Chapter 33❤️

3.2K 78 1
                                    

SOPHIE'S POV

Kasalukuyan na akong nasa kwarto na pinagaayusan sakin. Nakaupo ako ngayon habang kaharap ang isang malaking salamin. Kasama ko dito sila Katrina atsaka Vianca. At first nagtaka pa ako kung bakit sila nandito, may kanya kanya pa silang reasons ayaw pang sabihin na may nagimbita talaga sakanila dun sa party. Nako, lumalovelife narin ang dalawang ito, ni hindi man lang nagkukwento.

Si Vianca ay nakaupo sa kanan ko at si Katrina naman ay nasa kaliwang bahagi. Nagfafacebook lang si Vianca at nagbabasa naman ng mga magazines si Katrina. Pareho na silang tapos ayusan, ako nalang talaga yung hindi pa. Naka gown narin sila, color black kasi ang theme kaya kailangang color black din ang kulay ng gown na dapat suotin. Hayup, sobrang gandang ganda talaga ako sa dalawang ito. Ang galing talaga magayos ni Tita Sandy. Parang gusto ko na tuloy umuwi, wala e may nanalo na. Haha.

"Girl alam mo ba yung kumakalat na balita sainyo ni Supremo sa academy?" Pagtatanong sakin ni Vianca. Nanatiling nagbabasa parin si Katrina, actually--lagi ngang may sariling mundo yan 'e. Kaya 'yon....at the end, kami lang talaga laging magkadaldalan ni Vianca.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Vianca.

"Huh? Anong balita? Ano na naman yun? May dapat ba akong malaman?"

"Ay oo te, usap usapan ka sa school. Nako kung ako sayo wag ka muna pumasok at baka masugod ka pa ng mga patay na patay kay Supremo"

"Alam mo, hindi talaga kita magets! Sabihin mo na kaya ng deretso kung ano ba talaga yang sasabihin mo. Leche! Pasuspense ka pa e!"

Eto yung ayaw ko kay Vianca e, manong straight to the point nang sabihin kung ano ba talaga ang sasabihin niya, hindi yung nagpapasuspense pa!

"Ah basta--naririnig ko lang din sa school natin. Kayo na daw? Totoo ba? Nako 'te wag mo lang talaga subukan magsinungaling !"

Paktay eto na nga ba sinasabi ko. Wala man lang kasi akong naikukwento kay Vianca this past days kaya paniguradong mahihirapan ako sakaniyang i-explain lahat. Ni hindi ko pa nga rin naku-kwento sakaniya nung mga panahon na nagkakamabutihan na kami ni JM e, kaya for sure ay hindi rin niya ako maiintindihan. Pero sakanilang lahat--tanging Si Kuya Jake lang talaga kasi ang napagkukwentuhan ko, at siya lang ang alam kong nakakaalam.Well I guess marami na siguro saming nakakitang magkasama kami lagi kaya bumuo narin sila ng conclusion. Well wala naman siguro ako dapat iklaro, dahil totoo naman ang lahat.

"Uhm. Ano kase"

Tama bang aminin ko na ang lahat?

"Cut the questions Vianca, me-makeup'an na siya ni Tita sandy" biglang singit naman ni Katrina. Seryosong seryoso siya habang sinasabi 'yon. Ibinaba narin niya yung magazines na binabasa niya at umalis narin. Save by Katrina! Buti nalang talaga at biglang sumingit si Katrina sa usapan, kahit papaano..tumigil narin itong si Vianca sa pagtatanong.

"Sungit talaga nun. Kala mo laging may dalaw e" bulong ni Vianca. Napahagikgik nalang tuloy ako dahil sa sobrang tawa.

"Pero te sinasabi ko sayo. Delikado ang maging gf ng isang Supremo. Mag-ingat ingat na ako kung ako sayo. Atsaka remember yung patakaran na No Relationship Policy na ipinatupad niya? Syempre umaasa ang lahat ng estudyante na hindi rin siya mag-gf. " dagdag pa ni Vianca.

Sa lahat ng mga sinabi niya, napaisip tuloy ako. Kung kanina kilig na kilig ako kay JM ngayon naiwan naman akong clueless dahil sa mga sinabi ni Vianca. Umalis narin siya pagkasabi niyang iyon.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon