Chapter 4❤

5K 148 1
                                    

SOPHIE'S POV

"SOPHIE ALBERT MARTIN!"

Narinig kong tawag saakin ng mga SSG Officer. Kahit lalaki sila mas mabilis parin akong tumakbo 'noh.

Kung nagtataka kayo, as usual, lumabag na naman ako sa rules and regulations ng school. Si Supremo kasi pinapalinis saakin yung buong garden na pinagkalatan ko raw kanina, ano ako utusan? Nagbayad pa ako ng tuition kung ako rin naman yung gagawin niyang janitor.

Hindi 'sya chicks, kaya mamahinga 'sya dyan!

Imbes na maglinis ay tumakas na lamang ako at iniwan ko nalang din doon yung mga pinapalinis niya saakin. Kasalukuyan rin akong hinahabol ng mga ibang SSG Officer.

Hala sige takbo lang sophie!

"Pucha! Magsitabi kayoo!"

Pinagtutulak ko yung mga tao na nakaharang sa hallway, kitang may tumatakbong dyosa tapos haharang harang sila! (Shocks, sakit nila sa bangs). Lumingon ulit ako sa likod ko at konti nalang ay maabutan na nila ako pero kingina!

Tumama ako sa pader?

Huh? Pader?

Paglingon ko ay lalong nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kong...

Si Supremo pala ang nabunggo ko.

Halos manginig tuloy buong kalamnan ko, dagdag mo pa yung nakakamatay nyang mga tingin.

"Do you think you can just easily escape me huh?!"

"Ah eh---ano kase" sabay kamot sa aking batok.

Tumigil sa harap namin ni Supremo yung mga humahabol saakin kanina at halos lahat pati sila ay napahawak sa mga tuhod nila. Ilan sakanila ay naghahabol pa ng hininga. Sus! Ang dami dami nila tapos ako magisa lang, ang hihina pala nila 'e. Basic!

"Grabe supremo, babae pa ba yan, Kebilis bilis tumakas!"

Napalingon ako doon sa nagsalita.

"Hoy grabe ka! Babae ako uy. Halikan pa kta dyan eh!"

Napailing nalang siya habang matawa tawa dahil sa sinabi ko. Tapos si supremo naman ang lalim ng tingin sakin pagkasabi 'kong iyon. Teka may sinabi ba akong mali? Wala naman diba? Atsaka tama naman pagkakasabi ko ah? Ayaw kasing maniwala nung 'isang SSG na babae ako. Badtrip!

"Lets go. Si Supremo na bahala dyan, tambak pa tayo ng trabaho sa ssg office!"

Napairap nalang tuloy ako sa mga 'to. Akala mo naman ang bigat bigat ng kasalanan ko, 'eh tumakas lang naman ako.

Pagkaalis nila ay nagulat na lamang ako nang hilahin na ako ni JM ay este supremo pala papunta sa garden? Pansin ko lang, bakit ang hilig talaga mang-hila ng tao na 'to.

Pagkarating namin sa garden eh binitawan na niya 'rin kamay ko. Aww. Sayang, nageenjoy pa naman akong humawak sa kamay niya. Paano naman kasi, napakalambot. Nakakaenjoy tuloy makipag-holding hands. ^_^

"Clean your mess, weird girl!"

Umuwang labi ko dahil sa sinabi niya! Aba!! "Gago to ah! Weird girl na naman! Hindi ako weird na as in alien 'noh!!"

Nagulat naman ako ng naglabas siya ng maliit na notebook at ballpen mula sa bulsa niya.

"Hoy JM ano yan"

"Cutting classes, tresspasing, bad words, disrespect to the Supremo,--" patuloy parin niyang sinasabi habang sinusulat 'yon sa maliit na notebook, ngayon alam ko na kung para saan yon.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon