Chapter 49❤️

2.8K 86 5
                                    

SOPHIE's POV

"Bro, tara na. Kailangan na natin magprepare. Maya maya magsisimula na ang championship" Nawala kami sa paguusap nang magsalita si Drake. Di ko napansin na nandyan parin pala ang buong soccer team sa likod ni JM. Kanina pa siguro sila nanonood saaming dalawa.

"After all of this, we will have a date, understood?"

Masaya akong tumango sa sinabi ni JM.

"Kapag may humawak sa kamay mo, o lumapit sayo, magtext o tumawag ka kaagad! Lalabas talaga ako ng soccer field at pupuntahan kita kung san ka man!"

"JM! Championship yun! Baliw ka talaga! Okay lang ako, wag ka magalala, just focus on the game, susunod ako dun promise"

"Okay fine. Ill go ahead. I love you" hinalikan niya ako sa noo bago sila umalis. Nakasunod sa likod niya ang buong soccer team. And syempre as a captain team, siya ang nasa harapan.

After that conversation, I decided to went to the comfort room. Bumaba narin ako ng stage at kung alam nyo lang, sobrang daming tao na lumalapit saakin para pagkaguluhan ako. Buti na nga lang at may mga umaalalay saakin hanggang sa comfort room. Aish, I really need to change my clothes because in a few minute, the championship would start and ofcourse--I want to be there supporting my boyfriend.

"Lia, pwede ko muna bang tanggalin yung crown? Ang bigat kasi sa ulo e. Alam mo naman na manonood pa ako sa arena para sa championship game"

If you were curious, Lia is my current manager for now. I got the tittle as the National Queen, so as expecting na may manager na akong titingin sa bawat kilos ko.

"You are responsible to wear your crown as the start of your reign. No excemption. No reason. Just wear the crown"

What the?! Nagbibiro ba 'tong si Lia?! Aish! Minsan may pagkabaliw talaga ako! Gusto kong manalo kanina, tapos ngayon na nanalo na ako, tinatamad naman akong isuot ang korona. Yung totoo Sophie?!

"Well. Ano nga ba ang magagawa ko"

"Whatever" inirapan nalang ako ni Lia bago siya lumisan ng comfort room. Sign siguro niya yun na kailangan ko ng magbihis. Unang araw palang to na kasama ko si Lia pero mukhang hindi ko na matatagalan ang ugali. Huhu.

I just wear a dress that fit my curves. Its a white dress with a white heels. I look like an angel that falls in the sky hahaha Charot! After that inilagay ko narin sa ibabaw ng ulo ko ang crown. I smile in my own reflection, sobrang laki na ng pinagbago ng physical appearance ko. I wonder kung si Sophie Albert Martin parin ba itong nakikita ko sa salamin.

"We need to go. The game would start in 5 minutes"

Nawala ako sa pagda-daydream ng mag-aya na si Lia. "Okay. Lets go then"

Pagkalabas na pagkalabas palang namin ni Lia ay dinumog na naman ako ng mga taong gustong magpa-picture. Di ko aakalain na ganito pala kapag isa ka nang ganap na National Queen. Ang dami ng nagbago, para bang dati lang ay dinadaan daanan lang ako ng mga tao, wala silang pakielam kung dadaan ako sa harapan nila then now, look at this, hindi pa ako nakakadaan sa harapan nila pero sila na mismo na ang naghahanap saakin para magpapicture and magpa-autograph.

"Ate Sophie please po papicture!"

"Ang ganda ganda niyo po ate Sophie!"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon