Literal na Oh My Gosh! Haha! 2K+ reads na ang YMMC! Thank you so much! Chapter Ten palang tayo pero 2K na? Nakaka-overwhelm! Sobra-sobrang pasasalamat ang gusto kong sabihin sa lahat, kung hindi dahil sa inyo hindi magiging ganito ang feedback!
I want to know how you guys discovered this story, comment down below!
Chapter Ten
Pamilya
"Mama?"
Kumurap ako at tumingin kay Meridith na puro ketchup ang gilid ng labi. Her lips were pouting at me. Her innocent eyes glistened. "Yes, baby?"
"Why are you staring at Tito Denver's graduation picture? Something wrong, Mama? You don't like the food?"
Ngumiti ako. Hinaplos ko ang buhok niya bago ang kanyang pisngi. "No, baby. The food is great. Mama's just tired."
Nagulat ako ng mabilis na tumayo ang anak ko sa upuan. Napatingala ako sa kanya dahil doon. She reached for my head. Hinila niya iyon palapit sa kanya, napapikit at napangiti ako ng maramdaman ko ang labi nito sa noo ko. Matunog ang halik na binigay niya bago siya umayos ng upo.
"Do you still feel tired, Mama? Meridith's kisses has power, it can heal any sickness." usal nito bago nakangiting nag-aabang sa aking isasagot.
"No, baby. Mama feels all healed. Your kisses are trully powerful." I lightly pinched her chubby cheeks. "I love you, always remember that."
"I love you, too, Mama. Remember that too."
*-*
Kinabukasan ay hindi ko nakita si Thyron sa unibersidad, sinabi sa 'kin ni Penelope na balita daw sa group nila ng mga fangirls na nasa shooting si Thyron, e-ekstra daw ito sa isang upcoming movie ng isang sikat na loveteam.
And that's the time I was free from all the chatting and stares. Pakiramdam ko bumalik muli ako sa dating buhay ko, 'yung malayo sa mata ng lahat. 'Di tulad 'pag nandito si Thyron, puro chismis at irap ang nakukuha ko. Kulang nalang kuyugin ako ng tao at mamatay sa paraan ng pagtitig nila.
"Oy, Crizel." tawag pansin sa 'kin ni Penelope. Inangat ko lang ang tingin ko sa kanya. "Napanood mo 'yung interview kahapon?" tumango ako. "Ikaw naman ang i-interview-hin ko." ngumiti siya. Kinuha ang ballpen at ginawang microphone.
"Naku, Penelope, mga kalokohan mo talaga." umiling ako.
"Ms. Del Castillo, what can you say about the answers of Thyron Manatad last night? Is it alright with you or you feel like it's still lacking."
Natawa ako sa tanong ni Penelope, pwede naman kasing tagalugin, kun ano-ano pa sinasabi. "You know what, Penelope. Thyron did great last night. I can't say anything bacause I have nothing to say."
Ngumisi siya sa 'kin. "Gusto ka raw maging kaibigan ni Thyron, anong isasagot mo do'n?"
"Aren't we friends now? The moment he told me my secret is safe with him, tinalaga ko na siyang isa sa mga kaibigan ko."
"Talaga! Yieee! 'Di ba doon naman nagsisimula ang pag-ibig? Sa pagkakaibigan!" tinapik-tapik niya ang lamesa. "Ship ko kayong dalawa! Hashtag Team RoZel!"
Umiling ako. "Baliw!"
"Pero nasaktan ka ba? Wala raw meaning ang litrato 'yon?"
Umiling ako. "Nasaktan? Ano namang kasakit-sakit do'n? The photo is indeed meaningless, nag-aaway kami noon."
Dahan-dahang tumango si Penelope. "Still I ship the both of you! Gagawa ako nang paraan para mag-sail ang ship ko!"
Hindi ko na siya pinansin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng notes kong ginawa kanina. Pag-aaralan ko pa ito mamaya at mag-re-review rin ako sa iba pang lessons. Paniguradong may quiz nanaman kami bukas.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
Hayran KurguCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...