Chapter 35❤️

2.9K 81 4
                                    

SOPHIE's POV

Kasalukuyan parin akong nandidito sa may event. This place is located near the hotel kaya nga isa rin yun sa dahilan kung bakit, kahit 1:00 na ng madaling araw ay nandidito parin ang mga tao sa event, syempre dahil wala na silang po-problemahin sa pagtulog dahil malapit lang naman ang hotel dito. Mayayaman naman sila, kaya kahit libo libo pa siguro ang pagcheck in sa hotel, ay abot kamay parin nila.

Tinuon ko ang atensyon ko sa buong event kung nasa saan ako ngayon. Ang kaninang seryosong welcome party ay napalitan na ng masiglang party. Kasalukuyan na kasing mayroong disco ball sa gitna at ang mga taong naroroon ay masayang sumasayaw. May mga iilan din na mga waiter na nagseserve sa mga umo-order. Siguro pa-party ito ni JM bilang simbolo na wala ng magaganap na rivalry sa bawat university. Ang sasaya ng mga tao na nandidito ngayon di tulad dati na halos walang kibuan, marahil siguro wala nang alitan sa pagitan ng mga schools ngayon kaya malaya na nilang nakakausap ang mga taong gusto nilang kausapin.

Nakaupo kami ngayon ni Katrina sa isang sofa, drinks lang ang inorder ko dahil iba ako pag nalalasing.

"Heres your order mam"

"Thanks"

Nilapag lang ng waiter yung mga order namin then umalis narin siya after nun.

"Oy bes, sure ka ba talagang tanggap niyo ko kahit isa akong mafia? Sure ka ha? Wala ng bawian!"

Binatukan ko nga. Inulit ba naman yung kaninang topic namin. Baka mamaya magdramahan na naman kami niyan ay.

"Nako Katrina paulit ulit nalang! Oo sabi e! Kahit na may pagka loka loka kami ni Vianca, kahit na alagad ka pa siguro ni satanas ay tatanggapin ka parin namin ng buo! Kung gusto mo ampunin ka pa namin e, oh tara samahan na kitang magempake!"

Napatawa pa siya sa sinabi ko. T-teka may nakakatawa ba sa sinasabi ko? Tama naman ako ah. Nagulat naman ako ng niyakap ako ni Katrina. Dati kasi napaka cold talaga niyang babae, simula siguro nung naging mafia siya simula narin ng pagiging cold niya saaming dalawa ni Vianca, kaya sobra ko talagang namiss yung pagiging kalog niya. Medyo naninibago pa ako ngayon, pero okay na yun atleast nagbalik na siya, nagbalik ang dating ugali ng aming pinsan.

"Oy, oy! Bat kayo nagsosolo dito sa isang sulok! Pinaguusapan niyo siguro ako ano!"

Nawala kaming dalawa sa paguusap dahil sa pagdating ni Vianca. Patay tayo dyan, ayan na ang nakalunok ng dambuhalang megaphone!

"Baliw ka talaga! Kung alam mo lang tatawagin ka na sana namin kanina kaso mukhang busy na busy pa kayong naguusap ni bebe Patrick mo , kaya ayun hindi na namin kayo inistorbo!"

Kitang kita namin kung paano mag-blush si Vianca dahil sa sinabi ni Katrina. Ahem! I smell something fishy. May nabubuo na kayang something sakanilang dalawa? Kung ganun, advance regards para sa aking lukaret na kaibigan. Sa wakas at hindi na umaasa ang bruha.

Nakiupo narin si Vianca saamin at inagaw niya yung iniinom ni Katrina na wine.

"Hoy Vianca akin yan! Magorder ka nga ng iyo!"

"Narinig ko yung pinagusapan niyo kanina. Ikaw Katrina ang tanga tanga mo talaga! Bat ka naman namin hindi tatanggapin once na malaman namin na isa kang mafia ha! Kaya pala bigla kang nagbago! Loka loka ka talaga!"

Imbes na sagutin ni Katrina si Vianca ay sinuklian na lamang niya iyon ng yakap. Dahil dun ay nakisama narin ako sa yakapan nilang dalawa.

"Namiss ko to.Whooo at dahil dyan, maginuman nalang tayo!" -Vianca

"Ay gusto ko yan te'. Dalii magorder na tayo" Naghahanap naman sa menu ng maoorder si Katrina. Napa iling nalang tuloy ako, gusto kong tumakas palayo dito. Nasan na ba kasi si JM para makatakas ako sa pagiinuman ng dalawang to?

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon