Chapter 31❤️

3K 77 2
                                    

SOPHIE'S POV

Pagkagising ko narealize ko na nakasakay na ako sa isang montero. At ang worst, ay kay JD pang montero. Hindi naman sa bitter ako or what, mali ito. Baka may makakita sakin dito at bigyan pa ng malisya.   I know wala akong ginagawang masama pero may boyfriend na ako at pangit tignan kung kasama ko ang ex ko ngayon....Baka bigyan pa ng issue....

Lumabas kaagad ako ng sasakyan at napansin kong napakadilim na talaga sa lugar na ito. Kinapkap ko yung phone ko na nasa bulsa ko. Dead bat na pala ako, aish how I wish I could have 500% battery percentage. Tadtad na siguro ako ng tawag at messages galing kay JM.

"Come here"

Napalingon ako sa nagsalita at dun ko lang napansin si JD na nakasandal sa harap ng montero. Nakatalikod parin siya at nakapamulsa. Nakapikit at para bang feel na feel niya yung simoy ng hangin. T-teka pano niya nalaman na nasa likod niya ako kung nakatalikod siya sakin habang nakapikit?

"Come with me, Im not a killer anyway haha"

Nakonsensya naman ako kaya lumapit narin ako. Baka mamaya sa isip isip niya, iniisip kong mamatay tao siya. Tumabi ako sakaniya pero may distance parin parin kami sa isat isa. Nakayuko lang ako at sobra akong nahihiya. Parang ang awkward kasi ng feeling. Tahimik lang kaming dalawa at wala ni isa saamin ang nagsasalita. Sobrang tahimik ng paligid. Nilingon ko siya at napansin kong nakapikit parin siya habang nakapamulsa. Okay lang kaya siya? Ano kayang iniisip niya?

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at ngayon ko lang narealized na malapit kami sa bangin. Tanaw na tanaw dito yung buong bayan. Kitang kita mo talaga yung mga ilaw na nagmumula sa mga bahay at buildings. Masasabi ko lang na ang ganda ganda talaga ng tanawin rito. Pinikit ko ang aking mga mata at sobrang sarap pala sa feeling ng ganito. Ang peaceful sa utak. Ngiting ngiti pa ako kasi ang sarap talaga ng simoy ng hangin.

"Sorry kung kailangan pa kitang painumin ng pampatulog para maisama kita ngayon. Alam ko naman kasing kahit anong pagpupumilit ko sayo ay hindi ka rin naman sasama saakin. Dont worry wala akong gagawing masama sayo, I just want to spend this whole day with you. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko and after that, I promise na hindi na talaga kita muling guguluhin pa"

Automatikong nawala ang mga ngiti ko nang marinig ko ang mga iyon. Nanlambot din ang puso ko kahit papaano. May past kaming dalawa, may pinagsamahan din kami kaya mahalaga din siya sakin kahit papaano. Ang bigat lang sa feeling na may kailangang lumayo sayo.

"Hindi mo naman kailangan lumayo"

"May mga bagay na dapat tanggapin. At siguro dapat ko naring tanggapin na wala na talagang chance na magkabalikan tayo ulit. Hindi rin naman kita masisisi kasi ako rin naman ang may kasalanan. Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon, Sophie. Alam kong may pumalit na sa pwesto ko. Gaya nga ng sabi nila kung mahal mo talaga ang isang tao, nararapat na suportahan mo ang magiging desisyon niya. At gusto ko lang malaman mo na, nirerespeto ko ang desisyon mo. Masaya na ako para sainyong dalawa Sophie"

This time nakatingin na siya ng deretso sa view. Kahit madilim napansin ko paring may tumutulong luha sa mata niya. Kung siya nasasaktan, mas nasasaktan ako. You know what, mahirap din para saaming babae ang ganitong feeling. Ang magreject ng feelings ng iba. Doble doble kasi ang impact saamin.

Si Jd. Oo dati hindi ako makamove on sakaniya. Hinahabol habol ko siya pero nung mga time na yon, ayaw na talaga niyang makipagbalikan sakin. Sobrang sakit nun syempre. Pero di rin ako nagsisi kasi nung mga panahon na yun, nakilala ko si JM. Kung wala si JM hanggang ngayon siguro broken parin ako. At ngayon para bang nagbago ang ikot ng mundo, at si Jd naman ang gustong makipagbalikan saakin. Napakahirap gumawa ng desisyon sa totoo lang, kailangan kong magisip ng tama para hindi mapanakit ng damdamin ng iba.

Honestly, mahirap talagang pumili sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ang nakaraan ba na minahal ko ng sobra....o ang kasalukuyan na tinuruan ako kung paano magtiwala at magmahal muli. At first, I thought mahal ko pa si Jd pero akala ko lang pala yun. Siguro yung memories yung namimiss ko at hindi yung mismong tao. Yung akala kong mahal ko pa siya pero kailangan lang pala ng puso ko na makipag closure sakaniya. Kung may mamahalin man ako ngayon, siguro para kay JM na at hindi na para kay JD.

Ibinaling ko ang tingin ko sa buong bayan. May namuong ngiti saking labi bago nagsalita.

"Ang swerte ko dahil nakilala ko ang isang Jd Dela fuente. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita JD at gusto kong malaman mo ang bagay na iyon. Siguro lahat ng ito may dahilan. I know everything happens for a reason, at itong paghihiwalay natin ay maaring may dahilan rin. Alam mo ba, napakadami kong natutunan simula nang makilala ko si JM, siguro kaya tayo umabot sa ganitong sitwasyon ay marahil pareho tayong nagkamali both sides. Kaya wag mo na masyadong sisihin ang sarili mo, dahil hindi mabubuo ang isang problema kung ikaw lang ay may gawa. Siguro may kasalanan rin ako. Mahal parin naman kita pero patawad hanggang kaibigan nalang siguro"

Mejo nagulat pa ako nang yakapin niya ako. Hindi ko pa nga alam kung yayakap din ako pabalik 'eh.

"Kahit ngayon lang Sophie, yakapin mo din ako please"

Niyakap ko din siya kagaya ng sabi niya. Ang tagal din pala nung huli kaming nagkayakap. Ang sarap lang sa feeling na malinaw na ang lahat sakaniya. Atleast kahit papaano hindi na mabigat sa pakiramdam ko.

"Tara noodles muna tayo" pagaaya niya

"Sure no problem"

Nilingon ko ulit yung view. I wish, makabalik ako rito kasama si JM.

"200 pesos po" sabi ng cashier, kasalukyan narin kasi kami ngayong nasa noodle house at heto nasa counter narin kami para bayaran ang mga binili namin.

"Ako na magbabayad" pagpi-prisinta ko.

"Ako na haha. Ako nagaya diba? Haha"

Tumawa kaming dalawa sa mga inasal namin. Ang saya naman sa feeling ng ganito. Wala ng ilangan. Para bang walang nangyaring sakitan.

"Ate, kuya palimos po"

"Oh eto 1,000 kumain ka ng marami ne? 'Pang grocery mo 'yan para may maiuwi ka pa sa bahay 'nyo" Nagulat ako nang maglabas ng isang libo si Jd para dun sa bata. Napakabait talaga niya pagdating sa mga bata.

"Kuyaaaa maraming maraming salamat po" niyakap pa nung bata si Jd kaya napangiti ako ng palihim. Napakabait talaga ni JD at alam kong hindi malabong makahanap siya ng iba, sana makita na niya ang para sakaniya. Yung taong deserve ng pagmamahal niya.

Kumain lang kami at masayang nagkukwentuhan. Napuno ng maraming topics. Dito kami pumwesto sa labas kasi wala lang trip lang namin haha. Napuno kami ng pagtatawanan as in lahat lahat. Wala naring ilangan at para bang normal na magkaibigan nalang. Its 11:40 in the evening ng mapagdecide naming umuwi na.

"Thank you Jd sobra akong nagenjoy"

"Haha. Pakatatag kayo ah? Sige na baka nagaalala na sayo si tita. Malalagot pa ako haha"

Tumawa nalang ako at lumabas na sa kotse niya. Kumaway pa ako sakaniya at ngumiti siya bago umalis. Sinundan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa nakaalis na palayo.

"San kayo galing?!"

Automatiko akong napahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba.

"J-JM?!"

***

Hi guys hahahaha new Ud po sorry late reply. Broken kasi ako nung nakaraan e walang ganang mag ud haha. Pero ngayon naka move on na ako kaya back to updating na. Ibubuhos ko nalang ang sarili ko sa pagwawattpad. Magsusulat nalang ako hindi na magmamahal chos HAHA

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon