CHAPTER TWENTY-FOUR

525 26 6
                                    

Short. Pero sana worth it, haha. Enjoy!

Chapter Twenty-four

Mahal Kita.

"K-kay Thyron?" utal kong tanong. "B-bakit pa?"

Nagkibit balikat siya. "Thyron needs to know-"

"No!" sabat ko agad dito. "Hindi pa."

Tinitigan niya ako. "Kailan pa, Crizel? Your time is running out. Hindi mo na pwedeng patagalin pa 'to dahil mahirap na. Thyron needs to know."

Umiling ako. "Ako ang magsasabi. At alam kong kung tama na ang oras, masasabi ko agad iyon sa kanya." umayos ako ng tayo. "Hindi pa kami nag-uusap, hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kanya."

"You don't expect me to keep this, right? Pinsan ko siya, hindi ako pwedeng magsikreto."

Lumunok ako. "Please? K-kahit ito lang, Delton? Hayaan mo sanang ako ang gumawa nito."

Umiling siya sa akin. "Are you scared?"

Pilit akong ngumiti. Tumingin muna ako sa sahig bago muli sa kanya. "Too damn scared." mahina kong usal pero sapat para kanyang marinig. "Takot akong maiwan ulit, Delton. Makakayanan ko pa siguro kung ibang tao pero hindi siya.

"Thyron helped me in so many ways. Ito lang ang nakikita kong paraan para mabayaran 'yon. Unconsciously, I fell for him. Nawala nga sa isip kong hindi mahalaga ang bagay na 'yon. He immediately entered my world without me realizing it. Siya 'yung nandiyan noong oras na kailangan ko ng kasama."

"Kaya mo lang ba siya mahal dahil doon?"

Umiling ako. "Thyron is too good for me. Isa siya sa mga bagay na hindi ko hiniling. I love him because he accepted me, even our daughter. Takot akong pumasok sa relasyon dahil alam kong may anak ako. Excess baggage for what they say, but Thyron didn't felt bothered about that. Noong una niya kaming makita, una kong naisip, lalayo na siya sa 'kin, but he did the exact opposite. He still stick with me, and I thank him so much for that." naalala ko si Thyron. "Hindi ko makakayanan kung iwan niya ako basta-basta. I want to gain assurance, na kahit sabihin kong pinsan niya ang ama ng anak ko, he'll stay with us. I want to see it. At 'pag nakita ko iyon, I'll tell him immediately."

"Are you sure about him?"

Ngumiti ako ng malawak. "Maka-graduate lang ako't makahanap ng trabaho." tumango ako. "We're not getting any younger, Delton. Maybe too young for an adult but I know it. Siguradong-sigurado na ako sa kanya."

"You have no doubts?" tanong nito. Umiling ako.

"I trust him. Alam kong nasaktan ko siya dahil clueless pa rin siya sa lahat ng bagay. I know him, that he'll understand. Let's face it, hindi naman lahat ng naiisip ko'y gano'n. Maybe he doesn't understand everything now, 'yon siguro ang dahilan kaya hindi pa kami nag-uusap ngayon. Hindi ko naman masasabi. Ayokongg palawakin pa ang distansyang mayroon kami ngayon. He's the last man I want. Gusto kong siya na ang huli."

"Can you imagine your future with him?"

Future? Kasama si Thyron? Me wearing a white gown, and him waiting by the altar. "That would be a dream come true." I dreamily said.

"You really love him." usal nito bago umiwas ng tingin.

"Sobra pa siguro sa inaakala ko. Mas mahal ko pa ata siya kaysa doon sa mahal na naisip ko noon sa 'yo." huminga ako ng malalim. "Iba 'yung atin kaysa sa amin ngayon. We were together and was anle to express our feelings, pero iba sa amin. Nakakapanibago pero ang sarap sa pakiramdam."

Ngumiti siya sa 'kin. "'Wag mo na sanang patagalin. We don't want him to know that from others, right? Mas mabuting sa 'yo na manggaling kaysa sa iba. It would hurt big time for sure." tumalikod ito sa akin. "Better think fast, Crizel." with that, he left. Tinanaw ko ang kotse nito hanggang sa mawala sa aking paningin.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon