Chapter Thirty
Crizel Nadine del Castillo
Ilang buwan ang lumipas at naging maganda ang takbo ng relasyon namin ni Thyron. Madalas na ito sa klase namin at bihira na rin ang kayang modelling shots. Unti-unti ring natanggap ng masa na in-a-relationship na ang status ng kanilang idolo.
Madalas na ring mag-overnight si Meridith sa unit ni Delton, balita ko'y may girlfriend na din ito at kailan lang naging sila. Masaya ako para rito dahil kahit papaano, tanggap rin ng babae ang anak ko.
It's been months since that day, nakilala ko na ang buong angkan ng Manatad. Nakasama na ako sa kanilang reunion bago mag-Pasko. Munting salu-salo ng kanilang pamilya noong Bagong Taon na kasama rin ang pamilya ko.
Nakilala ni Thyron ang Kuya ko. Sinama ko rin ito noong nag-birthday ang Tita Mona ko na dinaluhan ng ilang kamag-anak.
Sabay rin kaming nag-OJT ni Thyron. Hatid-sundo niya pa ako kahit na nasa magkabilang dulo ang kompanyang napunta sa amin.
Ilang buwan na rin ang lumipas at hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa aking kinauupuan. Sa hilera ng mga taong ga-graduate ngayong taon. Hindi rin ako makapaniwala na magiging Cum Laude pa ako.
Suot ang napakagandang bestidang regalo ni Mama't Papa sa 'kin, nakatago iyon sa likod ng togang pinarentahan ng unibersidad. Ang kulay ng toga'y makikita mo rin sa paligid.
Kita sa mukha at ayos ng aking kasabayan na talaga pinaghandaan nila ang bagay na 'to.
Agad kong nilibot ang aking paningin. Hindi ko pa nakikita si Thyron sa araw na 'to. Nag-usap lang kami sa telepono at nagxtext noong inaayusan kaming pareho.
"Crizel, 'wag kang magulo masyado. Mamaya niyan masira ang ayos at make-up mo."
Ngumiti ako kay Mama. "Hinahanap ko lang po si Thyron."
"Naku, nandoon kausap ng Papa mo sa labas. Nandoon din sina Jane at Lawrence, hindi na ako sumama dahil itong anak mo, gusto ng maupo."
Agad akong lumebel sa anak ko. "Hi, baby. How are you? Did you see Tito James?"
Ngumuso ito at hinalikan ako sa pisngi. "I'm okay. Tito James is handsome, Mama. He's looking for you."
Ngumiti ako at matunog na hinalikan ang pisngi nito. "Stay here with Lola, okay?"
Tumango ito at ngumiti. Agad na lumapit sa Lola niya ang yumakap sa binti.
"Ma, punta lang po ako kay Thyron. Doon na po kayo maupo sa upuan n'yo. Pupunta na lang po ako doon." ngumiti ako bago lumakad papalayo nang tumango-tango lang si Mama at pinagtutulukan pa akong umalis.
Lumabas ako ng hall at agad kong napansin sina Papa sa isang sulok. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi ko alam kung paano sila lalapitan. Pansin ko ring wala roon sina Tita Jane at Tito Lawrence.
"Pa." tawag pansin ko sa kanila. Agad naman silang bumaling sa 'kin at malawak ang ngiting ibinigay. "Nakaupo na po sina Mama, ayaw n'yo pang pumasok?"
Ngumiti si Papa sa 'kin bago bumaling kay Thyron. "O, pa'no ba 'yan. Papasok na ako. Ikaw na ang bahala kay Crizel."
Tumango si Thyron sa kanya at ngumiti rin. "Opo, Pa, salamat."
Sabay naming sinundan ng tingin si Papa na lumakad papasok ng hall. Pinaningkitan ko ng mata si Thyron. "Pa? Hindi ko alam na kapatid na pala kita ngayon."
Lumapit siya at agad na humalik sa aking sentido. "You really know how to kill a mood."
Niyakap ko ito sa bewang at umiling. "Ano'ng pinag-usapan n'yo?"
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...