Chapter Two
Hospital
Natigilan ako. Hindi kaagad ako naka-react sa sobrang daming taong humila sa kanya palayo. Para siyang si Nazareno ngayon. I bet his shirt is now ripped, his cap missing, his shades cracked. Hindi ko na siya matanaw at ako natulak na palikod. I can't even see Penelope, nawawala na sila.
Dahil ngayong nasa likod na 'ko, sa dulo ng dagsa-dagsang tao, wala na akong choice kundi ang tumakas. Ramdam ko ang ilang mapanuring tingin ng ilang babae. Maybe because I was the first one to talk with their idol. But who cares? As if talking to him would give me something good.
Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis nang umalis. Hayaan ko na si Penelope diya mag-isa, tutal na suportahan ko na siya sa kinahuhumalingan niyang lalaki, sapat na siguro ang pagbibigay ng oras ko para 'di ako masabihang KJ. She just doesn't value the time wasted on that guy. Sayang ang oras na wala akong natutunan, sayang ang oras na sana'y maibibigay ko kay Meridith.
Tumuloy na ako sa kantina para mag-breaktime. Mauuna na ako dahil tiyak dadagsa ang tao dito pagtapos ng programa. I ordered the usual, sandwich and juice, snacks lang naman. Lunch pa ako nag-ra-rice. I ate alone dahil wala nga si Penelope.
Nagbasa nalang ako ng ibang notes habang kumakain, nakaka-boring 'yung katahimikan sa paligid, hindi naman kasi nag-iingay 'yung mga taong naririto.
I texted my mother to ask about Meridith, dinadala kasi ni Mama sa daycare si Meridith tuwing alas diez ng umaga. Nauwi sila ng alas-dose. Wala kasi ako para ihatid siya araw-araw kaya si Mama at Papa ang nag-aalaga sa kanya.
"Nadine!"
Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ko iyon. "O, tapos na?" tanong ko pagka-upong pagka-upo niya.
"Naku, nagkagulo na doon. Hindi na mapigilan ng mga guards 'yung mga babaeng nagtakbuhan kay Thyron. Hindi nga naman alam kung nasaan na siya ngayon."
"Sa clinic siguro." mahina kong usal bago ko binalik ang tingin sa aking notes. "Buti nakaalis ka pa."
"Dahil nawala nga si Thyron." tila inis niyang usal. "Nakakainis ka kamo."
Nangunot ang noo ko kaya agad akong tumingin sa kanya. "Bakit, ano nanaman ginawa ko sa 'yo?"
"Ano bang mayroon sa 'yo at lahat nalang sa 'yo napupunta? Una ang ganda-ganda ng anak mong si Meridith, ngayon si Thyron naman. Just what is in you?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "You told me to stop mentioning or even saying the word anak ko, pero ikaw 'tong nagsasalita. Ang gulo mo rin, ano?"
"Nakakainis kasi." pinagkrus niya ang braso niya. "Biruin mo 'yon ang tagal mong nakausap ang tao, ni hindi mo nga kilala. He even told you directly who he was,-"
"So anong pinaparating mo?"
Bumuga siya ng hangin at huminga ng malalim. "I'm just saying na napakaswerte mong babaita ka! Kami dapat ang may ganoong tyansa pero bakit sa 'yo? Bakit sa lahat ng pwede ikaw pa? Bakit hindi ako?"
"Bakit hindi ikaw?" nangalumbaba ako sa kanya. "All you girls wanted to see him. I don't even know him. Not a single bit. Kaya lang naman siguro ako kinausap noon dahil narinig niya ang pagrereklamo ko. I was so irritated by the girls around me, napaka-ingay nila. At parang nanunukso naman ang Thyron na 'yon. He was undercover prentending to be a commoner. Ang tanga niya lang kasi sinabi niya kung sino siya."
Tinitigan lang ako ni Penelope. "Wait. A-anong sabi mo? N-nagreklamo ka dahil ang tagal niya?"
Tumango ako. "I'm pissed. Sinasayang niya ang oras ko." Umayos ako ng upo. "Habang naguunahan kayong magpamalat, sumigaw ako ng 'what's so good about him', tapos ayon ang lalaking iyon, sumabat. He was smiling after I told him that I don't even know who Thyron Matanad is."
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
FanfictionCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...