Chapter 26 ❤️

3.3K 99 6
                                    

SOPHIE'S POV

Mahihimatay na ata ako sa kakaisip sa problema ko. Sabi nila hayaan ang problema na siya'ng mamroblema sayo. Pero puta, paano iiwasan kung yung problema mismo ang pumapasok sa bawat sulok ng utak ko habang bumubulong na 'problemahin mo ako'.

Its 11 PM in the evening nang tignan ko sa 'orasang nakapatong sa lamesa ko. Kaharap ko din ngayon ang laptop ko na nagchacharge, actually pati nga rin yung phone ko ay nakabukas din habang nagchacharge, pati ilaw binuksan ko narin. Hayy nako! Nababaliw na ata ako.

"Oh anak lakas ng gamit sa kuryente 'ah, may pambayad ka nman siguro ano?!"

Nabaling ang atensyon ko kay mama na kakapasok lang sa kwarto ko. May dala dala kasi siyang tray ng chips delight at nangiinggit pa ngang may pagkain daw sya.

Aish---Im craving!! ...parang gusto ko na naman tuloy pumunta sa seven eleven para bumili ng siomai!

"Mama foodtrip naman tayo sa seven eleven. Nagugutom kasi ulit ako 'eh. Wag ka magalala, Ako naman yung magdadrive hehe"

Tinaasan ako ni mama ng kilay because of what I said. "May pang gas ka naman siguro ano?"

Hayys nako si mama talaga!

"Ang galing galing naman ni mommy ko, alam na alam na ubos na ang allowance ko!"

"No. No. No way. Ayan ka naman sa paggagastos mo ah! Hindi ako nagtatae ng pera Sophie."

Nagmemake face pa ako at patagong ginagaya si mama habang nagsasalita. Ayan na naman siya sa line niya na 'di ako nagtatae ng pera'. Si mama talaga kadirdir kahit kelan.

"Oo nga po. Sabi ko nga po!"

"Aaaaaaahhhh. Ayan na yung Weightlifting Fairy!" At ayun si mama karipas ng takbo palabas ng kwarto ko pagkarinig palang nya ng tv sa sala. Tch, Basta usapang Kdrama asahan mong patay na patay talaga si mama dyan. -_-

Napalumbaba nalang tuloy ako. Ano ng gagawin ko ngayon? Bawal naman akong lumabas? Hmm. Try ko kayang magstatus sa facebook? Aha! Tama--try kong mag-status, at baka sakaling may magdala!!

'Im craving for Siomai. Sana may magpadala ng siomai sakin sa bahay :)'

Di naman siguro masama umasa kahit minsan. Alam ko naman na masasaktan ako sa kaka-asa sa wala pero malay mo diba may magpadala ng siomai sakin.Whahahaha pangit ko talagang humugot, nyeta! Pero taena, Gusto ko tlaga ng siomaaaaiiii. Grabe! Dinaig ko pa yung buntis. T-teka buntis? HAHAHA kahit kailan talaga kung ano ano pinagiisip ko. Kasalanan 'to ni Supremo! Sinanay 'nya ko na laging kumakain!

DINGDONG DINGDONG

"SOPHIE MAY TAO SA LABAS PUNTAHAN MO MUNA AT NANONOOD PA AKO DITO SA SALA!"

At dahil inutusan ako ni mudra Syempre hindi pwedeng hindi sumunod at dahil masunurin akong dyosa, eto na pinuntahan ko na ang kung sino man yung nagdodoor bell sa labas ng ganitong des oras ng gabi. .

"Sino ba sila?" Haha beastmode lang ang peg.

"Here. Get this"Inabot saakin ng isang lalaking naka cup na itim at jacket ang isang box ng Mr. Siomai. Halos mapayakap tuloy ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig--Yung awra niya at yung klima ngayon, parehong pareho. Napakacold.

"S-supremo? Anong ginagawa mo dito?"

"Youre craving thats why I bought this for you."

"Ah eh?"

Nag-alangan pa ako nung una kung tatanggapin ko ba o hindi. Siya na nga nagdala dito mismo sa bahay tatanggihan ko pa ba? Opportunity na to te. Grab the chance na ganun! Sadyang ewan ko ba, Nakakatulala lang talaga ang taglay na ka-gwapuhan ni Supremo. Hindi ko tuloy maiwasan na mahulog sakaniya. Ang corny lang pero ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Kinikilig na naman ako na ewan sa tuwing makikita 'sya.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon