C H A P T E R E I G H T

709 33 8
                                    

Thank you so much for the growing reads! Nakakataba ng pusong makita ang ganitong feedbacks. Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa istoryang 'to. I'll do my very best and try to update everday.

Chapter Eight

Picture

"Mama."

Parang nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ng anak ko. Agad akong tumingin sa kanya at ngumiti. "Yes, baby?"

"Is Tito James, your friend?"

"Well... I don't know, maybe. Why, baby? Somethig wrong?"

Umiling ito sa 'kin. Tinuro niya ang malaking LCD na tv namin sa sala. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Thyron doon. Pinakita ang clips mula sa isang practice para sa Bench Model na catwalk. Kasama siya doon. His face was straight but that made him look more handsome.

"There's Tito James, Ma." nagtama ang tingin namin ng anak ko. "Why is he there, Ma? Gano'n po ba kabilis makapasok sa tv?"

Napangiti ako sa sinabi ng anak ko. My child has a lot more to learn. "No, baby. Our tv has magic. Kaya niyang ipakita ang tao diyan gamit ang camera. It's not live, it's recorded. Like a video." pinisil ko ng mahina ang pisngi niyang malaman. "Just like your baby videos."

"Really?" she smiled. Mabilis siyang tumayo at sumandal sa 'kin. Nakaupo kasi ako sa rug namin at nakasandal ang likod ko sa sofa. "Then can we send my baby videos, so that I'll see myself there?"

Natigilan ako at napatitig sa anak ko. Hindi pwede. Una dahil hindi naman kami artista o public figure, at pangalawa dahil makikilala siya ng ama niya, at hindi 'yon pwede! Hindi pwedeng mangyari.

"Why don't we ask, Tito James?" nakangiwi kong usal. Inabot ko ang telepono kong nasa center table. Hinanap ko ang contact ni Thyron bago ko hininaan ang volume ng tv, nilagay ko sa speaker para parehas naming marinig si Thyron.

Nag-ring ang number niya, after a few seconds, sinagot niya. Agad na nagsalita ang anak ko. "Tito James!" akala mo naman close na close sila. Anak ko ba talaga 'to? Hindi naman ako ganito. Then I remembered ganito ang ugali ni Delton, feeling close ang lalaking 'yon.

O, walang malisya ang pagkakaalala non ha. Anak ko talaga si Meridith, anak ko.

"Yes?" tila pagod na usal ni Thyron.

"Can we send my baby videos to the tv? I saw you there. Mama said tv's have magic. It's a recorded video of you walking. So? Can we send my baby videos?" masiglang tanong ni Meridith kay Thyron.

"Where's your Mama? Can I talk to her?"

"Mama, phone." Meridith said to me. Ang cute nito. Inabot ko ang phone bago tinanggal ito sa pagkaka-speaker.

"Hello?"

"What is she talking about?"

Ngumiti ako. "Hindi ba pwedeng sakyan mo nalang? Or even make an excuse?"

"Seriously? Ikaw ang may gawa niyan at ako ang gusto mong magpalusot? You solve that yourself, anak mo 'yan."

Init ng ulo. Ano ba problema nito? "Well, kasalanan ko bang nakita ka ng anak ko sa tv? Kasalanan ko bang e sa iyon ang naisip kong simplest explanation kung paanong nandoon ka samantalang kanina lang ang kasama ka namin."

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon