Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumusubaybay sa kwentong 'to. Enjoy! And sorry for the late update.
Chapter Seven
Secret
"Anong sinabi mo?"
"Na 'wag niya na ulit gawin 'yon." sagot ko kay Penelope.
"Bakit?"
"E, sa ayoko e."
"Napaka-arte mo talaga." inis na usal nito. "Buti ka nga ikaw na nilalapitan, ikaw pa tumatangi."
"E, sa ayoko nga e."
"Ano dahil nanaman kay Delton?"
Tumingin ako kay Penelope. "Never bring him up again." banta ko. "Wala siyang kinalaman dito. Never bring him up dahil wala na siya, burado siya sa buhay namin ni Meridith, mas lalo sa buhay ko."
"Why do I feel like you still like him?"
Umiling ako. "Then there's something wrong with your feeling. Ako nakakaramdaman nito paanong nararamdaman mo rin? Parehas ba tayo ng nararamdaman?"
Matagal kaming nagtitigan ni Penelope bago niya pinagdesisyunang i-drop ang topic na 'to.
Buong araw akong hindi kinausap ni Thyron. Inisip kong baka dahil 'yon sa kanina. I just don't want him to fetch me and bring me home, ayoko. Ayoko talaga. Kahit ano pang kayamanan ang ibigay sa 'kin, kahit anong pribilehiyo iyon, o kahit anong pang bagay 'yan, ayoko.
Kung hahayaan ko siyang gawin ang bagay na 'yon paano ako? Paano ang buhay ko? Paano si Meridith? Paano ang magiging takbo nito?
Sapat na sa 'king si Penelope lang ang nakakaalam ng sa anak ko, ayoko nang dagdagan ng taong magbibigay ng komplikasyon sa buhay ko. Maayos na ako e, hindi ko kailangan ng lalaking magbibigay ng pag-asa sa 'kin pero bibitawan rin ako.
Hindi ako komportable buong biyahe namin dahil naalala ko si Delton. He used to fetch me and bring me home. Doon kami nagsimula, sa hatid-hatid na 'yan, pero tignan mo kami ngayon?
Hindi ko na sinubukang kausapin si Thyron, wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Mas iniisip ko ang pag-labas namin bukas ng anak ko papunta sa mall. Meridith wants a new doll, we'll buy tomorrow. Hinanda ko na nga ang perang pang-mall namin para mag-enjoy ang anak ko. It's Mama and Meridith's day, bonding day namin bukas.
Umuwi ako just like any normal day, commute. Noong nasa loob na ako ng subdivision, 'di ko alam pero napatigil ako sa tapat ng bahay ni Thyron. Tinitigan ko lang ang bahay habang mahigpit ang kapit ko sa shoulder bag ko. I stood there for a minute then turned to leave.
Hindi pa ganoon kataas ang tiwala ko sa 'yo para ipaalam ang tungkol sa anak ko. Hindi pa ganoon kataas ang tiwala kong itatago mo ang sikreto ko. At hindi pa ganoon kataas ang tiwala kong walang mangyayari kung malalaman mo, Thyron.
*-*
Naalipungatan ako sa naramdaman kong malambot na lumapat sa aking pisngi. Ngumiti ako ng una kong makita ang mukha ng aking anak sa pagmulat ng aking mata. She's smiling so wide, nahahawa ako sa ngiting binibigay niya.
"Morning, baby." malambing kong usal bago siya niyakap.
"Morning, Mama." sagot niya bago matunog na hinalikan ang pisngi ko. Parang natunaw ang puso ko doon. Pumikit muli ako, konting panahon nalang, Meridith. Konti nalang, magiging maayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...