Happy 10K reads! Haha.
Malapit na po itong matapos.Chapter Twenty-nine
Secret
Umuwi ako noon na wala sa sarili. Parang hindi pa rin makapaniwala na gano'n ang nangyari. Epekto ba 'yon ng alak kay Thyron?
"You better sleep, it's already one." usal nito habang nakatingin sa main door ng bahay namin.
Tinitigan ko ang mukha nito. "Ayos ka lang ba talaga?"
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Yeah, why?"
"Lasing ka pa ata, e." tinagilid ko ang ulo ko. "Ayos na talaga tayo."
Naningkit ang mata niya. "Walang kaso sa 'kin kung si Kuya Delton ang tatay ni Meridith. I'm just frustrated, na sarili ko pang pinsan ang nang-gago sa 'yo. But still, I'm thankful he let you go. That he didn't man up, dahil kung ginawa niya 'yon, you're not here now, with me."
Hindi ko alam ang sasabihin. Napatitig lang ang sa mukha nito.
"Maybe that's why I felt something special the moment I saw Meridith. 'Di naman talaga kami magkadugo, I just felt the need to act like a father to her. Lumaki siyang walang ama. I felt happy she got comfortable with me." ngumiti ito pagtapos bago inabot ang aking kamay at pinisil iyon ng marahan.
"You better sleep. Pupunta ako rito mamaya. Let's meet my family first thing in the morning, saka tayo lumabas nina Meridith."
Hindi ko alam kung ngingiti ako. "Paano ang sasabihin ng pamilya mo? Si Delton ang ama ni Meridith at ngayon ikaw ang boyfriend ko? Hindi ba't parang ano 'yon?"
Kumunot ang noo niya. "Ano'ng ano?"
"Basta parang hindi maganda gano'n."
Umiling siya sa akin. "You worry too much. Ilang ulit ko bang sasabihin na basta manatili siyang ama lang ni Meridith, we're good. The moment he let you go, he lost the chance to have you. Ang now that I got you, hindi kita ibibigay sa iba, 'no." ngumisi ito bago hinaplos ng hinlalaki niya ang aking pisngi. "You'll be Mrs. Manatad. 'Yun ang magiging apelyido mo at wala ng iba."
Ngumuso ako at agad pinamulahan. Kainis, madaling araw na nagpapakilig pa.
"Sige, good night. Ayoko namang humarap sa pamilya mo na laki-laki ng eyebags."
"Tsk, I don't care. You'll still look beautiful to me." bumaba ang tingin nito sa ayos ko. "I got a glimpse of you like this," lumawak ang ngiti nito. "But I prefer lingerie by the way." kumindat ito pagtapos.
"Sira!" agad kong hinampas ang braso nito. "Matulog ka na nga, kung ano-ano sinasabi mo." sinamaan ko siya ng tingin.
"Magsusuot ka rin ng gano'n, I tell you. Pag-kinasal na tayo, gano'n ang susuotin mo-"
"Oh, shut up!" tinakpan ko ang bibig nito. "Makapagsabi ka ng kasal kala mo naman ilang buwan na lang."
Tinanggal nito kamay ko sa pagkakatakip sa kanyang bibig. "It's months away, babe. Nakaplano na sa utak ko."
Umiling na lamang ako rito. "Matagal pa 'yan. Gusto ko pang namnamin ang mga oras na boyfriend kita, 'wag mo naman agad gawin na asawa. Hindi biro magkaroon ng boyfriend na modelo, 'no."
Tinapik ko ang tyan nito. "Maraming babae ang tumitili rito." ngumisi ako. "Pwera na lang sa 'kin." tumawa ako roon. "Made-develop pa 'yan, bata ka pa naman." asar ko rito.
Pinaningkitan ako nito ng mata bago umiling. Nanlaki na lang ang mata ko nang hilahin nito ang aking batok. Sunod na lumapat ang labi niya sa labi para sa isang mabagal at mababaw na halik. Ito 'yung klase ng halik na nakakapuno ng puso, 'yung halik na nagpapangiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...