Chapter 3❤

5.3K 158 3
                                    

SOPHIE'S POV

"Seeing her while hugging the enemy of our school was so breathtaking!"

Automatiko akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Harell nang marinig ko ang boses na 'yon..

Yeah. Im right. Siya yung SSG Vice President. Siya si Drake Lee, nagtataka kayo kung paano ko siya nakilala? Syempre natandaan ko pa ang pangalan 'nilang lahat simula 'nung inannounce yung mga current SSG Officers sa gymnasium kanina. Sa totoo lang , halos lahat nga ng current elected SSG ng school namin ay nasa harapan namin ni Harell ngayon, plus idagdag mo pa ang mga tingin nila kay Harell na sobrang nakakamatay talaga!

Lahat sila mga nakauniform na pang SSG pa, kulay black kasi ang color ng uniform nila....sign na sila ay nasa elite rank. Hays, nakakatakot talaga ang presensya nila. Mukhang anytime, mangangain nalang bigla 'e.

Dyusko! wag naman sana magka warlalu dito.

Inirapan ko yung Vice at nagawa pa ngang ngumisi. Buset siya! Ano namang masama kung may kasama akong taga Campus High, diba?

"You violate the rule again, SOPHIE ALBERT MARTIN! And for now, I think you must face your punishment!"

This time si Supremo na ang nagsalita pero nakakapagtaka dahil hindi naman siya deretsong nakatingin saakin habang sinasabi 'yon, kasalukuyan kasi siyang nagsasalita habang nakatingin ng seryoso kay Harell!

Halos lahat tuloy ng estudyante 'eh nakatingin na sa gawi namin.

Jusko! Nakakaloka na talaga. Nakakakaba na kasi 'tong dalawa na 'to, mukhang ang lalim ng tingin sa isat isa at para 'bang nagpapatayan na sa mga isip nila.

"Dont ever put a hand on her JM Dela Fuente or else Im gonna take her away from you!" Galit na galit na sigaw ni Harell.

Halos mapatakip ng bibig at 'di makapaniwala ang mga estudyante sa pagitan ng tensyon sa dalawa. Kahit ako rin naman 'eh, di ko aakalain na magkakilala pala silang dalawa.

Ano ba kasing mayroon? Bakit big deal na may kasama akong taga Campus High?

"You'll die, Harell Buenavista!"

Halos kilabutan ako sa awra ni Supremo. Dahil 'dun, tinulak ko na si Harell palayo sa lugar na 'yon. Baka kasi tuluyan na talaga siyang mapa away nang dahil saakin.

"Sige na Harell umalis ka na. Sige na bye na, thank you ulit sa paghatid saakin"

"If you dont mind, let me punch that asshole! Sabihin mo lang saakin kung sinasaktan ka ng gagong yan!"

Nakakamatay na tingin lang ang binigay ni Harell kay Supremo. Ayan na naman sila sa pagpapalitan nila ng death glare. Tss! Kailangan na kailangan na talagang umalis ni Harell dito bago may mamuong gulo!

"Please harell, just go"

Napunta saakin ang atensyon ni Harell. Biglang umamo ang kanyang awra at kiniss na lamang ako sa noo. Napagalaman 'nyang sundin nalang ako at umalis.

Pinagmamasdan ko ngayon si Harell habang naglalakad palayo. Actually, kung ide-define ang personality ni Harell, as in wala ka talagang masasabi. Kasi as a person, sobrang bait talaga niya. Siya yung ideal guy na as in na-sakaniya na lahat. But--ewan ko ba. Parang hindi ko kasi mai-magine ang sarili ko kay Harell, kaya siguro kahit na paulit ulit na nanliligaw saakin si Harell, as in hindi talaga pumapasok sa isip ko na sagutin siya.

Kahit yung kami ni JD, alam nyo ba ay sobrang hindi parin sya nagsasawang mahalin ako. Hindi ko nga alam kung anong meron saakin at bakit hindi nya matanggap na ayoko talaga sakanya.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon