Chapter 12❤

4.1K 114 1
                                    

SOPHIE'S POV

"Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?"

Automatiko akong napabalik sa realidad ng magsalita si Supremo. Mali to! Ayoko munang magisip. Masyadong naiistress yung beauty ko.

(Stress lang, walang beauty)

Siguro naman, ang lahat ng katanungan ko ay may kasagutan. I think it is better if I wait for that time to come.

Tinitigan ko si Supremo na nakatayo sa harapan ko habang nakacross arms at naka poker face.

"Akala ko ba gutom ka? Eh bat ako ang pinapakain mo dito?!"

"Wag ka nang magtanong. Nag iinarte ka pa. Kumain ka na nga lang dyan!"

Aba! Ginagalit ako ng supremong gangster na 'to. Kaya kagaya niya ay nagcross arms rin ako at tinaasan ko rin siya ng kilay. "Hindi kaya....Ito ang paraan mo para lasunin ako? Tapos....Rarape mo ko?!"

"Napaka taba ng utak mo babae. Pinapakain kita kase lilinisin mo pa ang buong academy mamaya! Pasalamat ka nga dyan at pinapakain pa kita, bago kita 'gawing alipin e!"

WHAT THE!

Grabe naman 'to. Hindi na nga ako nagpapasaway sa school tapos hindi narin nadadagdagan yung bad records ko,tapos tuloy tuloy parin ang punishment ko. Kabanas lang ah!

"We have a contract! And I just want to remind you that's there's no turning back, my slave! Prove to me that you can do it!"

Inirapan ko nalang siya at kinain narin ang pagkain na inihain niya saakin. Grrr, mukha ba akong kulang sa aruga at bakit lagi nalang niya ako pinapakain?!

May adobong baboy, chicken curry tapos unli rice. Tapos may dessert pa and whaaaaa, May fries pa! Syempre si ako naman 'tong hindi na inuna pa ang pride at kinain na lamang ang pagkain na nasa harapan ko. Sayang naman kung di ko kakainin diba? Dapat we must treasure each blessing we received from God. Shet! Napa english na si lola mo.

Pero hmmm. Ang sarap naman magluto ni Supremo, di ko nga alam kung papasalamatan ko ba siya o hindi. Nasanay kasi ako kay mama na pinagluluto kaya siguro nasanay narin ako na hindi nagpapasalamat tuwing hinahainan ng pagkain.

"Thank you, Supremo"

"JM will do. Remove that Supremo"

Wait, seryoso ba siya? 'Eh pagkakaalam ko, hindi siya pumapayag na tawagin siya ng ibang pangalan lalo na kung hindi niya close. Parang nung naglinis ako sa garden, tinawag ko syang JM kaya galit na galit sya. Ibig sabihin ba nito--magkaibigan na kami? "Omggg! Seryoso ba 'to? Friends na tayo?"

Umiling iling lang siya habang matawa tawa. Hindi siya nagsalita pero I think, enough na yung reaksyon niya para malaman ko kung ano ang sagot. Silence means yes.

Jusqo. Ang sarap talaga ng mga niluto nya. Pwede kayang mag-uwi nito mamaya sa bahay?

"Supremo ang sarap naman nito!"

"Dont talk when youre mouth is full!"

"Eh sorry naman. Hahaha. Supremo?!"

"Oh?"

"Nakakahiya na magdagdag hehehe!"

"Nahiya ka pa 'eh nakapagdagdag ka na nga"

Napaface palm nalang tuloy ako sa sinabi niya. Sana pala di nalang ako kumain dito kung susungitan lang pala niya ako, nako! Wala na , natrauma na ako. Di na ako kakain pag nagluto ulit si Supremo.

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon