Chapter 11❤

4.1K 104 2
                                    

SOPHIES POV

"Trix..U-umayos ka. N-natatakot na ako sa inaasal mo. Ano ba kasi mga pinagsasabi mo?!"

Pati tuloy ako 'eh kinakabahan na ng sobra. Nanginginig na kasi ako sa sobrang takot. Bukod kasi sa nakakatakot yung itsura at inaasal ni Trix 'eh, nakakakilabot din yung lugar dito sa likod ng campus. Nakakapagtaka nga 'eh kasi may gate dito na nakakandado. Kinakalawang na yung kandado niya pero nakakapagtaka naman dahil ang baba lang ng bakod dito kung icocompare sa pinaka main gate.

"Malalaman mo din sa takdang panahon!"

"My ghad Trix umayos ka nga. Ano ba yang tinutukoy mo?!" Halos napayakap na tuloy ako sa sarili ko dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Napakalamig. Para na tuloy akong inaagnas na bangkay.

"Su---" magsasalita sana si Trix kung wala lang mga nagsidatingan. Mas lalo akong natakot nang mapansin 'kong biglang may nagsitalunan na mga kalakihan doon sa bakod. Ang dami nila at sa tingin ko papunta pa sila sa dereksyon namin. Halos hindi na talaga ako makagalaw, hindi ko kasi alam ang gagawin ko dahil wala rin naman akong ka idea-idea sa mga nangyayari ngayon.

Can anyone explain this shit thing happening here?

Tinignan ko si Trix at naaawa na talaga ako sakaniya, mas lalo tuloy siyang nawala sa kaniyang sarili simula nung dumating yung mga nagsitalunan na mga lalaki mula sa bakod.

Ang dami nila sobra.

Para silang....Gang....

Lahat sila nakahalf naked. Puro sila may aaaaabbbbsss. Hindi ko alam pero sa gitna ng kamatayan ko 'eh nagawa ko pang magpantasya sa mga katawan ng mga lalaki na 'to.

Lahat sila nakaitim. May hikaw sa kaliwang tenga at sa kabila naman ay wala. Naka cup din silang itim kaya di ko maaninag ang mukha. Pero---sa lahat ng nakikita ko, bakit pare-pareho sila ng tattoo?

May dragon at ahas kasi na nakaguhit sa kanang bahagi ng kanilang dibdib. Teka--Anong simbolo iyon?

Napayakap saakin si Trix sa sobrang takot. Agad ko naman siyang sinuklian ng yakap dahil doon. Siguro after all this time, mabait naman talaga itong si Trix. Nagiiba lang siguro ang ugali niya tuwing kasama yung dalawang bruha.

This time, Pareho kaming nakayuko ni Trix. Nakatingin sa lupa at nagdadalangin na sana 'eh bumuka na ito at lamunin muna kaming dalawa. Atleast kapag bumuka ang lupa, may chance na makatakas pa kami.

"Kunin niyo sila"

W-wait! W-whaaat?

"S-supremo?"

Inangat ko ang aking tingin at hindi ako nagkakamali at siya nga. Alam 'kong hindi ako nanaginip.

Sila Drake Lee ang Ssg Vice President, Si kuya Jake na secretary, at si Patrick na treasurer. Lahat silang SSG ay nandito. Tinitigan ko si kuya Jake at even up to now ay hindi parin siya makatingin saakin ng maayos. Pilit 'kong tinititigan si Kuya Jake, pero nagiiwas tingin lamang siya. Hmm. Siguro naman may balak siyang sabihin sakin ang lahat ng ito??

Pero sabi na nga ba at tama ang hinala ko 'eh.

Mga Gangster ang mga hayop na yan!

Punong puno sila ng itim. Naka school uniform parin naman sila at yang Supremo na yan. Alam ko siya ang pinaka leader dito.

Grrrr. Pinapagalitan niya ako dahil puro ako bad records tapos yun pala 'eh, siya pa ang mas matinde.

Akalain mo 'yun.

Gangster ang Supremo namin! Nung gabi na nakita ko sila sa gang fight, hindi pa malinaw sakin na isa silang gangster. Akala ko napatrouble lang sila or naligaw that time pero ngayon as in malinaw na sakin lahat. May golden gangs pa kasing nakalagay sa kaliwang dibdib nila so it means gangster nga talaga sila!

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon