Enjoy! Hehe. And thank you so much for reaching this far...
Chapter Twelve
Beating
Sumunod na araw, wala si Thyron. Hindi na ako nagtaka, si Penelope nanaman kasi ang nagsabi sa 'kin na on-shooting nanaman ang lalaking 'yon. Not that I want to see him or what, hindi pa lang talaga ako sanay na laging wala si Thyron. He bugged me for months bago bigla ay may mga araw siya na wala rito.
I told Mama about my birthday plans, well, not really my birthday plan but Penelope's birthday plan for me. Pumayag naman si Mama pero gusto niyang makilala kung sino ang may-ari ng resthouse na tutuluyan namin. I can't tell her about Thyron, ginamit ko tuloy ang second name nito para hindi halata. I don't want my mother to freak out, makikituloy lang naman kami sa resthouse ng isang public figure.
Saturday, as usual, Mama and Baby time namin ni Meridith. Lalabas sana kami para mag-mall pero agad naman nag-yakag si Mama na pumunta sa birthday ng kumare niya. Hindi naman kami makakatangi, pupunta nalang kami siguro ng mall ni Meridith after ng party.
Gaganapin siya sa isang mamahaling hotel, tanghali nga lang ang oras dahil mostly daw mga ka-age ni Mama ang invited. We wore a simple dress, parehas kami ng kulay ng bistida ni Meridith.
Si Papa ang nag-drive ng kotse, hindi naman pwede ako dahil hindi ako marunong. At hindi ako kailanman mag-aaral. Nasa backseat kami ni Meridith, nagkukulitan. Ganitong mga araw at oras ko lang talaga siya nakakasama ng sobrang tagal. Mahirap talaga 'pag nagkaanak ka habang nag-aaral.
"Mama, where's Tito James?"
Kumunot ang noo ko dahil pa bigla-bigla nalang kung tanungin ng anak ko si Thyron. "He's busy, baby, why?"
"Can't we see him?"
"Ahm... no I guess? You know Tito Thy- Tito James works infront of the camera right? Sinabi ni Tita Pen na busy siya."
"Tita Pen? Are they together?"
Ngumiti ako at umiling. "Tita Pen is sometimes ambisyosa, she likes Tito James."
Ngumiti si Meridith bago inabot ang unan sa kotse. Nilagay niya iyon sa may tyan ko bago siya nahiga sa aking tabi. Inayos ko ang unan at pinatong iyon sa aking hita, nahiga siyang muli at sinuklay-suklay ko ang kanyang buhok.
"Mama."
"Yes, baby?"
"I love you so much." usal niya ng nakangiti. "Sorry for asking this but I just want to know, where's Papa, Ma?"
Natigilan ako at napatitig sa kanya. "P-papa?" utal kong tanong.
Tumango siya. "Mama, I'm growing. I just wanna know where is he, just wanna know how he looks like, just wanna know if he knows about me, just wanna know if he's fine. I just wanna know, Ma, please don't get hurt."
Tinitigan ko si Meridith. Parang biglang nanghina ang braso ko at kusa iyong bumagsak sa tabi ko. Nanghihina rin akong napasandal at napatitig na lang sa harap, I know my parents can here this. Sinalubong ako ng nag-aalalang titig ni Papa. Sumilip si Mama at binigyan niya lang ako ng pilit na ngiti.
Hindi ko siya nagawang sagutin no'n. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita para masagot ang simpleng tanong niya. She just wants to know about his father. Gusto niya lang namang malaman ang nangyayari sa ama niyang hindi na nagparamdam sa amin. Ang lalaking nandiyan noong oras ng ginhawa pero naglaho noong oras ng hirap.
Hindi ko namalayang tulala nalang ako sa tabi ng bintana, wala na si Meridith sa hita ko, nakaupo na ito sa kabing bahagi ng sasakyan. Malayo ang tingin ko buong biyahe papunta sa hotel na kailangan namin puntahan.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...