Chapter Twenty-Two
Stay
I tried avoiding Thyron. Sinimulan ko iyon ng exam week, iyong gabing nag-overnight si Penelope dahil mag-aaral kami. He messaged me earlier that day, asking me how I am, pero dahil kailangan kong umiwas gaya ng sabi ni Delton, I acted as if I didn't recieve a message.
Natulog talaga ako nang maaga dahil mag-aaral nga ako ng madaling araw. Kahit si Penelope kinukwento sa 'kin ang pagdating ni Thyron noong gabing tulog ako. She said she even asked Thyron to go visit me, tumanggi lang ito at nagpaalam na rin.
Hindi ako sumagot sa kanya. Sinusubukan ko pa nga lang ngayon mahirap na e, paano pa kung kailangan ko nang mamili?
Thursday, pangalawang araw ng exams, sinundo ako ni Delton sa bahay. Kahit ayoko, sumama na ako, para lang matapos na lahat. Sinabi ko rito ang desisyon kong magkita sila ni Meridith. Siya ang nagsabi ng lugar na pupuntahan namin, doon niya na lamang kami aantayin.
He was so happy after hearing that from me. Pero ako, ewan. Hindi ko magawang maging masaya. Some part of me was telling me to go ask Thyron to come with us, pero hindi pwede! Hindi ko nga magawang sabihin kay Thyron ang nakaraan ko na si Delton pagkikitain ko pa 'yung mag-pinsan? At hindi rin magandang oras 'to para malaman niya.
I called Thyron that night. Miss ko na siya, aaminin ko na. Habang tumatagal na hindi mo nakikita 'yung isang tao, doon mo napagtatanto ang maraming bagay. Mga bagay na magpapamulat sa 'yo sa lahat.
At marami akong nalaman.
I want to make sure. Dahil sa puntong 'to, hindi pwede ang pagkakamali. Isang mali ay makakasakit ng isa, isang desisyon ang magpapabago ng lahat.
Nilalaban ko ang kagustuhan umiyak habang pinapakinggan ang boses nito. He's tired. Iba ang boses nito pero hindi ko nalang pinahalatang iba iyon sa aking pandinig, I acted as if it was nothing. May mga sandaling napapatigil ako dahil gusto ko ng maiyak.
Alam ko maiintindihan ni Thyron ang hindi ko pagsama sa kanya. Na maiintindihan niyang para kay Meridith ang bagay na 'to at para sa 'kin na rin.
Totoong hindi ko mapuputol ang koneksyon na mayroon kami ni Delton dahil sa anak namin, gusto ko lang na maging maliwanag iyon kay Delton para maayos ko naman ang kay Thyron.
Si Thyron ang lalaking tumanggap sa anak ko na parang kanya. I saw it in him. Sa lahat ng lalaking, siya lang ang hinayaan kong makapasok sa buhay ko, ulit. Hindi naman sa nagkamali ako kay Delton pero isa siyang aral na mananatili sa utak ko.
Alam kong maiintindihan ni Thyron ang desisyon ko. At sana hindi ako nagkamali sa isiping iyon.
*-*
Biyernes ng umaga, ang huling araw ng pagsusulit, maaga akong umalis ng bahay. Ibinilin ko si Meridith kina Mama. Mamaya ko na sasabihin sa mga ito ang plano ko. Ang pag-alis namin mamaya ni Meridith para puntahan si Delton, para makilala na ng anak ko ang tatay niya.
Isa iyon sa mahirap na desisyong pinag-isipan ko ng ilang araw at gabi. My daughter has every right to know about him. Natatakot akong baka 'pag sobra ng malapit ang dalawa, iwan na ako ng anak ko. Hindi ko makakaya iyon.
I was with her for years, hindi ko kakayaning hindi siya makasama sa pagtulog kahit isang gabi lang. Hindi ko kakayaning hindi siya makita pagbukas ng aking mata sa umaga. Hindi ko kakayaning hindi marinig ang boses niya habang tinatawag ako ng Mama, ang mga I love you nito. Hindi ko kakayaning 'di makita ang kanyang natutulog na mukha bago ako umalis ng bahay.
Hindi ko kaya.
Tinapos ko ang pagsusulit ng buong umaga. Pinag-half day na kami dahil tapos na rin naman ang lahat ng subject. Umuwi ako sa bahay noon na iniisip kung paano ko sasabihin kina Mama ang mangyayari mamaya.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...