Chapter Twenty-three
Thank you
Unti-unting lumawag ang yakap ko kay Thyron matapos marinig iyon. Biglang pumasok sa utak ko ang mga sinabi ni Delton.
"Magpinsan kami ni Thyron."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad akong kumawala sa yakap ni Thyron at tumitig sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa mata nito ng dahil sa ginawa ko.
"I can't let you stay with me... not until you know everything." lumunok ako. "Marami ka pang malalaman sa 'kin, Thyron, hindi ka pwedeng basta na lang magbitaw ng salita. You can't let me hope with your words and leave me after knowing me. Hanggang hindi mo pa nalalaman ang lahat ng sa 'kin, sa amin ni Meridith, hindi ka pa pwedeng basta magdesisyon."
Dahil pakiramdam ko, 'pag nalaman mong pinsan mo ang ex ko, hindi mo na ako lalapitan pang muli.
"How can you be so sure that I'll leave you? Hindi mababaw ang nararamdaman ko gaya ng iniisip mo."
Umiling ako. "A-alam ko." huminga ako ng malalim. "Kailangan mo muna malaman lahat bago ka magdesisyon, okay?"
"Then tell me."
Agad akong napatitig dito. S-sabihin? N-ngayon? Hindi ko kaya. Natatakot akong dito mismo, sa oras na 'to, bitawan niya ako. Iluwa niya akong parang kaning mainit.
Umiwas ako ng tingin at tumitig sa paa namin.
"You can't say it..." usal nito. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. "Mauna na ako."
Pag-angat ko ng tingin ay wala na ito sa harap ko. Likod niya na lamang ang nakita ko. Gusto ko man siyang habulin at pigilan, pinigilan ko na ang sarili. You just have to trust me, Thyron. Kailangan ko lang ihanda ang sarili ko.
Kung malaman ngang pinsan mo si Delton, hindi ko kinaya e. Ikaw pa na pinsan niya? Ano nalang ang gagawin ko kung talagang iwan mo ako?
Hindi ako pwedeng basta-basta magdesisyon ngayon. Not just because you're acting like this, I need to make you feel happy. Paano kung sabihin ko ngang gusto kita ngayon at gusto mo rin ako, we'll be happy for the time together, pero paano kung malaman mo na ang kay Delton?
I've seen couple break ups, I've witnessed one right before my eyes. Hindi dahil sa hindi ako nagtitiwala sa nararamdaman mo. Siguro dala iyon ng takot.
Takot na maiwan muli ng lalaking sobra kong mahal. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw, iwan ako. Tama na 'yung isa.
*-*
Pumasok ako ng bahay ng masiguro kong nakapasok na si Thyron sa bahay nila. Kinibit balikat ko na lamang ang lahat. Maiintindihan ni Thyron, maiintindihan niya 'to, naniniwala ako don.
Nakita ko ang anak kong lumapit sa 'kin. "Where have you been, Mama?"
"Outside, why? You want to sleep na?"
Umiling ito. "Can we call Tito James now?"
Natigilan ako. Lumuhod ako sa harap nito. "Tito James is tired, hindi natin siya pwedeng abalahin dahil busy siya. Next time, baby, okay?"
Ngumuso ito. "But you promised, Mama."
Hinaplos ko ang pisngi nito bago ang buhok. "Please understand, baby. Napapagod din si Tito James." pilit akong ngumiti rito.
Nakanguso pa rin ito sa akin. Ilang sandaling nagkibit-balikat ito bago ako niyakap. "Mama, you're not getting younger, Lola told me that. Please don't hold yourself back just because of me. I love Tito James, approve po siya sa 'kin." ngumiti ito pagtapos humiwalay ng konti.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...