C H A P T E R T H R E E

713 29 6
                                    

Chapter Three

Name

Nanlaki ang mata ko dahil papalapit na sila nang papalapit. I hel Meridith's hands tightly. "Baby, do you want to take the stairs? Gusto ni Mama don e."

Ngumiti lang si Meridith bago tumango. Agad kaming naglakad paalis doon, I made sure we weren't seen. Hindi pwede. Hindi pwede, not now. K-kailangan ko munang matapos 'tong school year na 'to para tapos na. I just need to finish this and graduate, a need a stable job for both Meridith and I.

"Mommy."

Agad akong napatigil ng marinig ang munting boses ng aking anak. "Yes, baby?"

"Where's Lola and Lolo?"

Ngumiti ako at yumuko sa kanya. "Malapit na tayo, just wait, baby. Okay?" Tumango siya at mabilis na kaming umakyat sa floor ng kwarto ni Papa. Puno parin ng kaba ang dibdib ko nang dahil sa Thyron na 'yon. If I wasn't aware of my surroundings, he might have seen my child.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Papa bago kami pumasok ni Meridith. Mama immediately hugged Meridith, lumapit ako kay Papa upang tanungin ang kalagayan niya. He just smiled and my mother as well.

"O-okay lang siya, anak. Nag-alala lang ako masyado k-kaya dinala ang Papa mo rito." usal ni Mama habang buhat si Meridith. I eyed them both. Hindi ko kasi maiwasang hindi paniwalaan ang sinasabi nilang dahilan. They might be hiding it from us.

Tinignan ko si Papa at ngumiti lang ito. "Wala 'to, anak. 'Wag kayo masyadong mag-alala."

Umiwas ako ng tingin bago bumuntong hininga. Tumango ako at naupo na lamang sa upuang nasa tabi ng kamang hinihigaan ni Papa. I held his hand enough to make him feel my warmth. Ngumiti ako kay Papa bago kami sabay na tumingin kay Mama at Meridith na masayang nagkwe-kwentuhan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Papa.

"Ako dapat ang magtanong niyan, Pa. Ano ka ba? Ikaw ang dapat tanungin kung maayos ka ba?"

"Okay nga lang ako, nagiging makulit ka nanaman ha. Hindi magugustuhan ng kuya mo 'yan."

"Pa." mahina kong tawag sa kanyang pangalan.

Napatingin kaming lahat ng may kumatok sa pinto at pumasok ang nurse. She was holdingg a piece of paper. Tumayo ako at agad na lumapit sa kanya. "Yes, Miss?"

"Pinapasabi po ng doktor na bilihin ang mga gamot na 'yan. Oral meds lang po, mabibili sa pharmacy."

Tinignan ko iyon at tumango sa kanya. "Thank you."

Ngumiti siya at tumalikod na para umalis. Tumingin ako kay Mama bago kay Papa para magpaalam na bibili lamang ako ng gamot. Iniwan ko na sa kanila si Meridith dahil alam kong ilang oras rin nilang hindi nakita ang anak ko. They miss her for sure.

"Mag-ingat ka." usal ni Papa. Ngumiti ako at tumango bago humalik sa noo ni Meridith.

"Be good, baby." paalala ko. Ngumiti lang ang anak ko sa 'kin.

Umalis ako para makabili na agad. Kailangan ni Papa ang gamot na ito kaya kailangan kong magmadali. Hinanap ko ang pharmacy para makabili ng gamot. Inabot ko ang piraso nang papel at agad namang binalik ng pharmacist sa 'kin.

"Sorry, miss, pero out of stock ang mga gamot na 'yan. Try mo nalang sa malapit na drugstore." pagtapos noon ay sinara niya na ang maliit na bintana.

Bumuntong hininga ako. Pumunta ako palabas para makahanap ng masasakyan papunta sa drugstore. Abala ako sa pag-iisip ng drugstore na malapit ng may humintong kotse sa tapat ko. Dahan-dahang bumaba ang bintana noon at nakita ko si Thyron Manatad sa driver's seat.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon