Chapter 32❤️

3.1K 81 4
                                    

SOPHIE'S POV

"JM, let me explain ganito kasi iyon"

"You dont have to explain. Kuya already asked my permission. Sorry for the water with sleeping pills flavor" he said while smirking at me. naalala ko na naman tuloy 'yung tubig na binigay saakin ni JD 'nung nabilaukan ako. -_-

Nandito parin kami ngayon sa labas ng bahay namin. Napangisi pa siya nang mapansin niya akong hindi parin magka-andugaga kung paano ko sisimulan ang explanation ko sakaniya. Seryoso? Anong nakakatawa? Akala ko ba galit siya?

Ginulo niya buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"I said you dont have to explain. I love you"

Halos magtalon talon mga kalamnan ko dahil sa narinig ko. Nerbyos na nerbyos pa naman ako kanina. Akala ko kung ano na iniisip niya 'eh. Never ko siyang pagtataksilan, and I promise that syempre. Tampuhan pa lang namin hindi ko na kinakaya, ano pa kaya kung hiwalay diba? No! Fucking no! Hindi ko kakayanin iyon.

Laking gulat ko nalang nang bigla niya akong hinalikan. Hinapit niya yung bewang ko palapit sakaniya at para bang napapaso ako sa kamay niya na nakalagay sa bewang ko. Ang sarap ng labi niya. Napakalambot.

BOOGSSH

Napatigil kami sa paghahalikan namin dahil sa nahulog na lata.

"Meow" inosenteng tumingin saamin ang isang pusang puti. Napatawa nalang kami sa mga pinaggagawa namin.  Dito ba naman kasi naghalikan sa labas buti nalang at late night na kaya walang nakakita samin na naghahalikan.

"Lets go?"

"Huh? Saan? Magpapaalam muna ako kay mama"

"I already got tita's permission" ngumiti siya at dahil dun ay napanatag naman ako. Napagdesisyon na naming umalis. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at pumasok narin ako sa loob.

"Babe? Anong meron? May mahalaga ba tayong pupuntahan?"

"Uhm. Its a party, since napagdesisyunan na naming mga Supremo na ayusin na ang rivalry ng mga schools" sabi niya habang nagdadrive. Paminsan minsan tinitignan niya ako at nginingitian. Ilang days ko na siyang nakakasama and I admit na hindi parin ako nagsasawa sakaniya. Gwapong gwapo parin ako hanggang ngayon.

"You mean pagkakasundo ng mga schools?"

Masaya lang siyang tumango.

"W-wait pano si Dev? Yung mga head? Alam ba nila ang pina-plano niyong ito?"

Dahil sa sinabi ko ay literal na nagbago ang ekspresyon niya.

"No"

"W-what?" Hindi ako makapaniwala. W-what the! Gumawa sila ng plano na hindi alam ng mga head. Hindi ba nila alam na malaking gulo to?! Shit! Ang ayaw pa naman ng mga head ay ang pagkakasundo sundo ng mga schools. Tapos ngayon, pa-planuhin pa nila na pagkakasunduin na ang mga school na alam naman nilang against sa rules ng mga head. Sobra tuloy akong nagaalala sakanya ngayon. Once na malaman kasi ni Dev ito, baka kung ano pa ang maisipang iparusa o gawin nila kay JM.

"Nababaliw ka na ba? Pano nalang kung nalaman to ni Dev? Its like you betrayed him baka kung ano pa ang magawa niya sayo. Nagaalala ako!"

Hininto niya yung sasakyan at binigyan lamang ako ng tipid na ngiti.

"Easy lang babe, haha diba dapat ako yung namomroblema niyan? Look, ang saya saya ko pa nga ngayon dahil kasama kita"

Pilit na nagsisink in sa utak ko lahat ng sinasabi niya. Seryoso ba siya? Hindi man lang natatakot or what. Tinanggal niya yung seatbelts na nakakabit sakin at lumabas narin siya ng sasakyan na para bang wala lang sakaniya yung mga sinabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinagmamasdan ko lamang yung mukha niya, pero tanging ngiti lang ang nakita ko dun. Wala man lang akong nakitang takot.

"Come on babe, tara na. Aayusan ka pa.Ngumiti ka nga,itsura mo oh hahaha"

Napabalik ako sa realidad nang magsalita ulit siya. Inirapan ko nalang siya bago bumaba ng sasakyan. Bahala siya dyan, basta ako nagtatampo pa ako sakaniya. Masama ba kung inaalala ko lang yung kapakanan niya?

Alam kong nakasunod siya sa likod ko. Papasok kami ngayon sa isang mansyon, Huli na ng marealize ko na kanila Kuya Jake pala kami ngayon. Agad agad akong pumasok sa loob at hinanap si Tita Sandy. Mukhang siya pa ata magaayos saakin ngayon. Professional kasi si tita Sandy sa mga fashion and make up. And I guess, mukhang siya pa ang magdedesisyon ng magiging itsura ko ngayon.

"Titaaaa"

"Sophieeee , pamangkin ko"

Nagyakapan kami sa isat isa ni Tita Sandy. Sobra naming namiss ang isat isa.Minsan nalang kasi ako makadalaw dito kasi syempre alam niyo naman this past days sobrang dami talagang nangyayari sa buhay ko.

"Namiss kita pamangkin ko. T-teka naligo ka na ba? Aayusan na kita, ikaw nalang ang hindi pa naayusan" hinahagod hagod pa ni Tita Sandy yung buhok ko. Chine-check kung basa ba buhok ko or what.

Hindi naman gaano ka tandaan si Tita Sandy. May edad lang, pero kahit ganun, marunong parin siyang makisabay sa mga uso. Para nga siyang isang dalaga parin e, di mo mahahalata na may asawa't anak siya kase sobrang ganda parin niya hanggang ngayon.

"Kanina pa po ako naligo kaya tuyo na buhok ko. Tara na tita ayusan mo na po ako"

Umakyat narin kami sa taas. Malaki din ang bahay nila tita Sandy kasi foreigner yung asawa niya. Kaya nga kung mapapansin niyo na may lahi din si Kuya Jake. May ibat ibang rooms and I think specifically may 4 rooms kaming nadaanan at papunta kami ngayon sa room kung san doon niya ako aayusan.

"Shit"

Naalala ko si JM. Hindi ko man lang siya nilingon kanina. Hindi man lang ako nagpaalam. Kaya naman bumalik ako ulit dun sa sala. Naabutan ko lang siyang prenteng nakaupo sa sofa habang nagcecellphone. Ewan ko ba, ang lakas talaga ng tama niya sakin kaya kinikilig ako tuwing makikita siya kahit na 'yan lang naman ginagawa 'nya. Gwapo'ng gwapo talaga ako sakaniya,putragis!

"BABEEEEE"

Napalingon kaagad siya sa kinaroroonan ko. Nagtataka yung itsura niya, nagtataka siguro kung bakit bumalik ako.

"Diba aayusan ka na?"

Hinahalik-halikan ko siya sa kahit saang parte ng mukha niya. Nang-gigil ako sa kagwapuhan niya. Yakap na yakap din ako sakaniya ngayon. Inaamoy ko buong katawan niya at napakabango talaga niya. Kinikiss ko pa siya sa leeg, mukha, labi, ilong at mata.

"W-what the... Babe stop it. Ughhhhh.Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil ngayon"

Napatawa nalang ako sa inasal niya. Kaya naman humiwalay na din ako sakaniya sa pagkakayakap at itinigil ko narin yung paulit ulit na pagkiss sakaniya.

"Hehe sorry na. Babe sorry nga pala sa kanina. Nagaalala lang naman ako sayo kaya nagtampo kaagad ako"

Actually narealized ko na hindi ko siya kayang tiisin. Tuwing may di kami pagkakaunawaan, saglit lang ako nagtatampo, then after nun hinahanap hanap ko na siya kaagad. Mahal na mahal ko talaga 'tong mokong na 'to.

"Hays buti nakapagpigil pa ako. Hahalikan narin sana kita e kaso nasa bahay pala tayo ng tita mo. Kailangan kong magpaka good boy, you know"

Sinapak ko nga.

"Baliw ka talaga"

"Sophieeee tara naaa" sigaw ni tita mula sa taas.

Tumingin lamang ako sa taas pero binalik ko narin ang atensyon ko kay JM. Magsasalita na sana ako nang magsalita na sya.

"Babe yung kanina, wag ka ng magalala okay? Magiging okay din ang lahat. Nandito lang ako palagi para sayo. Ayokong nagaalala ka. Kaya nasabi ko sayo yung kanina kasi gusto ko, may alam ka din sa mga ginagawa kong desisyon. Wag ka ng magaalala. Di naman ako mawawala. Di naman kita iiwan"

Niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam na ramdam ko rin ang paghalik niya sa noo ko.

****

MERRY CHRISTMAS GUYS 😘

Maya pong 12 yung next Ud. Hina pa kasi ng net hehe.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon