Chapter 40❤️

2.8K 62 2
                                    

SOPHIE's POV

10 minutes after kong naisend yung message na yun kay JM. Di parin talaga ako magka-andugaga sa paghahanap ng nawawalang cellphone. May centimental value kasi para sakin ang cellphone na iyon. Nagaalala ako kasi may mga importanteng bagay akong naka save dun sa phone ko. Kahit na binilhan ako ng bagong cellphone ni JM, kahit mamahalin pa itong binili niya para sakin, iba parin talaga yung dati kong cellphone. Ang dami ko nang memories dun eh.

Si mama at si JM lang naman kasi ang alam kong pwedeng kumuha ng phone ko na yun.

"Mama sigurado ka bang wala ka talagang nakitang cellphone ko dito? Diba alam mo naman itsura nun"

Nilingon ko si mama na kasalukuyan lumalamon pa ng popcorn habang pinapanood ako.

"Tanungin mo si boylet mo! Siya lang ang alam kong nagbantay sayo magdamag habang natutulog ka"

Nagtaka naman ako. I-ibig sabihin nung nalasing ako, magdamag niya akong binantayan at di man siya natulog? Putspa! Ano ba kasi nangyari sakin nung nalasing ako? Wala talaga akong maalala promise! Grabe pa naman ako malasing, baka kung ano ano na nagawa ko kay JM. Nahiya tuloy ako bigla.

"B-bakit niya naman kukunin cellphone ko?"

"Malay ko. Hala teka lagot ka anak! Baka naman may nakita siguro siya sa cellphone mo tapos pinagselosan niya!"

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni mama...t-teka wag niyang sabihin na si JD ang tinutukoy niya. B-baka tumawag si JD sakin that time tapos nakita ni JM. Pero kahit na, kung nakita niyang tumatawag sakin si JD hindi parin sapat na dahilan yun para sobra sobra niyang pagselosan ang kuya niya. He's only my ex for the pete's sake!

"What's happening here?"

Nawala ako sa pagiisip nang makita ko si JM na bagong dating. Nakatayo sya ngayon sa pintuan ng kwarto ko kaya kinuha ko narin ang chance na yon para makipagtitigan sakanya.

"Speaking of your boyfriend, ayan na pala si JM oh. Sige na maiwan ko muna kayo, magluluto pa ako ng makakain niyo"

Umalis narin si mama sa kwarto ko. Mukhang nafeel siguro ni mama na kailangan namin ni JM ng privacy para magusap.

"What happen here? Your room looks so messy"

"H-hinahanap ko kasi yung cellphone ko"

Iniwas ko ang tingin ko sakaniya at tinuon na lamang ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit na pinagkalatan ko habang naghahanap kanina.

"Do you mean your cellphone? The one that I bought for you? Why? Is it missing?"

Umiling ako sakaniya at nagpakawala ako ng napaka lalim na hininga para harapin siya. Kailangan ko siyang komprontahin, ayoko ng lumaki pa tong away na to.

"Hindi iyon. Yung dati kong cellphone bago mo ako binilhan neto. JM, kinuha mo ba iyon?"

"Yeah. I take it, but what's the problem about that? I already buy you a new one, and much expensive than your old phone"

"Wala akong pakialam JM kung mas mahal man ang pagkakabili mo! JM naman! Alam mo naman na yun nalang ang remembrance ko kay papa bago siya umalis diba! Bat mo naman kasi kinuha! Kahit na may nakita kang convo namin ni JD hindi ka parin dapat nagselos! Ex ko na siya hindi naman ibig sabihin nun na mahal ko parin sya! Come on JM, dipa ba sapat na ikaw na ang boyfriend ko!"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon