CHAPTER FIFTEEN

647 30 13
                                    

Hala! 4K na agad tayo! Thank you so much everyone!

Chapter Fifteen

Ama

"Hah." usal ko pagkaraan ng ilang sandaling pagkatulala. Napailing ako at inabot nalang ang baso ng ice cream. Mabilis akong sumubo ng ice cream pero nakakadalawang subo palang ako, naalala ko na agad siya.

Asar! Tignan mo ginawa mo sa 'kin?!

Inis kong pinatong sa counter ang ice cream. Pumunta ako sa fridge para tignan kung may scoop kami, 'yung binibigay 'pag bumibili ng nasa cup na ice creams. Siguro naman makakain ko 'yung ice cream gamit 'yon, may naaalala ako sa kutsara e. Kainis.

Akmang tatanggalin ko na sa pagkakabalok ang nakita kong pang-scoop ng may humawak sa magkabilang bewang ko mula sa likod. Agad akong napaigtad, inis kong nilingon si Thyron na nakangiti sa 'kin.

"What are you doing?" tanong nito nago sinilip ang hawak ko. "'Di ba may kutsara na don, para sa'n pa 'yan?"

"W-wala. W-wala kang pake!" mabilis akong kumawala at lumapit sa baso ko. Nilagay ko sa lababo ang kutsara. Tinapunan ko ng masamang tingin si Thyron bago ako pumunta sa sala para makasama ang anak ko. Tsk. Hindi na ako kakain ng ice cream na wala sa cone!

*-*

Gabi na pero wala parin sila Mama. Buong hapon nagkulitan at naglaro ang dalawa kaya ayon, nakahiga sila sa sofa.

Nakatihaya si Thyron sa sofa, nasa kanyang dibdib si Meridith na mahimbing rin ang tulog. Ako lang ang mulat dahil wala naman akong ginawa. Thyron replaced me for this day. Lahat ng ginawa ko'y siya ang gumawa. I should feel happy, pero nakakainis rin kasi tignan n'yo naman ngayon. Wala akong makausap tulog silang dalawa.

Tinawagan ko number ni Mama pero hindi nila sinasagot. Nag-aalala ako dahil hindi man slang sila nag-text kung nasa'n na sila ngayon. Kung anong oras sila uuwi.

Lumapit ako sa dalawa. Tinitigan ko muna dahil sobrang himbing talaga ng tulog nila. Habang nakikita ko si Thyron na nakayakap at nakaalalay sa anak ko, hindi ko maiwasang mapangiti.

If only Meridith's father was man enough to take responsibility, siya siguro ang nasa lugar ni Thyron ngayon. He should be the one taking good care of us. Sana kompleto kami.

Hindi ko napansing natulala na pala ako. Nabalik lang ako ng maramdaman ko ang haplos ng kung sino sa 'king kamay. Tumitig ako kay Thyron na nakadilat ng kaonti. Batid mo agad na kakagising niya lang. His hair was messy, nakagkalat ang hibla ng buhok ni Meridith sa kanyang dibdib. He doesn't seem to mind that at all.

"Hey." usal niya.

"Hmm?"

"Why?"

Umiling ako. "Mabigat 'yan si Meridith. Dalin mo na sa kwarto para makauwi ka na."

"Sina Tita?"

"Still not here."

Dahan-dahan itong bumangon para 'di magising ang anak ko. Aalalayan ko pa sana siya pero hindi niya na ako hinayaan. Binuhat nito ang anak kong natutulog na tila sanay na sanay sa ganitong bagay. Nasa balikat niya na ang ulo ng anak ko, yapos niya sa bewang ang anak ko, ang isang kamay niyang nakaalalay sa batok nito.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon