Chapter 29 ❤️

3.2K 106 12
                                    

SOPHIE's POV

Nung after ng FIRST KISS ko na yun...CAPSLOCK TALAGA PARA DAMA...kasi 'te first kiss ko yun 'te! Taena. Medyo natulala pa tuloy ako ng mga 2 seconds bago ako natauhan.

'Gagu yun ah'. Hinalikan ba naman ako'

Tumakbo ako kaagad palabas ng gymnasium at hinanap ko kaagad si Supremo. Tarantado yun 'ah, iniiwas ko na ngang mahulog sakaniya tapos kiniss pa ako ang gago. Wala na, tuluyang nafall na ako. Ayan kailangan ko na tuloy siyang hanapin at aminin na mahal na mahal ko rin siyang hinayupak siya.Grrr nakakainis!!!

Dugdugdug

Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagtibok ng puso ko! Dear Heart, putangina tumigil ka na sa kakatibok, eto na nga diba pupuntahan na natin si Supremo na dahilan ng pagtibok ng letseng puso na ito. Pag talaga ako nasaktan, balakajan!

"Supreeeemoooooo!"

Uwian na pala. Halos ko-konti nalang kasi yung mga studyanteng natira sa buong academy. Kadalasan siguro ng mga estudyante ay mga nasa bench na sa baba para maghintay ng kanya kanya nilang sundo.

BLAAAAAGGGGGHH

Nagulat ako at agad na napayakap ako sa sarili ko.. Namatay yung ilaw. Wala bang kuryente? O pinatay na ni Manong Janitor? Nakakatakot na. Aalis na ba ako? O maghihintay pa ako?

BOOOGSSSHHHHH

"Whaaaaaaaa. Bitawan niyoooo kooooo! Hayop kayooo bitawan niyo ko sabeeee!"

Tinakpan nila ng panyo yung mata ko pero nakakapagtaka naman ng hindi man lang hinarangan ng kahit na anong panakip yung bunganga ko. Diba dapat bunganga ang takpan? Kasi kapag naghihiyaw hiyaw ako dito ay paniguradong may makakarinig....edi kapag may nakarinig may witness na ako...edi kapag may witness na ako mananalo ako sa kaso. Punyeta mangkikidnap na nga lang epic pa ang mga hayop. HAHAHA.

Madilim. Wala kong makita.(ay te malamang wala kang makikita nakatakip mata mo te) HAHAHA sorrna. Oh basta ganto, wala kong makita pero feeling ko may kakaiba. Tumigil narin ako sa pagngangawa dahil baka maubusan pa ako ng boses, edi kung sakaling makatakas ako dito edi wala na akong boses na ihaharap sa mga pulis diba? . Di ko alam pero parang mas excited pa ata ako kesa sa mga holdaper na ito. Excited sa pupuntahan ganon? Tapos nakakapagtaka lang dahil itong mga kidnapper na dumukot saakin, diba dapat kanina pa sila nagsasalita o kaya naguusap kung san ako dadalhin? Mga pipi ata ang mga hinayupak na to. Ayan tuloy wala man lang ako kaidea idea hays. Sana dalhin muna nila ako enchanted kingdom o kaya sa star city para breathtaking muna bago nila ako paslangin. Hihihi.

"Hoy kung sino man kayong mga anak ni satanas na walang hiyang kumidnap sakin, siguraduhin niyo lang na gwapo kayo... pero kung pangit na nga kayo kidnapper pa kayo, nako ang kapal na ng mukha niyo pag ganon!"

"Manahimik ka! Nandito na tayo!"

"Nandito lang, walang tayo uy!"

"Ewan ko sayo. Dyan kana nga! Kung di lang kami nautusan ni Supremo 'eh!"

Tinulak nila ako bigla tapos whaaaaaaa sinarado yung pintuan. Narinig ko pang pinodlock! Juskoooo. Agad agad kong tinanggal yung piring ko sa mata nang may pumigil sa mga kamay ko. Naparalyzed tuloy ako bigla. Sht. S-sino to?!

"Let me be the one to remove that blindfold"

T-tekaaaaa. Putangina... Boses to ni Supremo. Diba? Diba?

"S-supremooo?!"

Pagkatanggal ng piring na nakaharang sa mata ko ay tumambad sa mga mata ko ang isang lalaking dahilan kung bakit mas lalong tumibok pa ang aking puso. Matangkad. Maputi. Brown eyes. Matangos na ilong. Kissable lips. Putragis, niyakap ko na agad agad wala ng pakundangan ganon! Napunta ang atensyon ko sa labi niya, Yung labi niya na natikman ko kanina. I cant believe na ninakaw niya ang FIRST KISS KO!!!

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon