Chapter 23 ❤️

3.2K 98 2
                                    

Sophie's POV

Actually nasa school na ako ngayon pero on the way narin ako papuntang Campus High. Natatandaan niyo pa yung training sa Campus High?. Basta 'yon, atsaka alam kong alam niyo naman na may napagka sunduan pa kami ni Tracy na ako ang papalit sakaniya at ayoko namang biglang bawiin yon. After all, mas kailangan ko naman 'to kasi ako ang makikinabang. Maybe gusto ko lang makipagclosure kay JD? At makausap siya? Kasi kahit papaano may pinagsamahan kami at ayokong magmukhang bitter hanggat walang closure na nagaganap samin.

"Sophie, where are you going? Magsisimula na ang class 'oh. Isusumbong kita kay mam sige ka! " pagbabawal saakin nung class president namin. Hayy nako kahit kailan laging may sagabal.

"I need to go out. Sorry!"

Tumakbo na ako bago pa niya ako pigilan. Ayan na naman siya sa pagiging class president niya. Aish, sakit talaga niya sa bangs!

Takbo lang ako ng takbo. Maraming tumitingin. Mukha 'ngang naka istorbo pa ata ako sa mga nagkaklase dahil sa ingay ng takbo ko. Jusko, wag naman sana another record ito. -_-

Siguro it took 20 minutes bago ako nakarating sa pinaka main gate, wala na kasi akong alam na ibang daan palabas ng academy kaya no choice kundi magmakaawa kay manong guard para palabasin ako.

"Ahm. Hi--"

Di pa ako nagsasalita nang magsalita na si Manong Guard. "Anong ginagawa mo dito? Class hours na. Bumalik ka na sa classroom mo at baka matanggalan pa ako ng trabaho!"

Eto na nga ba ang sinasabi ko 'eh. Huhu pano na to? Nakakatakot si manong.

"Isa po ako dun sa ipapadalang mvp player ng school para sa training sa Campus High! Please kuya kailagan ko ng maka alis. Kailangan na kailangan ko lang please!"

Para akong tangang nakaluhod sa harap ni manong. Tapos si manong ang lalim pa ng tingin saakin akala mo 'eh may nagawa akong napaka bigat na kasalanan. Haler?

"Kanina pa naka alis yung mga nasa waiver kaya wag mong gawing palusot yan ineng! Puma pasok pasok ka pa kung uuwi ka rin naman!"

Napupuno na ako kay manong ah'. Anytime sasabog na talaga ako sa inis. Bwisit. Huminahon ka Sophie! Inhale....Exhale....

Pero sa totoo lang---hindi naman talaga mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Tracy! Putek--kasalanan talaga niya ang lahat ng ito. Hindi man lang ako tinext na nakaalis na pala sila!! Masyado tuloy akong umasa na tutulungan niya akong makipagusap kay JD sa Campus High!

Di pa ako nakakapagsalita nang nagulat si manong na nakatingin sa likod ko at bigla na lamang nagbow. "Goodmorning Supremo! Magandang Buhay!" Buong galang na sabi ni manong. Nagtaka naman ako kung bakit nag-bow si manong guard kaya---Tinignan ko ang likod ko para makita kung sino ang tinutukoy niya at laking gulat ko nalang talaga nang si Supremo ang tumambad sakin. Jusko---ayan na naman ang mga nakamen in black na mga alalay niya. Phew! Spell LAGOt! P-a-t-a-y-k-a-S-o-p-h-i-e.

"Whats happening here?"

"Meron po kasing isang istudyanteng babae rito na nagsasabing kasama daw siya sa mga ipapadalang mvp player sa Campus High. Nagmamakaawang gustong lumabas"

Diba dapat matanda ang ginagalang eh bakit parang baliktad ata?' Si manong guard pa ang gumagalang sa Supremo na to. Well forget about that. Napasapo nalang tuloy ako sa ulo ko ngayon. Phew. Lagot na talaga ako nito.

Hindi ako makatingin ng deretso kay Supremo dahil sa mga pagsusumbong ni Manong Guard. Naka yuko lang ako at para 'bang yung adidas kong sapatos ang pinaka interesting na titigan sa buong mundo. Shocks!! "Is it true Ms Sophie Albert Martin? " alam ko this time galit siya. Enebe naman kase huhuhu naiiyak na ako! Ano ng gagawin ko?

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon