CHAPTER TWENTY-FIVE

600 33 4
                                    

Late night update, so far ito ata pinakamahaba ko, haha. I'm just gonna remind you all that this story will just consists of 30 chapters plus the prologue and epilogue, 32 parts? Minus na natin yung "not an update" part na na-post ko. 6 chapter to go, everyone. (Five chaps plus epilogue)

Enjoy!


Chapter Twenty-five

Flowers


"Ang kulit mo." bulong ko kay Thyron bago siya mahinang tinulak. "Makakahalata na sina Mama sa ginagawa mo."

Kumunot ang noo niya. "Hindi pa nila alam?"

Umiling ako. "Hindi pa kami nagkakabati ni Mama. Ayun, wala pa kaming usap."

Ngumuso siya sa 'kin. Napailing ako bago tumingin sa notebook ko.

Wala pang dalawang araw magmula noong nangyari ang "confession" kuno ko kay Thyron. Dalawang araw na din na kami. Hindi ko pa sinasabi sa lahat dahil alam kong mabibigla ang lahat. 'Yon ata ang inaantay ng lahat ng nakakakilala sa amin. It's their most awaited moment. Gusto kong maging espesyal man lang ang pagsasabi ko na kami na. Big time yata ang boyfriend ko, 'di basta basta 'to, ano.

Napatingin ako sa kanya nang pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Kumunot ang noo ko nang pinatong nito ang ulo sa aking balikat. "Problema mo?"

Hindi ito sumagot sa 'kin. Napatitig lang ako sa kanya. "Ang drama mo." biro lang naman 'yon pero totoo ng kaonti. Madrama ang lalaking 'to, siguro ganyan lang talaga siya. Sa dalawang araw na kasama ko siya, masasabi kong malambing ang lalaking ito. Sobra pa ang lambing kaysa sa asong naiwan mo ng ilang buwan.

"Nakakatampo ka." umiwas ito ng tingin pagtapos. "My family knows about us. Buong pagmamalaki ko pa namang sinabing may girlfriend na ako."

Natigilan ako. Sa tagal ng titig ko'y napatingin siya sa 'kin. He was pouting, the eck. He should look cute but he doesn't, hindi bagay sa kanya iyon kaya napahalakhak ako. Sorry to break it to him but I just can't help it but laugh.

"You know what, babe, you don't look cute." pinaliit ko pa ang boses sa huling mga salita. "My daughter's pout looks 100 times cuter than yours." nilapit ko ang mukha ko sa kanya para bigyan siya ng halik sa pisngi ngunit bumaling ito't sa labi niya tumama.

He was smiling wide after that, 'yong ngiting nagsasabing naisahan niya ako. Umiling na lamang ako.

"I do agree with you. Meridith's pout is a whole lot cuter than mine." he chuckled before letting go. Natira ang isang braso nito sa likod ko, sa may bewang. Bumalik ito sa ginagawa na pagbabasa ng notes, gumaya na lang din ako at nagbasa.

Nasa kwarto kami ni Thyron. Hindi naman nakasara ang pinto, may maliit lang na awang para marinig namin ang nasa labas. Nasa sala sina Mama, nanunuod ng TV. Dito na kami nag-aral dahil maingay doon, walang kaso 'yon kay Mama, parang tuwang-tuwa pa nga siya na nandito kami ni Thyron sa iisang kwarto.

If I didn't think of Penelope, maiisip kong si Mama talaga ang nangungunang sumusubaybay ng nangyayari sa buhay namin. She's different from Penelope. Isa pa ang babaeng 'yon, wala rin siyang alam dito. I think she has a clue, ayaw niya lang magmukhang naghihinala kaya nanatili siyang tahimik.

Alam ko namang masyado kaming halata. Ito kasing si Thyron, masyadong touchy. He likes holding hands so much. Tuwing kakain kami ng tanghalian ng sabay ay hahawakan ng kanan niya ang kaliwa ko sa ilalim ng lamesa. Kahit ayaw ko, hindi ako makatanggi. I, too, like the feeling of holding his hand. Nakakaano lang dahil mukha itong tangang kumakain gamit ang kaliwang kamay. It's not his dominant hand but for the sake of just holding my hand, he's willing to have a hard time.

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon