Chapter 9❤

4.4K 121 4
                                    

SOPHIE'S POV

Pagkalabas namin ng clinic ni Supremo ay dumeretso narin ako sa room ko. Pagkarating ko sa room. Nilapag ko agad sa upuan yung bag ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at napansin 'kong marami rami na rin pala silang mga kaklase ko na nandito, kadalasan ng iba sakanila ay mga naggagawa pa ng mga assignment . Diba yung assignment sa bahay ginagawa? Eh bakit sa school nila ginagawa? Ay, nako Sophie! Buti nga sila may assignment, eh ikaw Sophie may assignment ka ba? Sabi ko nga wala. Pero infairness ang bilis ng oras 'ah. Ang tagal na pala naming nagusap ni Supremo kanina sa clinic.

Dahil di naman ako mapakali ay lumabas ako ng room. Malaki laki din kasi ang campus namin, no wonder kung bakit nangunguna ito sa lahat ng prestigous school dito sa buong Pilipinas. Marami ding magagaalan, may mga bench, garden, rooftop,at park. As in kompleto na lahat, pero ewan ko ba iba ang hinahanap ng mata ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko yung mga SSG officer sa pinaka entrance ng school namin. Sila Drake, Patrick, Si kuya Jake at pati si S-supremo. Nakatayo lang sila ng tuwid doon pero sobra nang kinatatakutan ng mga estudyante. Halos lahat tuloy ng mga napapadaan doon, ay yukong yuko talaga naglalakad. After nilang ipakita yung Id, halos takbuhin tuloy nila papasok ng loob. Nakakatawa pa nga yung mga ibang babae e,kasi halatang nagpipigil pa ng kilig. Yung iba tinatakpan pa yung mukha na akala mo'y takot na takot magpakita kanila Supremo. Kung dati eh, magkakasama na pumapasok ang mga estudyanteng magjowa, ngayon pinaghihiwalay na nila ang mga ito at binabalaan.

Remember the No Relationship Policy?

Naisip ko nalang na bakit kaya ginagawa ito ni Supremo? Nakakabuti ba talaga para sa mga tao kapag naghiwalay sila? O sadyang may pinaplano lang siya?

Naaawa tuloy ako sa mga magjowa na pinaghihiwalay nila. Mas masakit siguro yung nararamdaman nila, kasi sila kahit mahal nila ang isat isa 'eh pinaghihiwalay na kaagad sila, eh kung ikukumpara saakin? Para 'ngang ako na nga lang ang may gusto na ibalik ang meron saamin dati ng ex ko 'e.

Pero bakit ganun, ganun nalang kalaki ang takot nila pag si Supremo na ang nagbigay ng utos?

Nakita ako ni Kuya Jake, hanggang sa lahat na sila at pati si Supremo ay lumingon narin sa kinaroroonan ko. Di ko alam pero maski mga paa ko 'eh tumakbo nalang palayo doon. Siguro dahil nakakailang silang tumingin? Nakakatunaw?

"Hoy bes saan ka pupunta!" Narinig kong pahabol na sigaw ni vianca. Aish. Mamaya nalang siguro ako makikipag chismisan sakaniya. Nagtaka naman si Vianca ng bigla akong tumakbo palayo. Iniisip siguro nun na nabaliw na ako. >_<

Maya maya lang namamalayan 'kong sa gymnasium na ako dinala ng mga paa ko, eksakto naman dahil dumating narin ang coach namin kasama ang mga ibang volleyball player. Nakarating ako dito nang wala man lang dalang gamit na kung ano, tapos naka uniform pako -_-

Nang makita ako ng ibang kateam mates ko ay nagbow sila saakin. Nakakapagtaka naman ng makita ko ang itsura nila grace, trix at denice. Lahat sila nakayuko at para bang hiyang hiya saakin. Di nga man lang nila ako nililingon 'eh, hindi tulad dati na ako kaagad ang puntirya nila once na makita nila ako.

"Girls, may mahalaga daw na announcement ang ating supremo. Siguro hihintayin nalang muna natin siya bago tayo magsimulang magtraining!" Pambungad ng coach namin.

Na kanila grace parin ang tingin ko at simula ng marinig nila yung pangalan ni Supremo ay halos sabay silang tatlong kinabahanzn at mas lalong namutla.

Nakakapagtaka nga 'eh, dahil hindi ko na makita sa mga braso at mukha nila yung mga pasa at sugat na nakita ko kagabi.

Hmm?

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon