Chapter Five
Sabay
Kita ko sa seryosong mukha ni Thyron na hindi niya nagustuhan ang naisip kanina. Wala na ang bakas ng tawa sa mukha nito. Mas kinabahan ako, pakiramdam ko 'pag nalaman niya ang sikreto ko agad itong kakalat na parang apoy sa gubat.
Pinilit kong ngumiti sa kanya juat to lighten up the mood. "Over ka naman. B-bata pa ako para magka-anak." ngumiti muli ako bago tinapik siya sa braso para mawala ang pagseseryoso nito. It's better to have the playful side of him, not this.
Nakahinga ako nang maluwag ng magsimulang pumasok ang ilan sa mga kaklase namin. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at naupo sa ibang upuan. Hindi ko na siya muling tinapunan ng tingin.
Doon ako nakapag-isip-isip. Bakit nga ba laging nakabuntot sa 'kin si Thyron? We're not friends, definitely not! Tsaka tapos na ang pag-to-tour ko sa kanya pero nasama parin ito sa 'kin.
Ilang beses kong pinatama ang ballpen ko sa lamesa dahil s pag-iisip. He wants to be friends with me? No way, I don't want to be one. Friends don't keep secrets, at hindi ko kayang sabihin sa kanya ang sikreto ko. Not now, maybe after graduation, ipapaalam ko sa lahat ang tungkol sa anak ko. Kung gaano ako kasayang ibinigay siya sa 'kin.
I was distracted the whole class, nagsayang ako ng oras dahil wala akong natutunan. I was just spacing out the whole time, thinking about the things I shouldn't think about. In short, lumilipad ang isip ko sa buong oras ng klase.
I was thinking about Thyron's reaction. Why he became so serious about the thing about Meridith being my child. What's so wrong with having a child? He doesn't even know the whole story.
Nang mag-uwian na ay hindi na ako lumapit pa kay Thyron, I made my way home, the usual. Hindi na ako nagpaalam kay Penelope dahil maaga silang na-dismiss. She's probably at our house, bibisita daw siya doon para kamustahin si Papa at Meridith.
Bago ako umuwi dumaan muna ako sa kainan, bumili ako nang pagkaing minsang inuwi ko at nagustuhan ng anak ko. Balak ko siyang gawan noon 'pag nagka-oras ako.
Bitbit ko ang apat na order ng siomai habang nagbi-biyahe pauwi. Masaya akong bumaba sa tapat ng bahay namin dahil alam kong matutuwa ang anak ko. Binuksan ko ang gate, papasok na sana pero natigilan ako ng may tumawag sa 'kin.
"Nadine."
Pagharap ko ay nakita ko ang seryoso niyang mata. Malayo sa mata niya na una kong nakita noon. It's cold now, I can feel the chills, too. Parang umihip ang malakas na hangin sabay na nadala ang buhok kong nakalugay.
He was wearing a walking short, a plain shirt, and just slippers. His hair was messy but that just made him even more handsome.
"T-Thyron, a-anong ginagawa mo rito?"
Tinuro niya ang pangatlong bahay sa kanan ng tapat naming bahay. "That's my house."
Agad na nanlaki ang mata ko. Kumabog ang puso ko sa kaba. "I-is this the first time you see me here?"
Tumango siya at dahil doon nakahinga ako ng maluwag. "Alam ko kung saan ang bahay mo, pero hindi ako nagka-chance na pumunta. I just saw you earlier, and I was just at the garden."
Napalunok ako at ngumiti sa kanya. "H-hindi ko inaasahang dito ka rin nakatira."
"Yeah, me, too. We've been living here for ten years I think."
Napatingin ako sa mata niya. "Ten years? At ni isang pgkakataon 'di man lang tayo nagkita?"
"Actually I saw you before. Bumaba ka noon sa itim na sasakyan."
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...