Chapter 13❤

3.9K 116 3
                                    

SOPHIE'S POV

"May himala! Ahmmm"

Pinagmamasdan ko lang yung isang lalaki dito na I think 'eh, sophomore siya. Nagpapractice ata ng declamation. Aba malay ko kung anong tawag nila doon.

Kala ko ba naman kung ano na.

Inubos ko lang yung kape then umalis narin ako sa library, hindi pako nakakabasa ng libro nang napagdecide kong umalis na. Si kuyang nagdedeclame kase 'eh, ginulat ako ayan tuloy nawalan na ako ng ganang magbasa ng harry potter!

I looked at my watch. 4:00 P.M. Wala na sana akong gagawin kung hindi ko lang natandaan yung sinabi ni Supremo na kailangan ko daw linisin yung buong academy bago umuwi. Nakakakaba yung pinaguutos, ginawa ba naman akong robot! Anong sa tingin niya saakin. Hindi napapagod?

"Saan muna kaya ako 'pwedeng pumunta?!"

Hmm? Ayoko rin 'namang umuwi. Atsaka ayoko ding magpakita kay mama. Lagi nalang ako ang pinapagalitan at sinesermunan 'non. Sawang sawa na kaya ako kung alam niyo lang. Lalo na yung mga gawaing bahay, ay jusko ang hirap talaga pag nagiisang anak. Walang mautusan na iba kundi ako lang talaga.

Hays wawa naman si aquoeh. >_<

"Girls tara na sa soccer field. Dalii" -girl 1

"Omy. Tara na bilis!" -girl 2

Eh? Anong meron sa soccer field.

Nakakapagtaka naman dahil halos lahat ng babaeng nakatambay dito sa hallway 'eh nagsitakbuhan at nagsialisan. Mga natira nalang dito ay puro mga lalaki. Yung mga lalaking nagdidribble, nagkukwentuhan at yung iba nagbabasa pa ng libro. As in totally na-washout talaga...totally walang natirang ni-isang babae.

"Bes! Tara na sa soccer field dali!"

Wala na akong nagawa dahil hinatak narin ako ni Vianca. Teka---Bakit di niya kasama si Katrina? Atsaka, Kamusta na kaya yung babae na 'yun? 'Eh yung naka benda niyang braso kanina, magaling na kaya?

"Huy dahan dahan naman sa paghatak Vianca. Kanina pa ako hinahatak kung saan saan,, namumula na yung kamay ko oh!"

"Arte mo. Ang lambot lambot ng kamay ko kaya!"

Inirapan ko nga

"Hoy Vianca. Malapit na ba tayo?!"

Hingal na hingal na kasi ako. Actually--Kanina pa kami takbo ng takbo. Tapos yung sinasabi nyang soccer field 'eh malayo pa dito sa pinaka academy. Malawak kasi ang sakop ng soccer field. Kadalasang doon ginaganap ang laban ng ibat ibang school at as usual doon din nagpapractice ang mga soccer player. Likod kasi ng academy ay ang malawak na taniman kaya di bale malapit na din dun yung covered arena kung saan nakatayo yung soccer field.

Di na siya nagsalita kasi huminto narin kami sa pagtakbo. Napansin ko na maraming tao at di kami makasingit. Puro babae ang nandito at halos lahat sila ay tila ba naghihiyawan at nagtitilian pa. Mukhang lahat ata ng 'babaeng nagsialisan sa hallway kanina ay dito nagsi-puntahan.

"Iakyat mo ko bes dali!"

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan Vianca!"

"Aakyat tayo ng puno, para makita natin sila. Jusqo. Gustong gusto ko nang makita si Patrick myloves!"

Di na ako sumagot pa at tinulungan na siyang umakyat sa taas. Kung di ako susunod neto baka paniguradong kukulitin at kung ano ano pa sasabihin sakin niyan.

"Bilisan mo umakyat ka na din!"

"Ano ba kasing meron at bakit ang daming tao?!"

"Kingina bes. Umakyat ka na, magsisimula na sila!!"

Supremo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon