Chapter 8❤

4.4K 130 1
                                    

SOPHIE'S POV

"Yawa pisti. Bumangon ka na dyang bata ka, tanghali na! Hala sige dudukutin ko yang mata mo!"

Ano ba yan! Kitang natutulog pa yung tao ay. Hayy--No choice kundi bumangon na, dahil panigurado pag di pa ako bumangon neto, baka tuluyan na talaga akong dukutan ng mata ni mama.

"Bilisan mo dyan, yung mga boyfriend mo naghihintay sa labas!"

Holy shit!

"Ano? Mga Boyfriend? Ang dami ata? Atsaka wala naman akong boyfriend ah!"

"Ewan ko sayong bata ka, wag kilos pagong dahil isang oras na silang naghihintay sa baba!"

Nagtaka naman ako at para bang napaka importante naman ng kailangan saakin ng mga bisita na 'yan.

"Mama naman, bat di mo ko ginising!"

"Aba, isang oras na kitang ginigising di ka man lang magising gising. Lintek ka talagang bata ka!"

Dahil doon ay padabog akong pumasok ng CR. Hanggang ngayon ay dada parin ng dada si mama! Aish, ke-umaga umaga nagseseremonya na naman siya ng misa! Kesyo kesyo madaling araw na daw ako nakatulog dahil sa kakafacebook. Eh lintek na 'yan, di nga man lang ako nakapagonline kagabi! Hindi ba niya alam na kaya hindi ako makatulog dahil sa lintik na nangyari kagabi...

Bwisit kasi yang supremo na yan, naalala ko na naman tuloy yung paghawak ko sa mga pandesal niyang akala mo tinoasted. Yung feeling na yakap yakap ko siya habang nagdadrive siya ng motor. Tapos yung pag gulo pa niya saakin ng buhok ko, tapos tapos.. First time din 'nya akong sinabihan ng Goodnight. Kahit goodnight lang yun, paulit ulit parin nageecho sa tenga ko 'no! Paano ba naman kasi, yung husky niyang boses as in sobra sobra talagang nakaka-attract. Lahat ng 'yan nangyari sa may tapat ng gate namin kagabi, huhu kulang na nga lang ata at doon na din ako matulog e.

Naalala ko sakaniya si JD. Bakit ba naman kasi magkamukha silang magkapatid! Ayan tuloy hindi ako makatulog sa kakaisip. Kainis talaga!

Tapos--Tapos sa simpleng bagay lang na yun, kinikilig na ako. Ngayon ko lang narealized na mukha'ng mabait naman pala si Supremo. Grabe! siya na talaga ang pinagpala ng poong maykapal! Gwapo na mabait pa.

Dahil P.E. ang sched namin para sa araw na ito, kaya kailangan naka jogging pants ako. Kinuha ko narin yung string bag at iphone ko sa lamesa at bumaba narin. Nagtaka naman ako ng pagbaba ko ay wala namang mga bisitang bumungad saakin sa sala.

Eh?

"Mama niloloko mo lang ako, wala naman 'eh!"

"Ang bagal bagal mo kasi kaya sa labas na lang daw sila maghihintay!"

Dahil sa sobrang pagmamadali, Kinuha ko nalang yung sandwich na pinalaman ni mama para saakin. Nagtabi narin ako sa bag ko para incase. Kumuha naman ako ng soda in can sa ref at binuksan yun para inumin.

Halos tinakbo ko narin ang palabas ng bahay dahil sa sobrang pagmamadali. Kung sino man ang bisita na 'iyan, lagpas isang oras ko na silang pinaghihintay. Nakakahiya naman kung gagawin ko pang eksaktong dalawang oras diba?! Pagkarating ko sa gate ay nagulat ako sa bumungad saakin. Si SUPREMO, DRAKE AT PATRICK! Kanya kanya pa silang nakasandal sa mga sasakyan nila. Dala ng sobrang pagkagulat, naibuga ko tuloy yung iniinom ko kay Supremo.

"Is that how you greet your visitors?!"

Nagtawanan pa 'tong sila Patrick atsaka Drake. Etong mga SSG na gangster na mga 'to. Sarap pagtatampalin. Atsaka teka nga! Bakit ba sila nandito sa bahay?! Aga aga nambubulabog! Leche! Ang sarap pa ng pagkakatulog ko kanina! Ano na naman ba kailangan ng mga 'to saakin!

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon