Wow! 3K reads na agad ang YMMC! Grabe! Thank you so so so so so much everyone for still sticking with this story. And I want to thank you for reaching here, sobra po ang pagpapasalamat ko sa'yo. At dahil bagong achievement nanaman, here's the update! Enjoy everyone.
Chapter Thirteen
Artista
"Where should we go? Have you guys eaten? Gutom na ako." usal ni Thyron habang nasa driver seat siya at nagda-drive. Si Meridith ay nasa backseat, nakatingin sa harap. Ngumiti ako sa anak ko bago ako tumingin kay Thyron.
"Haven't eaten." sagot ko. "Naiwan sina Mama doon sa loob. Paano ka? Hindi ka man lang nagpaalam."
"Nah, they'll understand. They won't even think Thyron Manatad had gone there, kahit hanggang entrance lang naman ako."
"Kasi ang kulit mo! Sabi ko pumasok na tayo ulit, ayaw mo naman. Nakakahiya doon sa may birthday, kumare pa naman ni Mama 'yon."
Agad na prumeno si Thyron kaya napaangil ako sa kanya. "Ano ka ba! Magdahan-dahan ka nga!"
"K-kumare ng Mama mo?" utal niyang tanong. Tumitig siya sa 'kin sandali bago nagpatuloy. "Then you know about Cecil dela Cruz?"
"Cecil dela Cruz? Hindi ko ganoon kakilala ang mga kumare ni Mama, bakit ko natanong?"
"She's my aunt. Fred, my cousin's mother."
Tinitigan ko siya. Cecil... Cecil? Sa'n ko ba narinig 'yon? Sa pagkakatanda ko, narinig ko na siya.
"She's at the party."
Agad muli akong tumingin kay Thyron. "She's there." sagot ko sa tonong nagsasabing totoo ang sinabi niya. I guess, I do know her. Siya iyong nagulat ng malamang may anak na ako.
"You remembered?"
"I just met her earlier, malamang maaalala ko." I said before looking away. Change topic please...
Hindi na sumagot si Thyron at nagxdrive nalang muli. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. He didn't say anything the whole ride. Late ko na napansing nakatulog ang anak ko, siguro dahil sa sobrang tahimik ng paligid kaya inantok siya.
I was awake, magta-tanghalian pa lang naman. We haven't eaten anything. 'Yung kaninang iinumin ko sana naudlot pa dahil kay Delton. Bigla tuloy akong nainis.
"Do you have water here?" tanong ko bago lumingon sa kanya. Umiling siya kahit nasa daan ang tingin. Umiwas na ulit ako, ramdam ko ang kagustuhang uminom. Uhaw ako at naiinis.
Natigilan ako ng tumigil si Thyron sa tapat ng isang convenience store. Hindi ako agad nakasalita dahil bumaba ito mula sa sasakyan. Napakaayos ng damit nito, suit and tie pa. Wala pa man din siyang cap o shades man lang. Pagkakaguluhan lang ang lalaking 'to e. Minsan hindi nag-iisip.
Hindi na ako makasandal sa upuan ko. Nakatingin lang ako sa labas inaantay ang pagbabalik niya ng walang kahit anong sugat o pasa. 'Wag lang sana siyang pagkaguluhan dahil lalabas talaga ako dito para hilahin siya pabalik sa loob.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakalabas ito ng maayos. Hindi man nakangiti at seryoso ang kanyang itsura, napakagwapo talaga. Kainis. Mayroon talagang pinagpala sa pagiging magandang lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng kumatok siya sa bintana ko at binuksan niya ang pinto. Naka-unlock 'yon the whole time? Paano kung biglang may bumukas noon? Sheez!
"Here." nakangiti niya na ngayong usal. Tinitigan ko ang plastic at nakita ko ang dalawang bote ng tubig at isang bote ng malamig na kape. Inabot ko iyon saka niya sinara ang pinto. Umikot siya sa harap at sumakay na sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...