Chapter Nineteen
Touched
"Happy Birthday."
Agad akong natigilan ng bigla niyang sabihin 'yon. Ngumiti siya bago humiwalay sa 'kin at pinilit imulat ang mata. "Happy Birthday, Crizel Nadine."
Napatitig lang ako sa kanya. Sinilip ko ang telepono ko na kinuha ko mula sa bulsa ng itaas ng aking pantulog. Ala-una na.
"Yeah, happy birthday to me."
Nakangiti pa rin siya. Nandito na kami sa tapat ng main door ng rest house nila. The light was still on, buti naman at walang nagpatay. Ibig sabihin, wala pang nagigising ni isa sa loob.
Inabot ko ang kamay niya at hinila siya papasok. Nagpatianod lang ito, not really minding where I'll bring him. Inalalayan ko siya sa hagdan, mamaya mamali ng hakbang magpagulong-gulong 'to rito.
Pumasok kami sa kwarto. Nakita ko agad ang mahimbing na tulog ng anak ko. Inalalayan ko si Thyron sa isang kamang nakahiwalay. Doon ko siya pinaupo muna. Lumapit ako kay Meridith at hinalikan ang noo nito.
Bumalik akong muli kay Thyron at pinitik ang noo nito. Agad nitong sinapo ang noo at parang nagising ng kaonti. "May gana kang mag-lasing ni hindi mo nga alam kung nasaan ka. Paano kung hindi ka na talaga binalikan ng pinsan mo at pinabayaan ka doon? Paano kung hindi pa ako gising? You'll probably end up with someone you don't know. 'Di ka nag-iingat, nakakainis-"
He hugged me. Nasa tyan ko nanaman ang ulo niya, ang braso niya nakapulupot sa bewang ko. Nakatayo kasi ako sa tapat niya.
"I'll come back." mahinang sabi niya. "George was there."
Umiling ako. "He's probably drunk, too. Paano ka niya aalalayan pabalik."
"Hmm." usal nito. Inabot ko ang braso niya at tinanggal iyon sa pagkakapulupot sa bewang ko. Pinahiga ko siya sa kama at tinabunan ng kumot hanggang sa dibdib.
Bahala ka diyan, naiinis ako sa kanina doon sa bar kaya bahala ka pag-gising mo.
Napangiti ako bago binigyan ng halik ang noo ni Thyron nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog nito. "Sleep tight, Thyron."
Mabilis akong tumabi sa anak ko at iniyakap ang braso ko sa bewang nito. Gumalaw ang anak ko at niyakap ako pabalik. Nakatulog akong nakangiti. Patay ka bukas sa 'kin, Manatad.
*-*
"Mama, wake up na."
Naalipungatan ako sa boses ni Meridith na tumawag sa 'kin. Unti-unting nawala ang antok ko nang bigyan ako nito ng matutunog na halik sa pisngi. Napangiti ako bago mabilis na yumakap dito.
"Good morning, baby." mahina kong bulong bago hinalikan ang kanyang noo.
"Mama, happy birthday!"
Gusto kong maiyak. Ganito lagi tuwing birthday ko. Isang araw na pagpapasalamat dahil hinayaan ako ng Panginoong makasama ang anak ko. More birthdays to come for me.
"Thank you, baby."
Ngumiti siya sa 'kin at agad kong nakita ang ngipin niya. Ang cute!
"Mama, why is Tito James sleeping there?" tanong ni Meridith habang nakaturo kay Thyron na natutulog sa kabilang kama. Napatitig ako kay Thyron dahil hubad na ang t-shirt nito at tanging board shorts na lang ang suot. Tignan mo nga naman ang lalaking 'to, oo!
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...