C H A P T E R N I N E

694 32 9
                                    

Thank you sa sumusubaybay sa istoryang 'to. Salamat sa maganda feedbacks! Hindi ko kayong nagawang replayan sa last chapter, sorry! Enjoy this update.

Chapter Nine

Call

"So? Anong balak n'yo ngayon? Alanganamang wala kayong gawin? Dawit ka rito, Crizel, pasalamat ka't hindi nakuhanan maging ang bata." nakakrus ang brasong usal ni Penelope.

Nakatingin lamang si Thyron sa lamesa at gano'n rin ako.

"Maswerte pa kayong naka-blur ang mukha mo. Paano kung hinayaang hindi? Paano ka? Hindi mo ba naisip 'yon?"

"Penelope, all I'm thinking about was my child, paano ko pa maiisip na oo nga pala sikat ang lalaking kasaman namin." tumingin ako kay Thyron pagtapos. "Partly, it's his fault. Sino ba namang ewan ang mag-tatanggal ng disguise gayong alam mong sikat ka. You did that mistake before dito sa university, pasalamat ka't 'di ka dinagsa sa publis place."

Tumingin lang sa 'kin si Thyron bago kay Penelope. "I'll contact my manager, ask her what she can do about that."

Napatingin kaming dalawa sa kanya. "Babae manager mo?" tanong ni Penelope. "Hindi ba dumadating sa point na mali-link kayong dalawa?"

Umiling si Thyron. "May asawa siya, she's a friend of my Mom, mas bata nga lang kaysa sa kanya."

"Saan mo nakita ang picture?" tanong ko kay Penelope, lumilihis ito sa pinag-uusapan e.

"Sa group naming Thyronatics, sa facebook. Wanna check?"

Tumango ako at agad na kinuha ni Penelope ang telepono. Tila hinanap nito ang litrato sa gallery niya dahil nagkalikot pa siya. Inabot niya sa akin pagkaraan ng ilang sandali.

Tinitigan ko ang litrato. Oo nga, nakablur ang mukha. It's definitely me.Thank God my child wasn't in this. Mas magiging komplikado ang lahat kung nadawit siya rito. Si Thyron nga iyon dahil iyon ang suot niya ng araw na iyon.

Tumingin ako kay Thyron. "Your fault." nanliliit ang matang usal ko. "Patanggal mo 'yan sa manager mo. Ayokong madawit ang ako." mahinang usal ko para hindi marinig ng iba.

"Yes, yes, I know." usal niya bago sinuklay ang buhok. "Just let me call my manager first." tumayo ito at sinundan lang namin siya ng tingin.

"Ha!"

Lumingon ako kay Penelope dahil sa malakas nitong paghinga. OA ha. "Ano?" tanong ko.

"So dalawa na kami ngayon? How can you be so sure he'll keep it?"

Kumurap ako kay Penelope ng ilang beses bago ako umayos ng upo. Inabot ko sa kanya ang telepono niya. "He bought Meridith a toy, I think that's an assurance that he'll keep it. Sinabi niya naman safe ang sikreto ko sa kanya, I just have to trust that right? Trust him."

"Really? Akala ko ba hindi? Mahirap? That's Thyron. A person you totally don't know well. Dapat pa nga akong magpasalamat na best friend mo ako e, dahil kung hindi, you won't even try to tell it to me."

Bumuntong hininga ako. Nilapit ko ang ulo ko sa kanya para kami lang ang magkarinigan. "No choice ako, okay? Wala akong balak sabihin ang sikretong 'to kahit kanino. It's just that, that happened. Anong gagawin ko? Tumakas? I won't, hindi nga kami nag-usap ng maayos. And just after that he said my secret is safe with him. Kailangan ko nalang magtiwala, wala rin akong alam kung anong mangyayari rito. I have no idea what's under his sleeves."

"The guys is good, Crizel. He's not bad, he doesn't have anything under his sleeves."

"Pero hindi ko siya lubusang kilala."

You Make Me Crazy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon