Chapter 20❤

4K 127 4
                                    

SOPHIE'S POV

"Everytime Im with you, I feel so complete!"

*****

Pa-pungay pungay  pa ang pagkamot ko sa mata ko. Pahikab hikab  pa akong napatayo sa higaan. Pero laking gulat ko naman nang mapansin 'kong nasa isang kwarto na ako? Teka--Kanino 'to?

Shit!

Tinignan ko ang buong katawan ko at buti na nga lamang 'eh buo pa 'to at wala man lang kahit na  anong bakas ng pangaalipusta saakin...

Wait---What?! Kanina lang kasama ko si Supremo 'ah? Asan na 'yun kulugo na 'yon?! Akala ko tuloy dinakip na ako ng isang sindikato at ibinenta na ang laman loob ko. Shocks! Ayaw pa 'tu mamatay, ang aking dyosang fesluck. No way!

Tumayo ako sa sobrang pagmamadali, actually para siyang unit sa isang condominium? I am not sure pero parang 'eh. Currently---Hinahanap ko lang yung cellphone ko, alam niyo ba sobrang kalat dito...puro siya mga bagahe at maleta, dahil di ko naman nakita yung phone  ko dito sa kwarto 'eh lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang sala, buti nalang at nakita ko kaagad na nakapatong sa mamahaling kulay black na sofa yung iphone ko.

"Salamat sa dyos at nakita na kita!" kiniss ko pa ang screen ng phone ko sa sobrang tuwa. Nasanay kasi ako na nasa tabi ko lagi yung phone ko, kumbaga nasanay na ako na sa tuwing paggising ko 'eh magbubukas kaagad ako ng account ko sa mga social media tapos mag-share ng kung ano 'anong memes sa facebook. And thats the reason why I cant leave without my phone!!!

Pagkabukas ko ng phone ay bumungad na  kaagad saakin ang sangkatutak na messages galing kay mama at kay Vianca. Well ano pa ba ang aasahan?simula nang magbreak naman kami ni JD 'eh sila nalang yung laging nagpapasabog ng messages ko, ay wait, isama pa pala natin yung smart alert. :(

Sinampa ko yung isang paa ko sa center table dito habang nagbabasa ng mga messages. Napailing nalang tuloy ako sa ka-OA ng dalawang pinaka importanteng tao sa aking buhay.

Mama is calling...

"Mama. Imissyouuuu!" sigaw  kong  bungad kay mama sa kabilang linya...

"Asan si  JM, gusto ko siyang makausap, nako namiss ko na yung bata na yun, magingat kayo jan sa korea ha? Wag lilingon sa ibang oppa, atsaka nga pala wag ka magalala dahil ipinagpaalam ka na saakin ni JM!"

Hanubayan! Hanapin ba naman si  Supremo kaysa sa sarili niyang anak, ayan tampururot na tuloy ako.

"Mama naman! Anong korea ka dyan, nandito lang kami sa pilipinas!"

"Ang kulit mo, sabing nasa Galleria Foret kayo, seongsu-dong northeastern part of seoul. 3.5 million hanggang 5.1 million ang bayad dyan 'oh ano tignan mo pa!"

Kung nagtataka kayo--Ganito lang talaga kami magusap ni  mama, yung tipong sigawan na ba. Normal na kasi saamin ang ganito, na kung magusap 'eh para 'bang magkapatid lang kami.. Hindi narin ako nagtatampo kay mama kahit na ano 'man 'yung naging past naming dalawa since naaalala 'kong nanay ko parin sya, kahit ano mangyari ay magulang ko parin talaga sya. Ganoon naman talaga diba?

Halos takbuhin ko ang glass window dahil sa sobrang curiousity. Si mama kasi masyadong nakakagulat, nandito ba naman daw ako sa Korea?! Nakakaloka. Pagkaopen ko ng kurtina ay saka lang ako sinampal ng katotohanan kung nasaan ba talaga ako ngayon.

Kadalasan kasi pag nasa pilipinas ka, sasalubong kaagad sayo ang kaliwat kanang ingay ng mga sasakyan at mga polusyon galing sa mga tambutso, kaso ngayon iba 'eh, ang ganda talaga sobra! Tapos ang linis linis pa, tanaw mo pa dito yung mga naggagandahan at nagtataasang buildings.

HOLY SHIT! Korea na ba 'to? Totoo bang nandito na ako sa dream destination ko? Nandito na ba talaga ako sa bansa kung saan nakatira ang mga OPPA?

If this was a dream, I wont wake up anymore.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon