CHAPTER FOURTEEN

710 41 9
                                    

Enjoy po! Lablab.

Chapter Fourteen

Dumbfounded

"H-halika upo ka rito, Thyron. Nakakahiya hindi pa naman ako nagluto ng hapunan." usal ni Mama habang nilalahad kay Thyron ang sofa sa sala namin. Aligagang-aligaga sila, parang sobrang espesyal na nandito si Thyron. Nakakahiya, hindi naman ako ganyan kay Thyron.

"No need po. Nadine, Meridith and I ate already. Okay na po ako sa tubig."

"Pa, ikuha mo muna ng tubig dali." utos ni Mama kay Papa. Agad na napatitig si Papa kay Mama dahil don. Nagtaka si Mama dahil hindi ito gumalaw. "Ano? Kumuha ka na don." usal ni Mama.

Umiling ako. "Ako na, Pa." tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng tatlong baso, isang pitsel mula sa fridge, at nilagay iyon sa tray. Maingat kong binuhat iyon papunta sa sala.

"Paano kayo nagkakilala ni Crizel?"

"Diyan lang po ako nakatira. I think three blocks from here, sa kabilang side nga lang po." usal ni Thyron bago ko inabot ang basong may tubig. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Thank you."

"D-dito lang?"

"Opo. My mom wanted to live in a subdivision so dad got one here. Lumipat po ako sa pinapasukan ngayon ni Nadine. I need to study to, I'll graduate this year. Noon po kasi doon ako sa Lola ko nakatira, malapit lang po sa university ko 'yung bahay niya. When she died, my mom asked me to live here kaya nag-transfer narin po ako."

Tinitigan ko si Thyron na nagkwento pa sa magulang ko. Not that I expect him to tell it, na-shock lang siguro ako. Namatay pala ang Lola niya.

"That's sad. But we're glad you're here. Buti naman at hindi mo pinababayaan ang pag-aaral mo kahit na may career ka sa showbiz." usal ni Mama.

"It's fine po. I need to graduate, kailangan ko pong magtapos para I can do everything I want after. Kahit po ngayon ay may mga singit sa schedule kong related sa showbiz, I actually don't want it for now. Tanggap lang po kasi ng tanggap minsan ang manager ko kaya nahihirapan din ako." ngumiti si Thyron sa amin. "But I'm glad Nadine is helping me. She tells me about the lessons and also the activities taken home, that's a big help for me, too."

Agad na tumingin si Mama at Papa sa 'kin. Kumunot ang noo ko. "B-bakit po?" utal kong tanong dahil pakiramdam ko may iba silang naiisip sa ginawa ko. What? I just helped him. Anong masama doon?

"G-ginawa ni Crizel 'yon?" usal ni Papa. Tumango sa kanya si Thyron.

"Yes po, dumadaan po siya sa bahay bago siya umuwi. She usually just pass a piece of paper, written there are the take home activities and lessons tackled the whole day."

Ngumiti si Mama bago pinatong ang kanyang kamay sa hita ni Papa, agad na lumingon si Papa sa kanya at nag-usap sila sa tingin na sila lamang ang nakakaintindi. That's what I admire with the both of them, kaya nilang mag-usap sa tingin. Well, asa namang kaya ko 'yon. I just hope I find someone and we'll do just like that. And cute kaya. Nakangiti lang si Mama pero si Papa napapabuntong-hininga na at nalapailing.

Luminong ako kay Thyron ng maramdaman kong may tumapik sa akin. "Where's Meridith?"

Parang natauhan ako at doon ko lang naalala ang anak ko. Oh sheez! Nasa'n ang anak ko?

Nilinga-linga koang tingin ko, nakahinga ako ng maluwag nang makita siya sa kusina, nandoon sa may cake, dinutdut ang daliri niya sa icing.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya, tinignan ko ang nakakaawang cake na hindi na ganoon kadami ang icing tulad kanina. Hindi naman ganoon katamis ang icing nito dahil narin sa puti lang ang kulay, may chocolate bits lang na kasama kaya gustong-gusto namin ni Meridith ang flavor na 'to.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon