umamin ako at sinaktan ako ni Mama. Galit na galit siya sa akin. Kesyo walang kwentang anak. Hindi magandang modelo sa pamilya. Pariwara. Lahat na ata sinabi niya. Pero si Papa no'n tahimik lang. Galit ang tingin niya pero hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay o pinagsabihan.

Sa lahat ng natanggap ko kay Mama noong araw na 'yon. Nang gabing matutulog na ako, dinugo ako. Hindi ako nagsalita. Siguro mas magandang mawala na lang ang anak ko para hindi magalit sa akin si Mama.

Iniwan na nga kami ng tatay niya, eh. Hindi ko kakayaning maging ang magulang ko'y pabayaan ako sa murang edad.

Binisita ako ng kuya ko sa kwarto ko ng gabing 'yon para makausap. Doon niya ako nakitang nakahiga sa sahig, walang malay, at may dugo na ang kama.

Nagising ako na nasa ospital na. Hinawakan ko ang tyan ko at doon ko naramdaman na nandoon parin siya.

Sorry, baby... Pinabayaan ka ni Mommy. M-Mas masama pa ako kay Daddy, ano? Napakasama kong ina.

Agad akong naiyak sa 'di ko malamang dahilan. Umangat ang tingin ko nang nagsalita si Mama.

"Muntik na siyang mawala, alam mo ba 'yon?" malungkot na tanong nito.

"I'll take care of this baby, Ma. Na-realize kong hindi ko kayang wala ang batang 'to. Hindi ko kayang mawala ang buhay na 'to sa tyan ko habang wala pang siyam na buwan."

Ngumiti si Mama at niyakap ako. "You'll be a good mother, Crizel. Buti't naisip mo 'yan ngayon. Buti't nakita ka ng kapatid mo."

Laking pasalamat ko't naka-graduate ako ng highschool. Buti nalang at hindi ako nagpabaya noon. Kahit ihinto ko ang unang taon ng kolehiyo ay maaari parin akong makapagtrabaho.

Hindi na ako pumasok noon sa kolehiyong pinapasukan ko. Hindi na ako pwedeng mag-enroll doon dahil narin sa nabuntis ako ng maaga. Hindi raw maganda sa eskwelahan nila iyon.

Wala namang problema sa akin. Maraming kolehiyong maari kong pasukan 'pag nagdalawang taon na ang anak ko. Ayoko siyang iwan sa nanny habang baby pa. Okay lang kayla Mama pero hindi naman pwedeng lagi nilang bantay ang anak ko 'pag nakalabas na ito.

Nag-trabaho ako sa isang fastfood chain for five months. Hindi na ako pinag-trabaho ni Mama ng mag-anim na buwan ang tyan ko. Sa bahay lang ako noon, tulong-tulong kung may maitutulong.

Hindi ako naglihi noon kasi nahihiya ako kela Mama. Kahit tanungin nila ang gusto kong kainin ay hindi ko sasabihin. Kung may gusto naman ako'y pwede naman akong bumili.

Nang mag-walong buwan ang tyan ko. Doon ko lang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Maitim ang kili-kili ko at leeg. Mga normal lang daw sa buntis. Hinaplos ko ang tyan ko no'n. Kailangan 'pag pumasok ako ng kolehiyo, balik na sa dati ang timbang ko't pangangatawan.

Gusto kong hindi mahalata na may anak ako. Ayokong kantyawan ang anak ko kaya gusto kong hayaan muna siyang malayo sa mga kaklase ko noon. Para iwas gulo. Hindi ko ipinaala, sa tatay niya ang bata. Ako lang ang magulang nito.

Mas gugustuhin ko pang isipin na kinuha ko lang ang sperm cell niya para mabuo ang baby ko. Hinding-hindi ko gugustuhin na sabihin ginawa namin ang bata. Gusto kong kalimutan ang lalaking hindi man lang kinilala ang kanyang anak.

Sila Mama ang kasama ko nang manganak ako. Normal delivery. Mahirap. Sinabihan ako ng doktor na delikado daw 'yon. Pero para sa baby ko, nilaksan ko ang loob ko. Masakit. Sobrang sakit.

Naluha ako ng marinig ko ang iyak ng anak ko. "Congratulations, Mommy. It's a baby girl!" masiglang bati ng doktor.

Isa lang ang masasabi ko no'n ng mabuhat ko si Meridith. Puno ng galak ang puso ko. Ang cute cute nito. "Kamukha ko siya, 'di ba, Mama?" masaya kong usal.

"Oo, pareho kayong prinsesa."

Puno ng galak kong hinalikan ang pisngi ng anak ko. Ang lambot lambot nito. She's so fragile. I'll take care of her like a precious gem. She's a hidden treasure that came from me.

Aalagaan kita, Meridith. Mamahalin ka ni Mommy ng buong-buo. Tipong hindi ka na hihiling ng Daddy. Kasi nandito si Mommy para sa 'yo. Hindi kita pababayaan gaya ng pang-iiwan sa 'tin ni Daddy.

Bininyagan ang baby ko't kamag-anak lang ang bisita. Hindi ako nag-imbita kahit na sino maliban sa mga kaibigan kong sobrang malalapit. Mas naging cute ang baby ko habang lumalaki siya.

DALAWANG taon ang lumipas. Dinaos ang birthday ng anak ko. Today's 11th of May. "Happy Birthday, Meridith Del Castillo. Mommy loves you so much." masaya kong bulong ng gisingin ko ito ng mismong araw ng birthday niya. May party ito at dapat maghanda.

I can say that being a mother is the best. Kahit anong pagod at hirap, makita ko lang na ngumiti ang anak ko'y nawawala na lahat. Napakaganda nito, manang-mana talaga sa 'kin ang baby ko. Cute, cute!

Hinanda ko ang mga kailangan ko sa pasukan. Magsisimula na ang unang taon ko sa kolehiyo. At the age of 19, ngayon lang ako papasok sa unang taon, ulit. I'll soon turn 20. Kailangan kong maka-graduate at makapag-trabaho para sa anak ko. Syempre, para sa aming dalawa.

FOR the past three years, ayos ang buhay ko. Maganda ang markang nakukuha ko. Pursigido rin ako dahil hindi lang kinabukasan ko ang nakasalalay rito, maging ang sa anak ko rin.

Hindi ko alam kung talagang mapagbiro ang tadhana o sadyang gano'n lang talaga siya sa lahat ng tao.

Bakit sa lahat ng taon na pwedeng mag-aral dito ang isang tulad niya, dito pa sa unibersidad na pinapasukan ko? Bakit sa lahat ng pwedeng pakialaman ay ako pa ang pinili niya? Bakit sa lahat ng pwedeng pagsiksikan niya, sa buhay ko pa?

At bakit sa lahat ng pwedeng guluhin, 'yung puso ko pa?

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon