Chapter Twenty-seven
Why
"Nasabi mo na ba?"
Agad akong umiling kay Penelope. "Humahanap pa ako ng timing para sabihin, hindi naman gano'n kadali 'yon, 'no. Pamilya niya at relasyon namin ang pinag-uusapan dito."
Sumubo ng ice cream sa Penelope bago umiling. "Sinorpresa mo ako ng sobra noong sinabi mo kayo na ni Thyron bago mag-aalinlangan ka pa ngayon? Dapat noong nag-aminan kayo sinabi mo na."
"It's not easy!" inis kong usal. "Akala mo ba madali?" umiling ako. "Wala akong maisip noong mga oras na 'yon! Siya lang. Alam kong dapat ko nang sabihin. Sasabihin ko na nga, kailangan ko lang ng lakas ng loob. Natatakot akong sa huli umalis din siya."
"Si Thyron? Patay 'yon sa 'yo, sa tingin mo iiwanan ka no'n dahil lang ex mo ang pinsan niya?" umiling siya.
"Ikaw ba si Thyron?" kumunot noo ko sa kanya. "Hindi tayo pare-pareho ng opinyon kaya 'wag mo akong paasahin." sumubo ako ng ice cream na inorder ko. Sumilip pa ako sa labas. "Pakiramdam ko dapat noon ko pa pinaalam 'yung pangalan ni Delton, para kung ayaw niya, noon palang napigilan niya na ang sarili niya."
Hindi sumagot si Penelope pero ramdam ko ang titig nito.
"Hindi naman kasi madali 'yon. Ako nga, hindi ko agad natanggap. Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Thyron. Oo nga't ayos na kami ni Delton pero 'yung marinig 'yon mula sa kanya, parang bomba. Hindi ako agad naka-react." bumaling ako sa kaibigan ko. "Oo nga't iba ang magiging reaksyon namin ni Thyron, pero Penelope naman. Hindi mo maaalis sa 'kin na matakot. Paano kung ayaw na ni Thyron pagtapos? Paano kung dahil doon ayaw na sa 'kin ng pamilya niya?"
"Paano kung naiintindihan pala ni Thyron? Paano kung wala namang kaso sa pamilya nila? It's Delton's fault, wala na silang magagawa kung ayaw mo ng tanggapin ang lalaki sa buhay mo. Sapat na nga 'yong nakilala niya ang anak niya, ano."
Sumandal ako sa upuan ko bago pumikit. Ang gulo! Ang sakit sa ulo!
Mahina akong bumuntong hininga bago inubos ang ice cream ko. Bukas, sasabihin ko na. Gagawin ko ang lahat masabi lang sa kanya.
"Bukas, sasabihin ko." mahina akong bumuntong hininga. "'Wag naman sanang mauwi ang lahat sa bagay na kinakatakot ko."
"Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. He should be happy you chose him. Kung bibitawan ka ni Thyron ngayon, that just means he's not worth the risk after all." bumuntong hininga rin ito. "Hindi naman siguro siya gano'n."
*-*
Maaga pa lang ng Sabado ay gising na ako. Usapan namin ni Thyron ay alas-nuebe. Balak kasi niya na dumaan rin kami ng simbahan mamayang hapon bago kami tumulak sa dinner na pina-reserve niya sa isang restaurant.
Buo ang desisyon kong sabihin sa kanya ang lahat mamaya sa dinner namin. I'll just say it slowly, hindi ko aga ididirekta dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Tama rin naman na malaman niya 'yon ngayon dahil unang-una sa lahat, boyfriend ko siya at pinsan niya ang ama ng anak ko.
Penelope was still asleep at that time. Niyakap ko ito ng mahigpit bago binigyan ng matunog na halik sa noo. Naligo muna ako bago bumaba at naghanda ng agahan.
Gising na si Papa noong mga oras na 'yon. Nasa sala ito't nagbabasa ng dyaryo. It was seven in the morning, tulog pa ata si Mama dahil wala akong pasok, kahit si Papa wala rin.
"Morning, Pa." bati ko bago humalik sa pisngi nito. Ngumiti ako sa kanya matapos. "Si Mama?"
"Nag-aayos sa kwarto." tinignan niya ang nakabalot sa tuwalya kong buhok. "May lakad ka?"
BINABASA MO ANG
You Make Me Crazy. [JaDine]
Hayran KurguCrizel Del Castillo is a single mother to her five-year old daughter, Meridith. Iniwan siya ng ama ng anak noong malamang nagbuntis siya matapos ang nangyari sa kanila noong second anniversary nila. After giving birth, she then continued her studies...