Chapter 17❤

4K 126 6
                                    

SOPHIES POV

Damn this boy! Nagpapakilig ba siya?! Kasi kung nagpapakilig siya, napakaeffective talaga.

Automatikong napabitaw ako sa pagkakahawak kay Supremo nang magvibrate yung Iphone niya. Mukhang may tumatawag. Siguro mga tatlong ring noong sinagot nya ang tawag.

(Supremo may gulo po dito sa field)

"Let them kill each other"

Ibinababa narin niya ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyan.

"Huy di mo man lang ba pupuntahan 'yun?"

"Wala ng bago sa pakikipagpatayan sa kalaban"

Namilog mata ko dahil sa sinabi niya. Grabe naman 'tong Supremo na to. Aish! Pero oo nga nman may point siya kahit papaano. Imagine that? Kahit kailan talaga, gusto ng mga head na pinagaaway ang dalawang magkaribal na schools. Gusto nilang makakita ng patayan. Gusto nilang makitang may natatalo.

"But..."

"No buts. This is our date!"

Hanudaw?

Dahil doon ay--Hinatak na lamang ako ni Supremo papunta sa pinaka open field ng academy namin. Dito kasi nakatayo yung mga booths atsaka mga marami rin ditong mga vendors na nagtitinda. Kung papansinin ay may mga ibat ibang studyante din rito galing sa ibat ibang school. Open gate kasi kaya hindi pinagbabawal ang mga taga ibang school. Atsaka isa pa, kasama 'to sa nabasa kong announcement remember? Isang buwan na puro program and activities ng school. Hayy, Sana araw-araw nalang ganito >_<

I took a deep thought. Kung pagmamasdan mo kasi sila ngayon ay tila ba napakasaya talaga nila, pero I have that doubt na baka hanggang ngayong araw lang din ang pagkakasundo ng mga schools dahil sa rivalry and ranking 'nga.

"What do you want to eat?"

Umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko nang akbayan niya ako. Para ngang wala lang sakaniya yung pag-akbay saakin 'eh. Tch! Kung para sakaniya wala lang ang pagakbay niya saakin, Pero 'te para saakin, BIG DEAL IYON! Like motherfucker, kinikilig ako!Geez! Ang lakas ng boltahe ng kuryente!

"Uhm--I-ice Cream?"

For the second time, hinatak na naman niya ako papunta dun sa nagbebenta ng mga ice creams. Ang daming taong bumibili pero nung nakita nila si Supremo 'eh, halata mong nagsikislapan agad yung mga mata nila, pero at the end eh nahati rin naman sila sa gitna habang binibigyan kami ng daan ni Supremo.

Napayuko na lamang ako habang hawak hawak ni Supremo yung kamay ko. Nahihiya kasi ako sa mga tao. Di ko alam kung anong klaseng mukha ba ang pwedeng iharap ko sakanila. Natatakot at nahihiya ako at the same time. Athough hindi ko alam kung anong status naming dalawa sa ngayon, naisip ko na rin na I think di ko deserve si Supremo. Masyado kasi siyang angat at sikat...samantalang ako normal na tao lamang na nabubuhay sa lipunan. Magkaibigan lang siguro kami para sakaniya and Im deadly sure about it.

"Supremo ano po sainyo?"

Tanong ni manong. Diba dapat matanda ang ginagalang? Eh bat....Ugh! Nevermind.

Tumingin si JM saakin habang nakataas ang kilay.

"Ano daw gusto mo?!"

"Eh ikaw kaya tinatanong"

"Give me two Buko Salad flavor daw "

Biglang sagot naman ni Supremo 'doon kay Manong. Binalik nya tingin niya saakin habang nakangisi pa ang loko. Halos mapabilog tuloy ang mata ko dahil sa sobrang 'di makapaniwala. SHETE! Paano niya nalaman na paborito ko yun? Mind reader ba siya?

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon