CHAPTER SEVENTEEN

636 30 6
                                    

I know you all want to know Crizel's thoughts! So it's her POV for this chapter. Try natin kung pwede si Delton sa next (as I said sa unang POV niya, ayoko siyang bigyan ng isang buong chapter na POV niya. Gano'n ako kasama sa kanya, haha.) Enjoy everyone!

Chapter Seventeen

Meet

"Umamin ka nga, Crizel. Gusto mo si Thyron, 'no?"

Tumitig ako kay Penelope. "Si Thyron gusto ko? Of course, I like him as a friend."

"Hindi gusto na gano'n, Crizel. Iyong gusto na naramdaman mo noon kay Delton."

Napatitig ako sa kawalan. G-gusto as in parang katulad ng kay Delton noon? W-wala sa isip ko 'yan.

"Kasing kung hindi mo gusto 'yung tao o kaya wala kang plano na magkagusto do'n sa tao, you could've just said all things about Delton. Hindi naman ako tanga, I'm a hundred percent sure he asked about Meridith's father. And you being you, ayaw mo namang pag-usapan ang bagay na 'yan."

Tumitig ako kay Penelope. "I don't know. Wala naman sa isip ko ang gusto-gusto na 'yan. Ilang beses na rin akong sinabihan nila Mama niyan pero wala nga talaga sa isip ko 'yan."

"Playing safe?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. "A-ano bang sinasabi mo?"

"Ayaw mo ng masaktan, ayaw mo ng maiwanan ulit, ayaw mo ng maranasan 'yung dati, gano'n ba ang naisip mo kaya ayaw mo nang sumubok?"

"Hindi 'yon-"

"Eh, ano? Hindi ko alam kung ano'ng mali sa puso mo at hindi mo maramdaman 'yon."

Hindi na nawala ang kunot sa noo ko dahil kay Penelope. "Ang ano ba? Naguguluhan na ako."

"Gusto ka ni Thyron, Crizel. That guy, for sure, is adjusting for you. Alam niyang nahihirapan kang tumanggap ng lalaki sa buhay mo kaya hinahayaan niya ang sariling ganito lang. The guy has hopes, too, Crizel. Kaya kung 'di mo gusto 'yung tao, tapatin mo. Kung gusto mo parin si Delton, aminin mo. Alam kong ayaw mong makasakit ng damdamin ng tao, kaya sabihin mo na 'yung totoo."

Napatanga ako sa kanya. Hindi kaya ito ang may gusto kay Thyron kaya ayaw niyang masaktan 'yung tao?

Umiwas ako ng tingin at nag-isip-isip. G-gusto ako ni Thyron? P-pwede ba 'yon? Mali lang ata ng pansin si Penelope.

"Mama." I felt my daughter tapped my shoulders. Hindi ko pinahalata sa kanilang nagulat ako. Nandito rin si Thyron, ano. "Okay ka lang?"

"Yes, baby. M-Mama is just t-thinking about something." medyo utal kong usal.

"Someone kamo." natigilan ako sa sinabi mi Penelope. Gosh, nakakahiya! 'Wag mo naman ako ibuking sa harap niya! Ikaw ang may kasalanan nito kaya iniisip ko siya.

"Who?" Thyron asked. Mas kinabahan ako. Oh, sheez. Patay, lamunin na sana ako ng lupa.

"Si ano-"

"Shut up, Penelope!" sa sobrang panic ko, napasigaw na ako. Too late! All of them are now shocked. Kasalanan talaga ito ni Penelope. Aish! Nakakahiya. I felt my cheeks burned.

"S-sorry." paghingi ko ng paumanhin bago ako umalis. Sinapo ko ang pisngi ko nang makarating sa kusina. Pinaypayan ko rin ang sarili ko dahil pakiramdam kong pagpapawisan ako sa sobrang init na nadarama.

Paano ako haharap kay Thyron ngayon? Aish!

*-*

No'ng pinapasok na sa van ang gamit, nakamatyag lang ako. Tinitignan ko kung nasa'n si Thyron. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko 'pag nagkaharap kami. Nakakakaba, iniisip ko palang o.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon