Chapter 2❤

6.5K 175 3
                                    

SOPHIE'S POV

"Ano ba iyan, aalis na nga ako nakakatamad namang makinig sa mga rules and regulations na yan. Inaantok nako jusko!" Mahikab hikab 'kong sabi. Eh paano naman kasi yung kapatid ng ex ko ay este yung new elected president pala namin...Ang daming sinasabi, mga rules and regulations daw na di pwede at bawal gawin, basta mga ganern ganern -_- .

Nakakaantok 'sya magdiscuss, jusko!

"Ano ba Sophie dito muna tayo atsaka naglilibot pa mga SSG oh. Teka nga lang bakit ba bagot na bagot ka na, eh tignan mo mga tao oh, tutok na tutok kaya sa mga sinasabi ng supremo!"

Tinignan ko naman yung tinutukoy niya at tama nga siya napansin ko din na halos lahat ng babae eh titig na titig sa president namin habang nagsasalita.

Malamang eh campus hearthtrob yan. Dyusko naman!

Tinignan ko ang mga SSG na naglilibot. Bakit kaya ganoon? Bakit puro mga lalaki na yung SSG? Ayan tuloy mahihirapan akong makatakas neto, di tulad ng SSG dati na talagang nakakatakas pa ako kasi puro sila mga babae.Numero una pa nga ako sa may records sa school eh. Hihihi. Atleast kahit dun lang, naranasan kong maging top one 'noh!

"And last for our rule, is No to Relationship. All couples must break their relationship as soon as possible. To have in a relationship, may be a hindrance to our studies thats why it will be now strictly prohibited to our school. Starting from now on,Love wouldnt exists in our campus anymore. Thats all for today, all students of Eastwood Academy may now leave the gymnasium!"

Halos lahat siguro ng estudyante dito sa gymnasium ay nagulat sa huling rule na sinabi ng aming Supremo.

Kahit ako rin naman, hindi makapaniwala. Kung nagkataon, ang school lang namin ang kilala 'kong school na ipinagbabawal ang magboyfriend at mag-girlfriend. Tapos yung idagdag mo pa yung mga couple rito, yung iba mga nagda-dramahan na, pero sa ngayon kasi ay nawala sakanila ang atensyon ko.

Kasalukuyan kong tinitignang naglalakad lang lahat ng SSG officer habang nasa unahan ang pinaka supremo namin na si JM Dela Fuente. Pansin ko na sa bawat lakad nila ay pawang nahahati sa gitna ang kanilang dinadaraanan.

Kung itrato naman ng mga tao yang mga asungot na yan kala mo mga dyos! Syempre eto naman silang akala mo mo mga siga sa daan kung makapaglakad!! Grrr!! Kung para sakanila ay nakakalaglag ng panty ang mga gwapo'ng pagmumukha nila pero para saakin HINDI 'NO!

Aanhin mo ang gwapo'ng pagmumukha kung sagaran naman sa sama ng ugali. Single man ako at walang boyfriend(malamang kakabreak lang sa hayop na JD na yon) at hindi magiging affected sa bagong patakaran ng school. Eh marunong parin ako makiramdam 'noh. Paano nalang yung mga couples na inabot ng ilang taon sa relationship na iniingat ingatan nila at magbebreak lang dahil sa walang kwentang patakaran ng school na 'yan? Diba! Asan ang hustisya?!

"Huy okay ka lang ba? Nakikinig ka ba sa kinukwento ko?!"

Nagising diwa ko nang bigla tuloy akong batukan ni Katrina.Kasalukuyan na kasi kami ngayong naglalakad pabalik sa mga classrooms namin.

"Ah eh ano. Oo nga tama kayo!"

Sumangayon nalang ako kahit na di ko alam sinasabi nila.

"Kaya nga eh, Aish. Tama lang na ipatupad ni Supremo yon kasi para sa ikakabuti din ng academy 'yon. Atsaka isa pa wala namang forever uy, paniguradong maghihiwalay din yang mga yan, pinaaga lang ni supremo yung break up ng mga couples dito sa academy!"

Yan ang mga naririnig ko sa pinaguusapan nila.

Kung sila sangayon, ako hindi!

Aba porket mga crush lang nila yung mga asungot na yon. Bwisit talaga grr!!

Iginala ko na lamang ang tingin ko sa buong campus at halos lahat ng nakikita ko ay ang mga magjowa na nagiiyakan na, siguro yung iba sakanila magbebreak na dahil nga sa pagbabawal ng Supremo namin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip.

'Dapat ba talagang katakutan ang supremo kahit na nakasalalay dito ang sarili mong kasiyahan?'

''Guys aalis na muna ako ah?may pupuntahan lang ako!"

Naririnig ko 'pang tinatawag nila ako pero di ko na sila nilingon, abat wag nilang sabihin na sasama pa sila saakin.

Dumeretso ako sa parking lot at pinaharurot na ang kotse ko. Matawa tawa tuloy ako dahil nakita ko pang jumijingle sa gilid ng gate yung guard kaya tinake advantage ko talaga iyon para makatakas palabas ng gate.

Hihihi. Unang record, nagkalat sa garden. Pangalawa, nagcut ng class. Pangatlo, tresspassing sa kabilang school. Well definitely i dont care, because this is how my life goes on.

_______________

Nang makarating ako sa Campus High, ang school na mahigpit na karibal ng school namin eh agad ko talagang hinanap si JD. Kahit naman na sinaktan lang ako ng lalake na 'yon, ay mahal na mahal ko parin 'yon. Ganun naman talaga pag mahal mo ang isang tao diba? Kahit gaano ka-gago man ang ginawa niya sayo, darating sa point na handa ka 'paring magpakatanga.

And now? I just badly miss him so much.

Natigilan ako sa paglilibot nang makita ko siya. Hindi nga ako nagkakamali at iyon siya. Naglilibot habang hawak hawak ang logbook. Well, hindi na siguro ako dapat magtaka dahil obligasyon naman ng mga supremo yan.

"JD!" sigaw ko at halos di mo maipaliwanag yung ekspresyon niya nang makita ako.

Shet! Ang gwapo talaga niya.
"What are you doing here? Get out of here now"

Halos mabali na nga kamay ko sa pagkakahawak mo JD, sinasaktan mo pa ako gamit ng mga salita mo.

"I just miss you baby!" i joyfully said.

"Please Sophie? Get out of my fucking life! Were fuckin over for petes sake!"

Di na ako nakapagsalita.

Ang sakit sa part yung ikaw umaasa pa, tapos sya tinataboy ka na. I know i may be that fool, but god... i still love him.

Tinignan ko siya habang papalayo saakin, eksaktong recess kaya naglabasan na ang mga estudyante.. ngayon ko lang tuloy naramdaman ang sakit ng mga sinabi niya saakin.

'Aasa pa ba ako na babalik siya? Kung sa kilos palang niya pinapakita na niyang wala na talagang pagasa?'

Nang makita ng mga taga Campus High ang suot kong uniporme ay halos ikasuklaman nila ako.

Pinagbubulungan at pinagtitinginan. Dapat ko na sigurong asahan na ganyan ang magiging reaksyon nila, lalo na't magkakalaban ang mga schools lalo na sa pagitan ng school ko at sa school kung nasaan ako ngayon.

"Fuck! What are you doing here Sophie. Come on, lets go!"

Huli kong alam 'eh, hatak hatak na ako ni Harell palayo doon. Pati luha ko, hindi ko naring mapigilang tumulo. Hayys, ayoko ng masaktan. Please lang, pagod na akong maramdaman ang ganito.

After a couple of minutes ay nakarating na pala kami sa school ko. Si Harell kasi ang nagdrive ng sasakyan ko, ako naman ay wala na sa sariling nagiisip ng mga bagay bagay at inaalala ang mga sakit na mga salitang binitawan ni JD saakin. When we arrived at my school, ay siya namang tinginan ng mga ka schoolmates ko sa taong kasama ko.

Recess narin pala saamin at matinde pa ay nakita pa nila akong kasama ang taga kabilang school. And worst ay taga Campus High pa, ang Campus High kung saan mahigpit na kakumpitensya ng school namin.

"Im sorry harell if Im breaking the rules. Hindi ko lang talaga kaya na hindi siya makita. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagtataboy niya sakin, ay heto parin ako handang magpakatanga sakaniya at handang tanggapin siya once na bumalik siya saakin"

Halos manlaki mata ko nang yakapin niya ako.

"Dont just focus on him Sophie, I just want you to know that there is someone who loves you more than as your ex can do"

*****
A/N: mwehehehe hello sa 10 readers salamat sainyo. Mahal ko kayo

JUST VOTE AND COMMENT FOR NEXT UD.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon