E P I L O G U E

897 41 22
                                    

Epilogue

"Ma, ilayo n'yo 'yan! Ang baho!" agad kong pinindot ang aking ilong para hindi maamoy ang nakakasukang amoy ng niluluto ni Mama. Kadiri, parang bulok na ewan.

Sinamaan ako ng tingin ni Mama. "Ano'ng mabaho? Ang bango-bango nga o." inamoy iyong ni Mama at gumawa pa ng ingay. "Ang sarap talaga ng amoy ng sinigang."

Umiling ako at agad na lumakad palabas ng kusina ng bahay namin. Dumalaw lang si Mama at Papa dito sa bahay namin nina Thyron. It's been two months since the day of our wedding, hindi pa sanay si Mama na wala kami ni Meridith sa bahay.

"Papa, samahan mo muna si Mama. Ang baho nung niluluto niya." lumikha pa ako ng reaksyong nadidiri. "Akyat muna po ako sa kwarto, inaantok po ako."

"Masama ba pakiramdam mo? Buti na lang tumawag si Thyron sa amin? Inaway mo nanaman daw kagabi at sa tabi ka pa ni Meridith natulog."

Ngumuso ako at pinagkrus ang aking braso. "Ang kulit kasi, sinabing ayoko ang pinipilit pa rin." umiling ako. "Sabi nang 'wag ilipat 'yung channel nilipat pa rin."

Umiling si Papa sa 'kin at lumapit ito para tapikin ang aking balikat. "Hindi sa lahat ng oras gano'n ang solusyon sa maliliit na away ha? Intindihin mo na lang ang asawa mo isa pa, pagod din iyon sa trabaho, baka gusto lang makapag-relax sa panonood ng TV. Maghapon ka naman dito kahapon, at pati ngayong araw. You have all the day to watch and enjoy, gabi na nga lang ang oras ng asawa mo."

Ngumuso ako at tumango. "Bati na naman po kami. Kaninang umaga lang."

Tumango ito at ngumiti. "Papasok ka na ba bukas?"

Tumango ako kay Papa. "Sa inyo po muna ihahatid si Meridith, susunduin na lang po namin pag-uwi."

Tumango ito at nagpaalam na pupuntahan muna si Mama. Umakyat naman ako sa kwarto namin ni Thyron at nahiga. Kinuha ko ang telepono ko at agad na tinawagan ang numero nito, miss ko na siya.

Hindi nagtagal iyon at sinagot rin niya. "Hello?"

"Honey." tawag ko rito.

"Yes, honey?" malambing nitong usal kahit na pakiramdam ko pagod na 'to.

"Can you please come home now?" pakiusap ko.

"Why? Something happened? Nandiyan sina Mama, 'di ba?"

"Yes, but I want you here. I miss you." lambing ko bago yumapos sa unan ni Thyron. It smells like him, mas na-miss ko tuloy siya.

"I'll just finish this one and I'll come home right away. Susunduin ko rin si Meridith." narinig ko ang mahinang kaluskos sa kabilang linya. "Want me to buy you something?"

Agad akong napaisip. "Mangoes please? 'Yung green na mangga ha? Bili ka na rin ng bagoong kung mayro'n." napangiti ako. "Lechon manok rin!" pahabol kong bilin.

"Mama will cook sinigang, you sure you still want chicken?" tanong nito.

"Ayoko ng sinigang! Ang baho nung sinigang ni Mama." nag-make face ulit ako na nadidiri kahit na hindi naman niya nakikita. "I want chicken, roasted chicken then I'll dip it in Mayo."

Hindi sumagot si Thyron ng ilang sandali. "O... Okay, I need to go. Uuwi na rin ako."

Napangiti ako. "Okay, ingat, honey! I love you."

Humalakhak ito. "Yes, honey. I love you, too."

Matapos ang tawag, nagbukas ako ng telebisyon at hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa kakalipat ng channel. Nagising ako sa pakiramdam na malambot na lumapat sa aking noo. Pagdilat ko'y si Thyron ang bumuluga sa 'kin.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon