Chapter Eighteen
Drunk
"Anak, ang tagal mo ata."
Pilit akong ngumiti kay Mama bago ko inabot ang halo-halo na gusto niya. "M-may tinignan lang, Ma. M-marami palang tindahan do'n, p-puntahan natin bukas bago tayo umuwi."
"Gano'n ba? Ano'ng nabili mo?"
Umiling ako. "Naningin lang, Ma."
Tumango siya at kumain na ng halo-halo. Lumapit naman ako sa anak kong nakatigtig na ngayon sa dagat. Tumabi ako sa kanya at inabot ang binili kong mango shake. Ngumiti siya bago sumipsip ng konti mula sa straw. Inabot nito ang telepono kong nasa lamesa at kinalikot.
"What are you going to do, baby?" I asked her.
"I want to see Tito James, Mama."
Agad akong umiling at kinuha ang telepono sa kanya. "Give Tito James time to be with his cousins. 'Wag kang makulit, anak. Lagi mo namang makakasama ang Tito James mo pag-uwi, but I'm pretty sure his cousins won't. Hindi naman sila lagi-laging nagkakasama."
Ngumuso ang anak ko. "But I want to swim."
"E 'di halika, mag-swimming tayo."
"Mama, you don't know how to swim."
Tumitig ako kay Meridith. That's right, I don't know how to swim. And will never ever try to learn how to.
Hinalikan ni Meridith ang pisngi ko. "Let's just stay here. Tomorrow nalang ako mag-swim with Tito James."
Hindi ako sumagot. Puro Tito James na lang bukambibig ng anak ko. Kahit nakakapangselos, natutuwa ako. Ibig lang sabihin noon hindi lang sa amin dumidipende ang anak ko, ngayon pati kay Thyron na.
Sinilip ko ang telepono ko. Wala ka talagang balak na tumawag para mangamusta ano? Kailangan ko nang kausap ngayon, o.
Bumuntong hininga ako. Pinindot ko ang message icon. Hinanap ko ang conversation namin ni Thyron. Pinindot ko ang box na paglalagyan ng mensahe.
Ako:
Nasa'n ka?
Buburahin ko na sana pero may daliring pumindot ng Send. Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang mag-send iyon.
"No!" sigaw ko. Agad kong narinig ang halakhak ni Penelope sa likod ko. Masama ko siyang tinignan matapos tumayo. "Ang sama mo!"
"Hesitant ka pa. There's nothing wrong with that, Crizel. Worried ka lang, alam namin."
Tinitigan ko siya. Nilapag ko na lamang ang telepono ko sa lamesa pagtapos. Nakakainis. Hindi ko nga makausap 'yung tao kanina bago babanatan ko nang gano'ng tanong? Parang nanay na hinahanap ang anak niyang 'di pa nauwi sa bahay. Tsk.
"Crizel, bakit kasi pinaalis mo 'yung tao bago hinahanap mo ngayon?" namengwang si Penelope sa 'kin. "Kasi may kailangan ka sa tao, 'no?" natigilan ako at mas napatitig sa kanya. Ngumiti siya at umiling. "I know what happened, I saw you two. Bakit hindi mo na dalhin ngayon si Meridith kay Delton habang wala si Thyron? Gusto mo bang kasama pa 'yung tao? 'Yung dalawang mata niya mismo ang makakakita na nagkakabalikan kayo ni Delton-"
"Hindi 'yon 'yon, Penelope." mabilis kong sabat. "Delton doesn't need to see my daughter immediately. Kung talagang gusto niya, noon pa ginawa niya. At hindi ko inaantay si Thyron, gusto lang ng anak ko na kasama siya."
"But you could always tell a lie, Crizel. Balak mo ba talagang isama si Thyron?" tumitig ako. Yes, Penelope, I want to. "Para ano? Para ipamukha nga kay Thyron na hindi ka niya pwedeng gustohin?"
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanficCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...