Chapter 10❤

4.2K 117 3
                                    

SOPHIE'S POV

Pagkatapos naming magtraining 'eh umalis na rin kaagad ako sa gymnasium.

Yung mga varsity player kasi na nagte-training din doon sa gymnasium ay sinisipulan ako. Yung iba sakanila nagva-vape pa! Kung hindi lang pinipinturahan yung kabilang court, hindi talaga kami magtya-tyagang mga volleyball player na makishare ng court dito sa mga tukmol na varsity player ng school namin.

Leche! Nakakairita talaga silang pagmasdan. Kung umasta ang mga hayop na 'to, eh mapapagkamalan mo kaagad na kamaganak ng isang adik.

Bwisit! Mga dagdag sa polusyon sa mundo.

"Hoy sa wakas at nakita narin kita bes. Grabe pinagod mo ako!"

Nagulat naman ako ng biglang lumitaw si Vianca. Nakakapagtaka nga 'eh, dahil hindi niya kasama si Katrina.

"Eh sino ba kasi nagsabi sayo na hanapin ako?!"

"Ay grabe 'to. PMS mo 'te? Hindi mo na nga ako pinansin kanina hanggang ngayon baga naman?"

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Di parin kasi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

Kung makasisi yung mga mata nila saakin akala mo sinadya ko talaga na galitin si supremo. Aba malay ko ba kung nagalit siya. Dapat nga ako pa ang magalit sakaniya kung bakit hindi ako yung ipapadala nya sa Campus High. Actually Di ko rin alam kung bakit ako ganun kasabik makausap si JD. Minsan ang gulo gulo talaga ng nararamdaman ko. Aaminin ko na kahit nga sa sarili ko, hindi ko parin alam kung ano ba ang kasagutan sa mga tanong ko. Kung mahal ko parin ba siya o hindi, o talagang gusto ko lang makipagclosure sakaniya. Hindi ko talaga alam ang sagot. Pero kung ano man yun, ang pinaka importante sa lahat 'e, atleast nakagawa na ako ng paraan kung pano siya makakausap uli.

Napahinto kami sa paglalakad nang mapansin namin yung mga nagkukumpulan at nagkakagulong estudyante sa may announcement board.

At dahil dakilang chismosa kami ni Vianca 'eh nakilapit narin kami para malaman kung ano man yon.

"Bes mukhang di natin makikita!"

"Oo nga. Bat kasi ang pandak pandak ng lahi nila mama at papa"

Sisihin ba naman ang buong angkan? Hahaha.

Ill try my best para makasingit, but my best wasnt good enough talaga. Alam niyo yun guys? Hustisya men! Dapat sa mga panahon ngayon, pandak first! Pandak ang binibigyang daan. Pandak ang pinapauna sa announcement board. Pandak ang pinapauna sa pila. Hustisya men. Hustisya!

"Bes mauna na ako. Late na pala ako sa next subject ko. Nakita naman na kita kaya babush na. Bye iloveyou!" Kalabit saakin ni Vianca pero wala parin kasi sakaniya ang atensyon ko. Abalang abala parin kasi ako sa pakiki singit ko dito 'eh. Hays ano ba kase to! Baka mamaya honor list na ang nakapaskil dito, kaya hindi talaga ako papayag hanggat hindi makasingit. Aba, malay natin kung naligaw na sa listahan ng mga honor ang pangalan ko diba?

Di na nagbeso si Vianca kasi halata ko rin na madaling-madali siya. Late daw siya? Edi ibig sabihin mapaparusahan din siya ni Supremo? hehehe. Mabuti naman at may kasama na akong maglinis ng womens room mamaya.

Natatandaan ko. There are certain times there na--nakakadiri talagang magpulot ng mga napkin doon na halata mo pang sariwang sariwa yung dugo. Nakakainis nga mga babae dito 'eh, masyadong burara. Nahiya pa ata silang iwanan pati yung panty na natagusan. >_<

Konti nalang sana ay makakalapit na ako sa may bulletin kung di ko lang naamoy ang kili kili ni koya. Jusqo. Kakagaling lang ba nito sa digmaan?

Dahil di naman ako mapakali 'eh kinalabit ko na siya ng tuluyan. Lumingon siya saakin pero naka-pokerface , kaya nga nagdadalawang isip pa ba ako kung sasabihin ko pa ba o hindi, kasi nakakatakot naman kung sasabihin ko sakaniya diba? Tsaka baka maoffend siya, pero dahil sabi nila na mas magandang maging prangka. Well enebe sasabihin ko na nga. ^_^

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon