Chapter 41❤️

2.4K 53 1
                                    

SOPHIE's POV

"Sophie lintek kang bata ka! Tanghali na! Natutulog ka parin! Tatayo ka dyan o kukurutin ko singit mo?!"

Automatiko akong nagising dahil sa pagbubunganga ni mama. Hanubayan, hindi nga si JM nanggising saakin..ngayon si mama naman!

"Hindi ako papasok. May hangover pa ako"

"Kailan ka pa tinamad magaral ha?! Ikaw talagang bata ka! Di mo ba alam kung gaano kaimportante ang edukasyon! Kung wala ang edukasyon hindi magiging maganda ang kinabukasan mo! Napaka swerte mo ngang bata ka at wala ka ng pino-problema sa pagaaral samantala yung iba dyan nagpapaka pagod pang magtrabaho para lang may pambayad sa tuition! Hala sige---"

Panigurado'ng hangga't di ako tumatayo sa higaan ay hindi titigil sa kakasigaw at kakasermon si mama. Kaya eto, tumayo na ako at dumeretso sa CR. Padabog kong sinara ang pintuan.

"Aisssh! Nakakainis naman. Yung bunganga talaga ni mama dinaig pa ang nagtatawag ng seremonya!"

"Anong sinabi mo! Tapos ngayon sasagot sagot ka na sakin! Di mo ba alam kung gaano ako kumakayod magisa para mabuhay ka tapos sasagut-sagutin mo na ako. Aba---"

"Mama naman! Can you please stop it! Pati ba naman sa CR sinundan mo pa ako!"

"Eh sorry naman, eto oh cellphone mo. May tumatawag"

Nabuhayan ako ng diwa sa sinabi ni mama. I am expecting that it was him who is calling at my phone..

Dali dali kong kinuha yung cellphone ko kay mama para sagutin ang tawag na iyon. Basta basta ko na lamang sinagot ang tawag, without looking if who is the caller kasi as I said, na nage-expect ako na si JM ang tumatawag sakin. Umalis narin si mama kaya sinarado ko na yung pintuan ng CR ko.

"Hello...Babe sorry kahapon..magsosorry naman talaga ako e, umalis ka kasi kaagad e. I miss you babe. Im so sorry. Wala namang meaning yung mga convo namin ni JD e, simpleng kamustahan lang yun promise!"

(Ay sorry po.. Hindi po ako si Sir JM. Ako po yung driver na inutusan ni Sir JM na maghahatid sayo sa school)

Nanlumo tuloy ako sa mga narinig ko. Bukod sa epic na ang bungad ko sa kausap ko, ay hindi pa si JM ang susundo sakin ngayon. Hays, normal na ba talaga yung LQ sa mga magkasintahan? How I wish na sana hindi to mauwi sa breakup, kung mangyari man iyon, di ko kakayanin.. handa akong magbaba ng pride para di na kami magkatampuhan. Di ko matiis si JM, mahal na mahal ko siya.

"Ah sige, bababa na ako. Hintayin mo nalang ako"

(Sige po)

Di na ako naligo. Naghilamos na lamang ako. Ang hirap ng ganito, parang lahat ng ginagawa ko naapektuhan. Pati pagligo, hindi narin ako naligo. Hindi narin ako nagliptint at nagpulbo kasi feeling ko wala naman nang dahilan para magpaganda ako, lalo na kung hindi naman si JM ang susundo saakin ngayon.

"Goodmorning po Mam Sophie" masayang bati ng driver ni JM sakin pagkalabas ko ng gate namin..

Tumango lang ako sakaniya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya pumasok na lamang ako sa loob. sinuksok ko na lamang ang earphone ko sa magkabilang tenga ko, nilakasan ko narin ang volume nito. Buong byahe wala akong gana.

Nagising ako nang kinalabit ako ng driver ni JM. Automatiko kong tinanggal ang earphone ko at inayos na ang mga gamit ko.

"Nandito na po tayo Mam Sophie. Dito ko nga po pala kayo hihintayin mamayang uwian"

"W-what? Pati uwian ikaw ang maghahatid sakin?! Where's JM?! Bakit hindi nalang siya ang maghatid sakin pauwi!"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon