Chapter Twenty-Eight
Akin
Tuluyang nawala si Thyron sa aking paningin. Nanghihinang napaluhod ako sa tabi ng aking anak. Ramdam ko ang bawat kirot na dala niya sa puso ko. Ang bawat sakit na nanunuot sa buto ko.
Ramdam ko ang maliliit na kamay ng anak ko pero hindi ko magawang ngumiti sa kanya ngayon. How can I? Ramdam ko ang pagkasira ng lahat, at sa harap ko pa talaga. Ano'ng aasahan n'yo sa 'kin?
Mas napaiyak pa ako nang tumingin ako sa mata ng anak ko. Hurt was visible in her eyes. Tumingkayad ito at hinalikan ang aking mga mata. Hindi ko man mapigilan, tumulo pa rin sila sa pasasalamat na nandito siya sa tabi ko.
"I love you, baby..." bulong ko rito. Tumango ito na tila matanda na mag-isip. It's like she understands everything and she's telling me that everything's going to be fine.
"Mahal ko rin ang Tito James mo."
"I love him, too, Mama." ngumuso ito sa 'kin. "So please stop crying na."
Yumakap ito sa leeg ko, pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya bago ko hinalikan ang gilid ng mukha nito. Ang anak kong nandito ngayon, I'm so sorry you had to witness this. Hindi mo na 'to dapat nasaksihan.
I'm so sorry, Thyron. Sorry dahil natakot ako sa mga pwedeng mangyari. Sorry dahil pinanunganahan kita sa maaari mong reaksyon. Sorry dahil nakatakot akong mawala ka sa 'kin ng dahil doon.
At eto nga, wala ka sa 'kin.
*-*
"I insist, Crizel."
"Hindi na nga kailangan, Delton." bumuntong hininga ako at umiling. "Mas mabuting ayusin mo muna ang lahat. Kausapin mo ang pamilya mo tungkol kay Meridith. Alam kong magugulat sila kaya ipaliwanag mong mabuti." tumingin ako rito. "Papayag akong dalin mo si Meridith sa inyo, basta ihahatid mo rin siya pauwi pagdating ng gabi. Sa 'kin matutulog ang anak ko."
Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako.
"Ano'ng gagawin mo kay Thyron?" tanong nito. Tumigil ako para mag-isip. Ano nga ba?
"Let him be for now? Alam kong hindi magandang oras 'to para kausapin siya. I don't personally know Thyron or how he acts when he's mad. Ang akin lang, mas magkakaintindihan kami kung pareho kaming kalmado. And I don't think this is the right time for that."
Pilit akong ngumiti bago naglahad ng kamay sa aking anak. "Aalis na kami ni Meridith, bahala ka na sa pamilya mo." tumingin ako sa anak ko na ngumiti sa 'kin. "Sabihin mo na lang sa Mama ni Thyron, sorry dahil nasira ko ang maayos na dinner sana. Sorry talaga."
Hindi ito sumagot kaya niyakag ko na si Meridith na umalis. We'll leave. Nakakahiya, hindi ko alam kung ano'ng mukha ang ihaharap ko ngayon sa pamilya nila. Pakiramdam ko ang sama ko dahil sarili kong boyfriend walang alam sa tunay na ama ng anak ko.
Marami talagang nadudulot ang takot sa isang tao. And look at me, sa sobrang takot ko na mawala ulit ang lalaking mahal ko, nawala nga siya sa 'kin.
*-*
Sa labas ng restaurant, nag-antay kami ni Meridith ng taxi. Pinipiga ang puso ko habang naiisip kong naroroon pa rin ang kotse ni Thyron. Hindi bukas ang makina noon, noong sumilip ako'y nakatungo siya sa manibela.
Wala akong ibang maisip o masabi. Sorry lang talaga. Hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag na takot lang ang pinagmulan nito. Na sa sobrang pag-iisip ko na baka maulit ang nangyari sa amin ni Delton, naglihim na ako sa kanya. Ngayong nalaman niya na, hindi ko alam kung matatanggap niya pa rin ba ako. Anak ng pinsan niya ang anak ko. Related si Meridith at Thyron kahit saan ko tignan.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...