C H A P T E R F O U R

723 30 2
                                    

Thank you po sa patuloy na pagsuporta sa YMMC. Salamat sa mga votes, comments, at reads n'yo. Have a good night, everyone!

Chapter Four

Impossible

Pumasok ang prof naman sa unang klase, ito 'yung adviser namin. It was so obvious that she was giving special treatment to Thyron. Maingay ang pagtuktok ng ballpen ni Thyron sa lamesa niya pero wala lang iyon sa kanya. I wanted to glare at him, hindi ko lang magawa dahil nasa likod ko siya.

The moment the bell rang I mouthed a yes. Sa wakas! Malalayo narin ako kay Thyron! Thank you Lord!

Or so I thought...

"Miss Del Castillo, can I have a minute with you?"

Kumunot ang noo. Sinukbit ko muna ang bag ko sa aking balikat bago ako lumapit sa lamesa niya. She smiled at me pero tumagod ang tingin niya sa akin. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Thyron na nakangiti rin bago tumingin sa akin.

"We both know Thyron's a new student here."

'Yung katagang 'yon palang kinutuban na ako. At hindi maganda iyon.

Humakaw ako sa sling ng bag ko. "Ano pong gagawin ko?" kunwari'y walang alam na tanong ko. Naramdaman ko agad ang presensya ni Thyron sa tabi ko. Hindi ako lumingon pero ramdam ko ang titig niya.

"Just tour him. Kailangan niya kasing malaman ang facilities rito at ang mga lugar sa university."

But he's old enough to do that by himself! College na siya for pete's sake! Pwede siyang magtanong.

"Why me?" mahina kong tanong.

"'Cause you're not my fan. And you're the best fit for this."

Agad akong lumingon kay James. Ang tingin ko sa kanya'y parang inaapuyan siya. I was killing him with my look. Marami akong aasikasuhin tapos ngayon iintindihin ko pa siya? Ano siya sinuswerte?

"Pa'no? Ikaw na ang bahala sa kanya, okay?" mabilis na tinapik ng prof ang balikat ko. Tumalikod siya at lumabas ng classroom, naiwan kaming dalawa ni Thyron rito.

Mariin akong pumikit bago sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. I glared at him again. Nakakainis. Maswerte ka nga, tss.

Abala ako sa pagturo kay Thyron ng mga bagay na dapat niyang malaman pero ang isang 'to hindi nakikinig!

"Ito, ang daan papunta sa English Class- Ano ba?!"

Tumingin siya sa 'kin. Parehas kaming tumigil, nawala ang ngiti niya sa labi. Dahan-dahan niyang binaba ang kamay na nakataas kanina- kumakaway sa mga wild niyang fans. He suddenly turned into an innocent puppy.

Tinaas ko ang kamay ko sapat para makita niya iyon. Dahan-dahan kong kinuyom ang kamao ko. Pinakita ko iyon sa kanya bago ako ngumiwi. "Pinaiinit mo ulo ko e, no?"

"Am I?"

"Mukha namang alam mo na ang pasikot-sikot sa university." lumakad ako palapit sa kanya, iyong tamang distansya para marinig niya ang mahina kong boses. "Panigurado naman na-orient ka nila sa lugar, 'di ba? Pinagtataka ko lang bakit kailangan ulitin pa natin 'to?"

Lumayo siya nang kaonti. Ngumiti siya sa 'kin ng kita ang ngipin. "You are indeed intelligent, Nadine."

Natigilan ako. Agad na nangunot ang noo ko sa kanya. "Excuse me? My name is Crizel."

"Crizel Nadine Del Castillo, 23 years old, born on October 31, you live in a subdivision, and you're single."

Nanlaki ang mata ko. "How did you know?"

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon