Sorry for the errors in this chapter (kung meron man), hindi ko pa siya na-proofread. So enjoy!
CHAPTER ONE
Thyron James Manatad
Tuwing gigising ako sa umaga. Mukha agad ng limang taong gulang kong anak ang nakikita ko. Ang cute cute nito habang natutulog. Angel na angel talaga siya 'pag ganoon. Napakaamo ng mukha. Kahit puyat ako gabi-gabi kakabantay sa kanya at pag-intindi sa aking pag-aaral, nawawala ang lahat ng puyat at pagod tuwing
Mabilis kong kinuha ang telepono ko at kinuhanan ng litrato ang aking anak na natutulog. Nag-effort pa akong bumili ng memory card na may malaking memory para sa litrato niya, namin o kaya naman kaming pamilya.
Nakangiti kong hinaplos ang pisngi niyang malambot. Binigyan ko ng halik ang noo niya bago ako naligo at mabilis na nagbihis. Sinilip ko ang anak kong mahimbing parin ang tulog. Mamaya pa ito lalabas.
Sa baba ang kwarto namin ni Meridith. Ayoko sa taas dahil natatakot akong maglikot ang anak ko't mahulog sa hagdan. Kaya pinili ko ang kwarto sa baba. Hindi kasing laki ng ibang kwarto sa taas, pero kaya namin ng anak ko.
Basta para sa baby ko, lahat ng sakripisyo gagawin ko.
Nang manganak ako sa kanya, may iilang lalaking kapitbahay namin ang lumapit at nanligaw. Hindi pumayag si Papa dahil tama na ang lahat ng nangyari. Kahit ng magbalik ako sa eskwela'y gano'n parin.
Walang problema sa akin 'yon. I can't entertain men in my situation. Mas gugustuhin kong mabuhay na single basta kasama ko ang anak ko. I don't need a man to be happy. I just need my baby Meridith and I can live forever.
"Ma, si Meridith po, ha." paalala ko kay Mama. Ngumiti siya at inabot sa akin ang tinapay na may palaman.
"Mag-ingat sa daan, ha. Lagi ka nalang on-the-way kumakain. Hindi ba pwedeng dito ka naman kumain paminsan?"
"Sayang po kasi sa oras, 'di tulad pag on-the-way." nakangiti kong sabi. Humalik ako sa pisngi niya at mabilis na lumapit kay Papa para yumakap at humalik. Kumaway ako sa kanila at mabilis na umalis.
Commute lang kasi ako. Ayokong mag-kotse. Masyado nang mataas ang pollution sa Pinas, masyado na ding trapik sa daan. Ayokong dumagdag.
Makalipas ang mahigit kumulang tatlumpung minuto ay natanaw ko na ang unibersidad na pinapasukan ko. Napili ko ito dahil malapit lang naman kahit papaano.
Mabilis akong bumaba sa bus stop at naglakad papunta sa gate ng unibersidad. Halos mag-iisang buwan na rin pagkatapos ng pasukan. Wala namang bago, mga estudyante lang naman ang nagbabago rito. May dumadagdag, may nawawala.
Mabilis akong umakyat sa klase ko at laking pasalamat na may sampung minuto pa bago mag-time. Naupo ako sa upuan ko at mabilis na nag-review. Nagbasa-basa ako tungkol sa mga topics na na-lesson kahapon at noong isan linggo, maging ang maaaring italakay ngayon.
"Narinig mo ba 'yung balita? Si Thyron daw dito na mag-aaral." usal ng babaeng malapit sa 'kin.
"'Yung sikat na model? 'Yung kasalukuyang model ng Bench?" tanong isang nakiusisa.
"Oo, siya nga!" puno ng galak na sigaw nito. "At balita ko, may ilang subject siya na tatama sa schedule natin, gaya ngayon!"
Nagtilian sila at agad akong umiling. Mag-aral kayo, oy! Nag-aaral ako ang gulo-gulo n'yo.
"Basta mamaya kailangan may bakanteng upuan sa tabi ko para tabi kami."
"Echosera ka, syempre sa 'kin siya tatabi."
"Anong sa 'yo? Sa 'kin syempre, bruhang 'to!"
At 'yon, nag-away na silang nag-uusap. Umiling ulit ako at agad na nalibas ang telepono ko. Nagtipa ako ng mensahe kay Mama, tinanong ko kung anong gusto nilang pasalubong. Naisip kong dumaan ng mall mamaya, bibili ako ng gamit ni Meridith.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...