Short.
Chapter Twenty
Father
Maaga kaming umalis gaya ng plano. Hindi na namin inabala si Thyron dahil mukhang mahimbing pa ang tulog nito. Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya nang makaalis kami ng Batangas. Tulog din noon sa biyahe ang mga kasama namin, maging ang anak ko. Alas-singko ng madali araw kami umalis at hinatid muli kami ng driver nina Thyron.
Buong biyahe, hindi ako nakatulog. Paulit-ulit lang sa utak ko ang nangyari. Mula sa oras na tumungtong kami ng Batangas hanggang sa kami'y umalis. Ilang beses ko ring hinahawakan ang pendant ng kwintas na bigay ni Thyron. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit sunglasses ang pendant ng kwintas na bigay niya. I do believe there's meaning behind it, hindi ko lang talaga maisip kung ano.
Alas-otso nang makauwi kami ng bahay. Nagpahinga pa rin kami lahat. Pagod talaga sila lahat sa biyahe. Kahit ako pagod, hindi ko lang talaga maramdaman noon sa van kasi sobrang pag-iisip.
*-*
Naalipungatan ako sa maingay na tunog ng telepono ko. Hindi ko nakita ang caller id, basta sinagot ko na lamang iyon para matapos na ang ingay na gumambala sa mahimbing kong tulog.
"Hello?"
"Nadine."
Agad akong napamulat. Napalingon ako sa paligid at napahinga ng maluwag nang makitang wala si Meridith sa kwarto. Buti naman.
"What do you need, Delton?"
"Pedophile ka na pa la ngayon? Really, Nadine. You now like guys who's younger than you?"
Natigilan ako. He knows about Thyron... No, hindi pwede!
"At sa lahat pa ng gugustuhin mo, 'yung malapit pa sa 'kin. 'Yung kilala ko pa."
"D-delton, ano bang problema mo? Hindi naman ako nakikialam sa buhay mo kaya bakit pinapakialaman mo ang buhay ko?"
"Bakit si Thyron, Nadine? Kasi sikat siya kaysa sa 'kin? Kasi mas mayaman?"
"Shut up, Delton! Kahit kailan hindi ko inisip ang pera! Kung totoo ang sinasabi mo, I could've asked so much money from you! E 'di sana ginamit ko 'yung anak natin para makakuha ng pera. Ginawa ko ba? May narinig ka ba? May nilabas ka bang pera? Wala, Delton, so just shut your mouth and stop butting your nose into someone's business. Hindi mo dapat pakialaman ang buhay namin dahil wala na kaming pakialam sa 'yo."
"Hah! I can't believe Thyron's willing to love you. Considering you have our child, hindi ba't mahirap 'yon? Hindi ka matatanggap ng magulang niya. So stop this bullsh'it, Nadine. 'Wag mo ng subukang gustuhin pa si Thyron. May anak tayo kaya tayo rin ang sa huli, our daugther need us. At ngayong maayos na ang lahat, let's just start over again. Buoin na natin ang pamilya natin, para kay Meridith, para satin."
"I can't believe you could easily say that after everything. Hindi ako makapaniwalang parang pagkain lang ng kendi ang lahat. Ilang beses ko bang sasabihing hindi na pwede! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na mabubuo ang pamilyang iniisip mo? Ilang beses ko bang ipaiintindi na wala na 'to, wala na akong gusto sa 'yo. Kaya malabong mabalik natin ang lahat dahil galit lang ang nararamdaman ko para sa 'yo." madamdamin kong usal bago ko binaba ang telepono.
Habol ko ang hininga ng muli akong humiga sa kama. Mariin kong pinikit ang mata, inaalala ang mga sinabi ni Delton. Magkaibigan ba sila?
Now come to think of it, b-bakit siya nandoon sa Batangas? Pati ba mga kaibigan ni Thyron ay nandoon? Akala ko ba pinsan lang?
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...